♦ FAB: Chapter 6

3.8K 129 20
                                    

======

Chapter Six

======

KAKABIHIS ko lang at hinihintay lang ang text ni George para makaalis na ng bahay papunta sa pagpa-praktisan para sa sinalihan naming dance fest sa isang pyesta sa isang barangay na malayu-layo sa aming lugar.

Nandito ako sa loob ng kwarto ko.

Syempre hindi totoo yung kwarto KO.

Sana nga lang kasi magkaron nga ako ng sariling kuwarto. Isa kaya to sa mga pangarap ko. Yung tipong pag gusto ko pang matulog, walang nakapaligid na maiingay na iistorbo sakin. O pag gusto ko naman mag-ingay, walang magpapatahimik sakin.

Apat kaming nagsisiksikan nila Kuya Jack, Aldo at LL sa kwartong ito. Dalawang double deck. Sa isang double deck, sa taas ako at sa baba naman si Aldo. Sa isa pa uling double deck, sa taas si Kuya Jack at sa baba naman si LL.

Magkasama naman si Ate Mavz at ang bunso namin na si Delay sa isa ring kwarto. At meron silang tig-isang kama at hindi naghahati sa isang double deck. Buti pa silang mga babae, dalawa lang sa isang kwarto na kasinlaki ng kwarto naming mga lalaki.

Kaya siguro lalo ko naisip na mas maganda kung may sarili talaga akong kwarto ay para magawa ko ng makapag-drama na walang makakakita sakin. Minsan talaga kapag masama ang loob ko ang gusto ko lang gawin ay mag-lock at magmukmok lang sa loob ng kwarto ko. Pero lalo lang sasama loob ko pag naiisip ko na oo nga wala pala akong sariling kwarto.

"Kuya Bonbon.." tinawag ako ng kapatid kong si LL. Nagsusuklay ako ngayon sa harap ng salamin.

"Oh, bakit tol?" nilingon ko sya. Nakaupo lang sya sa kama nya. Mukhang malungkot at may malalim na iniisip tulad ko.

"Di ba kuya, matapang ka?"

"H-Ha? Bakit mo natanong?" nabigla ako.

"Pwede mo ba ko ipagtanggol kuya?"

"Oo naman! Sino ba yang umaaway sayo ha?!"

Syempre naman ipagtatanggol ko si LL kung sino man yang umaaway sa kanya. Tulad ng pagtatanggol ko kay Aldo sa mga umaway sa kanya nung elementary kami. Kung yung mga kaibigan ko nga ay ipinagtatanggol ko, sila pa kayang mga kapatid ko.

Tinabihan ko si LL sa pagkakaupo nya sa kama. "Sabihin mo tol kung sino yan at ang kuya ang bahala!"

"Marami sila kuya, mga schoolmates ko nung grade six." malungkot na sinabi ni LL. "At sigurado ko magkikita-kita pa kami sa high school. Isa lang naman halos ang pupuntahan naming school dito eh, dyan sa school nyo nila kuya Aldo."

"Siguro mga inggit sayo yan noh dahil salutatorian ka na grumadweyt? Di bale akong bahala sa mga yan ituro mo lang sakin!"

"Hindi sila mga inggit kuya."

"Ha? Eh bakit ka nila inaaway? At bakit ngayon mo lang sinabi sakin na may mga nang-aaway sayo?"

"Kuya pag nasa school nyo na rin ako, sana ipagtanggol mo na lang ako ha." malayo yung sagot ni LL sa mga tanong ko sa kanya.

"Sabihin mo tol, ano ba problema?"

Hindi na sya agad nakapagsalita.

"K-kasi..." nakikita ko na parang hirap nyang ibuka yung bibig nya pero parang may gusto syang ipagtapat. Kaya lang bago sya tuluyang makapagsalita, tumunog na yung cellphone ko. Nag-text na si George at kailangan ko na ring magmadali dahil bawal ang late sa praktis namin.

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon