♦ FAB: Chapter 1

10.9K 240 85
                                    

======

Chapter One

======

UNANG araw ko 'to bilang first year high school student. 'Di ako excited.

'Di tulad ng utol kong si Aldo. Hindi ako masaya sa school dahil nung elementary itinatak sa isip namin ni papa na ang eskwelahan ay para sa pag-aaral ng mabuti. At hindi ko kaya mag-aral ng mabuti dahil unang-una sa lahat hindi ko gusto ang mag-aral.

Okay, payn. Tamad ako mag-aral at mahina ang ulo ko. Pero hindi ko alam ano ang mas tama: Tamad ako mag-aral kaya naging mahina ang ulo ko o mahina ang ulo ko kaya tamad akong mag-aral.

"Bonbon.." tawag sakin ng utol ko. "Magkita na lang tayo mamaya sa canteen pag recess time na."

"Ge, libre mo ko ha!" sagot ko. Mas matanda lang siya sakin ng isang taon at parehas lang kaming first year. Kaya siguro hindi ako sanay na kinu-kuya sya. Section one si Aldo at section 10 ako. 17 ang pinakalowest section kaya hindi pa naman ako ang pinaka-bobong bagong saltang estudyante dito.

"Libre your ass." sagot lang sakin ni Aldo. Hanep talaga makapag-english tong si utol. Teka, ano ba yung ass? Matignan nga sa google mamaya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Pumunta sa kanya-kanyang classroom. Buti na lang petiks lang muna ang first day at walang masyadong ginawa. Kakahiya nga lang nung kailangan ko magpakilala sa bawat subject. Lalo nung english na ang kailangan sabihin, paktay na. Nagpaturo naman ako kay Aldo pero iba talaga ang kaba pag nasa harap ng maraming tao.

"Good morning mam... morning ebriwan...ahh," kinakabahan ako na ewan. "Ahh..my name is Bonifacio...Bonifacio Dela Cruz...b-but call me Bonbon....because my nickname is Bonbon..."

"i was...ahh...i came...i was came...from Goodwill Elementary School...thank you!"

Mahaba pa dapat yun pero hindi ko na talaga maalala sa sobrang kaba o sa sobrang kabobohan ko.

Di ko namalayan, recess na pala. Yahooo! Favorite subject ko kaya ang recess. Pero ang pinaka-paborito ko pa rin syempre ay ang uwian.

Papunta na akong canteen para kitain si Aldo. Nagtataka ako sa lahat ng estudyante kung bakit malayo ang iniikutan nila para lang makapunta sa canteen gayong kitang-kita naman ang mas malapit na daan.

Dun sa may malaking puno sa tabi ng stage ng school quadrangle. Pero sa bandang dun rin may nakita akong nakatambay na apat na mokong. Naisip ko, mukhang may kinalaman ang apat na ito kaya walang dumaraan kung saan sila nakatambay. Baka mga siga.

Pero dadaan pa rin ako doon. At wala akong pakialam kahit sinong nag-aastang siga ang humarang sakin.

Bago ako tuluyang dumiretso run, isang babae muna ang nauna saking dumaan sa pwesto ng mga mokong. Hindi ko pa makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito mula sa kinalalagyan ko.

Tumigil muna ko sandali at hindi muna dumiretso. Pinagmasdan ko yung susunod na mangyayari.

Nakita kong lumapit at parang hinarangan ng pinaka-lider na damulag yung babae. Tapos sinampal ng babae si damulag. Nanlaki lang ang mga mata ng sigang dambuhala. Hindi ko narinig kung ano ang pinag-uusapan nila pero sigurado akong may sinabi yung damulag na yun na hindi nagustuhan ng babae.

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon