♦ FAB: Chapter 47

2.1K 72 21
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Forty Seven

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

“SINUNGALING ka!” parang maiiyak na sumbat  sakin ni Lorraine.

Hindi ko na alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong i-kilos. Hinayaan ko na lang siya ang magsalita.

“Nung mga unang araw mo pa lang dito, nakwento sakin ni mama na may napanood raw siya sa news ng Filipino Channel na nagpakilala raw na kapangalan ni Sir Osmond Smith..Hindi ko yun pinansin dahil alam kong imposible..Pero kanina nung naglilinis ako ng kwaro mo habang  nasa loob ka ng banyo, napansin kong naiwan mong bukas ang computer mo at di ko sinasadyang makita na ang profile ng facebook na ginagamit mo. Iba ang pangalan. Iba ang picture. Hindi si Sir Osmond. Doon ko uli naisip yung kwento ni mama. Gamit rin yung computer mo. Sinearch ko kaagad yung video na pwede ko mapanood yung news na kwento ni mama. Nahanap ko ito at nakita ko na yung mukha nung lalaki na nagpakilalang Osmond Smith, yan yung ginagamit mong facebook. Ibig sabihin, ikaw talaga yan. At ibig sabihin, si Sir Osmond ay nandoon sa katawan mo. Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Pero..pero siguradong sigurado na ko ngayon. Dapat matagal ko na tong nalaman e! Matagal mo na kong niloloko!” 

Tuloy-tuloy ang pagkukwento niyang yun. Galit. Inis. Hindi na ko pwede magdahilan. Bukong buko na ko. Hindi ko alam yun na nagpakita pala sa TV si Osmond habang nasa katawan ko. Ngayon ko lang rin nalaman. 

“Anong klase ka ba ha?!” biglang tanong niya sakin. Malakas na ang boses niya.

“A-anong anong klase?” hindi ko siya maintindihan.

“Demonyo ka ba!?!”

“Hindi no!“

“Kampon ni Satanas!?!”

“Hindi!”

“Kulto!?!”

“Hindi!”

“Iluminati?!”

“Hin- anong I-Iluminati?” hindi ko naman alam ang ibig sabihin nun.

Pero hindi siya sumagot kaya nagsalita na lang ulit ako. “Sa maniwala ka o sa hindi, hindi ako masamang tao!”

Pero imbes na makipagsagutan, humagulgol siya ng iyak. Ngumuwa na parang bata. Napaupo pa siya sa sobrang pag-iyak.

Tinangka kong lapitan siya pero ayaw niya magpahawak sakin. “Wag ka na umiyak, Lorraine,”

Hindi siya nagpatinag sa sinabi ko at lalo pang lumakas ang pag-nguwa niya. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Awa. Takot. Nagi-guilty rin. Pero hindi naman talaga ako masamang tao.

“Kaya ka ba umiiyak dahil naniniwala ka talagang masama akong tao? Na sa masama ako galing?”

“Huhuhu.. Hindi!” tinignan ako ni Lorraine habang umiiyak-iyak pa rin siya.

“Kung ganun, bakit ka umiiyak ng ganyan?”

“Huhuhu… kasi..” humihikbi-hikbi pa siya. “Kasi nga.. ibig sabihin hindi pala ikaw ang totoong si sir osmond.. na lagi ko ng kasama.. na naka-date ko nun.. nagmukha lang akong tanga.. umasa.. buong akala ko pa naman close na kami.. kasi.. kasi ngayon lang niya ko pinansin ng ganito.. ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa’t-isa.. pero anong ginawa mo.. sinira mo.. sinungaling ka!” sinasabi niya yun sa pagitan ng paghikbi-hikbi niya.

“S-sorry na. P-pasensya na.. Pero di ba, si Osmond pa rin naman itong katawan na to.. ayaw mo ba nun, close pa rin naman kayo ng katawan niya..” panunuyo ko sa kanya.

“Ah basta! Iba pa rin na yung totoong siya ang nasa katawan na yan,” pagdadabog ni Lorraine. “Sinungaling ka kasi!”

“OO na! Ako na ang sinungaling. Isipin mo na lang magkapatid tayo,”

“Magkapatid?” takang tanong niya sakin na saglit nakapagpahinto sa pag-iyak niya.

“Oo. Hindi mo ba alam na kapatid ng sinungaling ang MAGNANAKAW,” may ibig-sabihin yung sinabi kong yun. Medyo nainis kasi ko sa pauli-ulit na pagsabi niya sakin ng sinungaling. Hindi naman talaga ko sinungaling na tao. Ngayon lang naman ako nagsinungaling. At hindi naman niya ko masisisi lalo na pag nalaman niya lahat-lahat. Kung makapanghusga siya sakin parang ang laki-laki ng kasalanang ginawa ko sa kanya dahil lang hindi talaga siya naging close sa totoong si Osmond.

“Ah ganun,” saka siya bumalik sa pagiging Lorraine niya na may pagka-matapang at mataray. Tumigil na siya ng tuluyan sa paghagulgol. Tumayo at inayos ang sarili. “Pinapamukha mo na naman ba sakin yung kasalanan namin ng kuya ko? Well, technically, hindi mo na kami pwedeng sabihan na magnanakaw dahil hindi naman namin natuloy ang pagkuha sa microwave niyo, ESTE, microwave pala NILA SIR OSMOND. Ng totoong SIR OSMOND,” talagang pinagdiinan rin sakin ni Lorraine ang kawalan ko ng karapatan sa pagiging si Osmond.

“Ikaw rin kasi e nakakasakit ka ng damdamin hindi mo naman alam ang totoong kwento.. ang sa akin lang Lorraine, hindi naman natin kailangan maging magkaaway pa at takutin ang isa’t isa. Pwede naman nating ipagpatuloy ang maayos na samahan na meron na tayo. Hindi ako masamang tao, Lorraine.”

“T-totoong kwento? Sige nga sabihin mo sakin yung kwento na yan..”

At doon ko na pinagtapat kay Lorraine ang lahat-lahat simula umpisa nung mga nangyari bago ko pa makilala yung matanda na nagbigay sakin ng link ng website.

Hindi pa rin makapaniwala si Lorraine pero ano pa ba ang hindi niya papaniwalaan gayung nasa harapan na ng mga mata niya ang magpapatunay na totoo ang mga kwinento ko.

“Kailangan malaman natin kung ano ng lagay ni Sir Osmond. Ng totoong Sir Osmond,” biglang naisip ni Lorraine matapos ang lahat ng sinabi ko.

Halos ayaw ko na sana ang ideyang iyon dahil ibig sabihin nun babalikan ko ang mga bagay na pinipilit ko ng kalimutan. Pero nang maalala ko yung status ni Claire, saka ko napag-isip isip na wala naman masama kung hahanapin nga namin si Osmond na nasa katawan ko naman ngayon para kamustahin.

“I-search mo siya at i-add mo sa facebook,” utos niya sakin.

#Iluminati

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now