♦ FAB: Chapter 14

3.2K 117 23
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Fourteen

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

GISING! Gising Sir Osmond!”

Nagising ako sa yugyug ni Lorraine. Nakatulog pala ako. At sa balikat nya pala ko napasandal.

“Tapos na yung movie! Grabe sayang binayad ko sayo! Tinulugan mo lang!”

Ang boring naman kasi ng movie. Sana kung action yan! Tapos English pa. Teka ano nga pala uli title ng movie na yun? Hindi ko na nga maalala. O tinandaan ko nga ba? Basta tungkol sa detective detective. Umpisa pa lang nakakaantok na kaya ayan nakatulog nga ako.

“Hindi naman sayang binayad mo.” sabi ko.

“Anong hindi. Bakit aber?”

“Eh syempre nakasama mo ba naman ako at sinamantala mo pa nga ang pagkakataong nakatulog ako sa balikat mo.” Pang-aasar ko uli. Patayo na sana kami para lumabas ng theater.

Di sya agad nakasagot sa sinabi ko. Para syang nainis na nainsulto na napahiya. Pero sa tingin ko totoo naman eh, nag-enjoy naman ata sya na nakasubsob ako sa balikat nya buong sandaling yun.

Maya-maya sumagot n rin sya. “A-ang kapal mo! Hindi noh!” 

“Ows talaga? E bakit ginising mo lang ako kung kelan tapos na yung palabas?” bigla syang namula sa sinabi ko. At medyo nanlaki ang mata at butas ng ilong.

“H-Ha? E ano e, kasi ang hirap mo kaya gisingin.” pgdadahilan nya. “Mukha ngang ayaw mo rin magpa-gising eh! Baka ikaw ang nag-enjoy at namantala sa balikat ko!”

Aba sakin pa nililipat yung mga gawain nya ah!

“Hay naku Claire, wag ka na nga dyan magdahilan. Alam mo naman na alam ko na may gusto ka sakin!”

“Anong sinabi mo? Claire?! Sinong Claire?!”

Patay, nabanggit ko pala pangalan ni Claire! Bakit naman kasi bigla biglang sumusulpot pati pangalan nya kahit sa pagsasalita ko. Iniiwasan ko na nga sya isipin eh.

“Claire? May nasabi ba kong Claire?” pagmamaang-maangan ko na lang.

“Oo kaya! Sino yung Claire ha?” pangungulit nya.

Teka, bakit ba to tanung ng tanong. Ang kulit nya. Tsaka wala nga sa rule na pwede nya ko tanungin.

“Di ba sinabi ko na bawal kang magtanong. Tsaka linisin mo na lang maigi yang tenga mo dahil sigurado ko wala kong binanggit na Claire. At wag ka ng makulit baka mainis pa ko sayo at may magawa akong hindi mo magugustuhan.”

“Kasi naman eh narinig ko talaga. Malinaw na malinaw. Claire ang sinabi mo.” Giit pa rin nya. Nakasimangot na sya. Pero nakasimangot na rin ako.

“Siguro nagseselos ka noh!” bigla kong naisip. At sigurado ako dito. Nagseselos sya marahil dahil may ibang pangalan ng babaeng sinabi ang lalaking kaisa isa nyang minamahal. Hindi nya alam, pangalan yun ng babaeng minamahal ko at hindi ni Osmond. Ano? Minamahal ko pa rin si Claire? Bwisit talaga, hindi ako tinatantanan ni Claire. Mahal ko pa rin talaga sya.

“I’m sorry people but you have to leave now the theater room!” malakas pero magalang na sinabi samin ng parang gwardya sa loob kasi kami na lang pala ang nasa loob. Kaya agad rin kaming lumabas.

Napansin ko na para ng nawala sa mood si Lorraine. Nagselos nga ata dahil sa pagbanggit ko ng pangalan ni Claire. Medyo na-guilty ako kahit alam kong wala naman ako dapat ika-guilty kaya sinubukan ko na lang sya kausapin uli.

FIL-AM BOYSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang