♦ FAB: Chapter 7

3.5K 138 37
                                    

=======

Chapter Seven

=======

"JAYPEE??!" gulat at halos sabay naming nasabi ni George ng makita yung kaibigan namin.

Kaya pala hindi na sya nakakasama sa amin. Akala namin pinagta-trabaho lang sya ng mga magulang nya ngayong summer kaya sya nagdahilan na mag-lie low sa grupo. Yun pala nakipag-kaibigan sya sa mga di hamak na mas loko-loko sa amin.

Naaawa tuloy ako kay Jaypee na parang naiinis rin. Ano kayang pumasok sa utak nya na mas gustuhin nya pa ang makipag-riot imbes na masaya sana kaming nagkukwentuhan at nag-aasaran ng magkakasama?

Ayan na isa-isa na ngang lumalapit ang mga pulis kasama ng mga tanod. Kinukuha ang mga kung anumang bagay na nakakamamatay na hawak o nakasuksok sa katawan nila. Tapos saka isa-isa ng pinapapasok ang mga kabataang ito sa isang malaking sasakyan na ginagamit pag naglilipat ng mga preso.





P-pero teka! Bakit pati ako at si George ay hinuhuli rin ng isang gunggong na pulis na to??!!



"Sir, nagkakamali ho kayo, nadamay lang po kaming pasahero nung sumak-"

"Yung itsura mong yang bata! May dugo ka pa sa noo sasabihin mong nadamay ka lang" hindi ako pinatapos magsalita ng gunggong na to. Akala ko bobo na ko! May mas bobo pa pala sakin! Pulis pa! Bwisit!

"Hindi ho sir eh! Bakit nyo ko isasama dyan sa loob ng sasakyan sakay yung mga tarantadong yan! Eh hindi nga po kami kasama sa riot!" pagpupumiglas ko.

"Oo Sir! Wala ho kaming kinalaman dito!" sang-ayon sakin ni George.

"Ah ganun ba." sabi ng pulis at saka kami biglang kinapkapan.

Inuna nyang kapkapang mabuti si George. Sa bewang at mga bulsa ng pantalon. Wala syang nakita kay George.

Tapos ako naman agad yung kinapkapan nyang mabuti sa parehong bahagi. Syempre tiwala ako na wala rin syang makikita sa akin! Mapapahiya talaga tong bobong pulis na to sakin eh!

"Yung kasama mo.." turo ng pulis kay George. "Mukhang nadamay nga lang pero ikaw mukhang malabo bata!"

Saka may nilabas na ice pick yung pulis galing sa bulsa ng pantalon ko! At hindi ako makapaniwala!

"Kaya wag ka na magpumiglas pa bago tuluyang uminit ang ulo ko sayo dahil baka ipalunok ko sayo tong ice pick na tinatago mo! Sa presinto ka magpaliwanag!"

"Sir hindi ho akin yan! Hindi akin yan! Hindi ko alam paano napunta yan sa bulsa ko!" lalo akong nagwala. Hindi ako makakapayag sa nangyayaring ito.

"Itanong nyo pa sir dun sa ibang pasahero! Dun sa aleng umiiyak! Itanong nyo sa drayber! Wala akong kinalaman! Pasahero lang akong nadamay!" buong giit ko. Hindi nila ko mahila-hila papunta sa sasakyan na kinalalagyan ng mga totoong pasimuno ng buwisit na riot na yan!

"Ang sabi ko! Doon ka na magpaliwanag sa presinto! Wala na yung drayber ng jeep at yung mga totoong pasaherong nadamay lang dahil pinauna na silang maka-alis!" nagwala rin sa pagsagot na sumisigaw yung bobo na talsik pa ang laway na pulis na to.

"Sir sandali lang ho! Nagmamakaawa ako sandali lang ho! Yung nasa loob pong yan!" turo ko kay Jaypee na nasa loob na ng sasakyan. Hindi pa rin ako natitinag. "Alam nya yung totoo! Sabihin mo Jaypee na hindi ako kasama sa inyo! Sabihin mo sa pulis na to nagmamakaawa ako sayo!"

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now