♦ FAB: Chapter 18

2.5K 107 20
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Eighteen

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

"I SAID..  PLEASE HELP ME GET RID OF THIS FREAKIN' CREATURE! GET THAT LI'L MONSTER OUT OF MY BED!! PLEASEE! OH.. PLEASEE!!" naghi-hysterical na sa takot at paghingi ng tulong si Bonbon sa mga taong nasa paligid niya na nakanganga pa rin.

Hanggang sa nagsalita si LL. "K-kuya Jack, ikaw na mag-alis ng ipis na nakadapo sa gilid ng kama ni kuya Bon."

"H-HA? B-bakit ako? I-ikaw na lang.."

"Ikaw ang mas matanda. Ikaw ang kuya at dapat mas matapang. Ikaw yata ang bading! Baklush!" pang-aasar pa ni LL.

Si LL at si Delay ang parang pinaka-mabilis na naka-recover mula sa labis labis na pagkabigla nang makita nilang nagkamalay na si Bonbon. Pero hindi lang basta nagkamalay. Takot pa sa ipis at biglang nag-i-english. Hindi lang basta nagsalita ng english ah. May accent pa.

Si Kevin ang unang lumapit sa kama ng takot na takot na si Bonbon habang tinatakpan ang mga mata gamit ang magkapatong na mga kamay at mga tuhod. Hinubad ni kevin ang isa niyang tsinelas at ginamit upang hawiin ang ipis sa kinalalagyan nito sa gilid ng kama ni Bonbon. Tumilapon ang ipis sa may bandang kinatatayuan pa rin nila Mavz na nakapagpatili sa lahat. Si Jack at si LL tumili rin. Mabilis uling pinalo ni kevin ng tsinelas yung ipis pagkasalampak sa sahig.

"Yan patay na yung ipis Boss!" nakangiting sabi ni Kevin habang nakaharap kay Bonbon.

Si Bonbon naman, inalis na ang pagtatago ng mukha saka uli nagsalita. "What? What did you just say?"

"Boss? Naknampucha! Wag mo naman ako ingglesin! Sobrang pasasalamat ko at nagising ka na Boss! Kasalanan ko kasi to eh! Buti na lang talaga at mukhang ayos ka na!" tear-eyed na naman si Kevin. Si George naman nakanganga pa rin tulad ni Mavz na pinakanagulantang sa mga nasasaksihan nya.

"Excuse me, I said what did you just say?!" nagtataka pa rin ang tono ni Bonbon. "And by the way... before anything else, MAY I JUST KNOW WHO ARE YOU?! ALL OF YOU?!  AND WHAT ON EARTH I AM DOING TO THIS KIND OF PLACE? W-WHERE EXACTLY I AM?!"

Gulantang na naman ang lahat. Straight english iyon galing kay Bonbon. Pati accent plakadong plakado ang tunog foreigner. Amerikanong-amerikano. Walang bakas ng pagiging Bonbon yung mga lumalabas sa bibig niya.

"B-bo.. Bon? Ba.. ki-kit... ka.. ba.. nag e..english?" pautal-utal si Mavz na nagtanong.

"Naku ate Mavz siguro pinagti-tripan lang tayo nyan ni Bonbon!" sabi ni Jack. "Hoy bon! Umayos ka baka kausapin ka talaga namin sa bahay lahat ng english at di ka na dun makasabat!"

"Pero hirap si kuya Bon magmemorize ng straight english kahit isang sentence. At lalong hirap syang magsalita nito! With american accent pa ba?!" pagtataka ni LL.

"Ang mabuti pa Jack tawagin mo na yung doktor. Bilis!" utos ni Mavz sa kapatid na agad ring sumunod.

"You talk in a language that sounds familiar to me but trust me I did not understand a word."

"Oh so you did not understand what we're saying huh? Then I guess we just have to speak in english like you do." pinatulan na ni LL ang pagiingles ni Bonbon.

"Thank you! But you know what I badly need to go home. And.."

Kurk, kruk, kruk! Tumunog yung tyan ni Bonbon. Palatandaan na nagugutom na siya.

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon