♦ FAB: Chapter 3

4.9K 168 30
                                    

=======

Chapter Three

=======

NANGYARI yung kinakatakutan ko. Uulit raw ako ng 2nd year. Patay!

Lagot ako kay papa. Gulpi to sigurado pag nalaman nya.

Ang totoo, hindi sa gulpi nya ko pinakanatatakot. Mas nakakatakot ang mga sasabihin nya kesa sa mga hampas ng palad nya. Mas madalas, ang mga pinakamasasakit na sugat at pinakamatagal maghilom ay hindi gawa ng kamay, kundi gawa ng bibig.

"ANAK NG...BONIFACIO! HINDI BA KAISA-ISANG UTOS KO LANG AY MAG-ARAL KA NG MABUTI! BAKIT HINDI MO GAYAHIN SI ALDO! YUNG MGA KAPATID MO! IKAW ANG BWISIT SA BUHAY KO E! WALA KANG KA-SILBI SILBI! BOBO!"

Ganito sya magsalita sa akin kapag may bumabagsak akong subject noon pa man. Ganito na sya sakin, sakin lang. Sabagay ako lang naman ang bobo sa pamilya namin. Ako lang raw ang walang kwenta.

Siguro nga dahil hindi ako kasing-husay ni Aldo. Hindi ako katulad ng lahat ng mga kapatid ko.

Pito kaming magkakapatid. Lahat kami ipinangalan ni papa sa mga bayani. Ang gusto kasi ni papa, tulad ng mga bayani pwede kaming maging kapaki-pakinabang at maipagmamalaki sa lahat.

Ang paniniwala ni papa, sa libro lang nanggagaling lahat ng husay at talino ng isang tao. Kung bakit naman kasi sinunod ng lahat ng kapatid ko itong paniniwala ni papa.

Rizal dela Cruz o Kuya Zaldy, panganay, CPA. Nakabukod at tanging sya pa lang ang may sariling pamilya.

Mabini dela Cruz o Ate Mavz, pangalawa, Cum Laude. Elementary English teacher na siya ngayon.

Jacinto dela Cruz o Kuya Jack, pangatlo, UP Diliman 3rd year student. Sa sobrang hilig nya sa Science kumuha sya ng BS Chemistry na kurso.

Aguinaldo dela Cruz o Aldo, pang-apat, siya ang may pinakamataas na IQ. Mula kinder first honor sya. Sumasama ang loob niya pag may isang mali sya sa bawat quiz o test.

Lapu-lapu dela Cruz o LL, pang-anim, magiging salutatorian raw sya ngayong darating na graduation ng elementary.

Del Pilar dela Cruz o Delay, bunso, grade one pa lang sya pero best in reading at panlaban sa mga declamation.

At syempre ako, si Bonifacio dela Cruz o Bonbon, pang-lima, ang bobong-bobong bonbon! Bwisit talaga oh! Bakit kasi mag-isa lang akong naging mahina ang kukote sa dami naming magkakapatid.

Cum Laude ako sa suntukan! Salutatorian sa tadyakan! Best in balibagan! Certified makipag-basagang bungo!

Yan ang sabi nila sakin.

Oo na dyan lang ako magaling. Palibhasa wala man lang nakakapansin na mahusay rin naman ako sa kahit anong sports! Marunong ako mag-drawing! At magaling akong sumayaw! Hindi ko ba yun pwede ipagmalaki? Wala sa mga kapatid ko ang nakakagawa nun ako lang. Pero pinipigilan ni papa dahil puro barkada lang raw ang makukuha ko dun.

Tsk. Syempre nga naman, ang tingin nila sakin parang panira sa pamilya. Buti na lang nakilala ko si Claire. Siya na nagpapaganda ng araw ko kahit na may mga ganito akong problemang dinadala.

"Bonifacio!" tinawag na ko ni papa. Galit sya kapag tinatawag nya kami sa totoo naming pangalan. Heto na yun. Sermunan na. Gulpihan na.

Paano kaya ko gugulpihin ni papa ngayon? Lalo na hindi lang ako basta bumagsak ng isang subject. Bumagsak ako sa buong school year.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now