♦ FAB: Chapter 28

1.7K 88 25
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Twenty Eight

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

 

MARAMING unang beses si Osmond sa bago niyang buhay. Nakagamit siya ng tabo na wala sa kanilang bahay. Meron lang siyang bidet sa sarili niyang banyo. Dito sa bahay nila Bonbon, kailangan niyang maghintay sa paggamit ng CR sa mga nauna niyang kasama sa kwarto na gumagamit nito. Kapag siya na ang gumagamit ng CR, kinakatok naman siya ng susunod sa kanya para magmadali. Madalas si Jack lang ang maingay na nagpapamadali sa kanya gayung ito yung laging late na gumigising kahit may pasok rin ito sa college. Sa bahay niya sa Amerika, kahit ilang oras siya magbabad sa sarili niyang banyo, walang magpapamadali sa kanya.

Inabot na rin pala sa kanya ni LL yung cellphone ni Bonbon at napakunot noo niyang tinaggap ito. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong cellphone. Cherry Mobile ang nakasulat na pangalan sa cellphone. Hindi na lang siya nagtanong pa at tinabi na lang ang cellphone sa bag na ginagamit nya pampasok ng school. Namiss nya tuloy yung iphone niya. Ang daming apps dun na na-download niya. Mga trivia at kung anu-anong educational apps. Hindi pa niya halos lahat nalalaro.

Nasa baba siya ng double deck na kama natutulog. Si Aldo yung nasa taas. Pag gumagalaw si Aldo sa taas nagigising sya kahit malalim na ang tulog niya. Ganun karupok ang higaan nila. Napapansin na rin ni Osmond na may dalawang tao sa bahay na ito ang hindi siya pinagtyatyagaan kausapin. Yung papa ni Bonbon at si Aldo. Buti pa nga yung bunsong si Delay kinakausap rin siya ng English. “Hello kuya Bon! I really miss you when you were in the hospital!” Napansin pa nga niya na mas may grammar pa ang bunsong kapatid nila bonbon kesa sa mga kaibigan nito at iba pang nakausap na niya sa English.

Sa una, malungot na malungkot talaga si Osmond sa bahay na ito. Pero kahit papaano, nagagawa na rin nitong isiping ayos rin naman pala ang buhay dito. Kahit wala yung mga material na bagay na nakasanayan na niya. Lalo pa’t dito nya lang rin naramdaman ang pakiramdam ng may mga kapatid ka dahil nag-iisang anak lang siya at lagi pang wala ang magulang niya. Masaya siya sa kadaldalan ni LL. Masaya siya sa kabaitan ni Mavz. Masaya siya sa pagiging mapagbiro ni Jack. Masaya siya sa kalambingan ni Delay. Ano ba naman kung hindi siya kinakausap ni Aldo at nung papa ni Bonbon. E sa bahay nga nila, yung mismong magulang niya hindi naman siya makausap ng mahaba-haba. Mabuti pa nga ang kasambahay nila at ang anak nitong si Lorraine na gustong-gusto siyang kinakausap kahit ayaw na ayaw niya.

7 pm na. Tinawag na siya ni LL para kumain. Ganito ang oras ng dinner ng pamliya Dela Cruz. Naalala pa ni Osmond na pandesal ang kauna-unahan niyang kinain sa bahay na ito nung unang umagang gumising siya dito.

Napagtyagaan ni Osmond ang mga unang beses niyang pagkain sa bahay nila Bonbon. Madalas sa umaga may tinapay lang na may palaman tapos gatas. Puro kanin ang pagkain dito. Nakapag-ulam na siya ng delatang corned beef, meatloaf at tuna. Nakapag-ulam na rin siya ng may mga sabaw tulad ng tinolang manok at sinigang na baboy. Minsan may adobo rin. Nakakaya naman niyang kumain. Isa lang ang hindi niya talaga kayang kainin. Gulay.

At sa sobrang kamalasan, kare-kare ang ulam. Kare-kare na walang halong karne. Purong gulay lang. Si Mavz ang nagluto dahil ang alam nito, paborito ni Bonbon ang kare-kare.

Nasa harap na silang lahat ng hapag-kainan ng nagsalita si Osmond. “I’m so sorry but I don’t eat veggies. Hope you can excuse me if I will skip a meal?”

Nagtaka si Mavz. “But Bon, that dish is your favorite.”

Nagsalita na rin si Aldo sa wakas. “Edi kung ayaw ng kumain ng gulay wag ng pilitin.”

Nagsalita na rin yung papa nila. “Sige Bonifacio, umalis ka rito agad at wag ka ng kumain kesa aartehan mo ko sa harapan ng pagkain.”

“Pa, nabibigla lang si Bonbon! Di ba nga po may nangyari sa utak niya?” pagtatanggol ni Mavz.

“Wala akong pakelam kung anong nangyari sa utak niya. Ayoko ng maaarte sa pagkain! Tapos.” At wala ng nagawa pa si Mavz kundi samahan si Osmond sa kwarto.

“I don’t know that you do not like anymore eating vegetables. I’m sorry Bon.” Sabi nit okay Osmond na kahit hindi niya naintindihan ang sinabi nung papa nila, alam niyang galit ito dahil sa tanggi niya sa pagkain ng gulay.

“I am the one who should say sorry.” Paghingi ng tawad ni Osmond kay Mavz.

Maya-maya, isang malakas na boses ang narinig ng lahat galing sa sala. “HELLO HELLO EVERYONE! IT’S NICE TO BE BACK!”

Dumating si Zaldy. Ang panganay sa magkakapatid. Kasama nito ang asawang si Rowena at ang anak na 2 years old na si AG na bukod sa mabilis ng maglakad magaling na rin magsalita.

Iniwan muna ni Mavz si Osmond sa kwarto at sinalubong si Zaldy. Hindi naman napigilan ng papa nila sila LL, Delay at Jack na puntahan rin sa sala ang mga bagong dating kahit nasa gitna ng kainan.

“WOW Kuya, maka nice to be back ka. Galing ka lang naman Caloocan!” bungad ni Jack kay Zaldy.

Si Zaldy ang pinakamayabang sa kanilang magkakapatid. Pinakama-pride. Pagka-graduate at pagka-graduate nito nung college at pagkapasang-pagkapasa sa board exam bilang CPA o Certified Public Accountant, nakapaghanap agad ito ng trabaho at nag-asawa rin agad. Matagal na siyang sawang sawa sa pamamalakad ng papa nila sa mga buhay nilang magkakapatid. Kaya may isyu rin silang dalawa ng papa nila. Ngayon lang si Zaldy nagpakita sa bahay. Pero ngayon ang balak niya ay ipapakilala na ng maayos ang asawa at anak sa papa niya. Sa Caloocan lang siya nakatira pero dalawang taon na hindi sila nagkita-kitang magkakapamilya. Dahil na rin sa ayaw ng papa nila. Yung mama nila, alam na alam ang lahat ng tungkol sa pagbubukod at pagpapamilya ni Zaldy simula umpisa.

“Panira ka talaga Jack! Bakit ngayon lang naman rin talaga ko nakapunta uli dito sa bahay natin kahit nasa Caloocan na ko nakatira ah.” sabi ni Zaldy na gustong batukan si Jack. “Kumusta na kayo mga kapatid ko? Hindi ba ko nahuli ng dating for dinner? May dala ko ditong pagkain!”

“Buti naman at naaalala mo pang may mga kapatid ka pa.” malamig na tugon ni Mavz kay Zaldy.

“Ito naman si Mavz, magda-drama pa. Mamaya na tayo magdramahan, pakilala ko muna sa inyo si Rowena, ang aking magandang asawa.” Sabay turo niya sa katabing babae na ngumiti sa kanilang lahat.

“At sa napakaganda rin at napakatalino kong anak na si-” napansin ni Zaldy na hindi hawak ng asawa niyang si Rowena yung anak nila. “Weng, nasan si AG?!?”

Napatingin yung babae sa kaliwa niya. Tumingin rin sa kanan. “Hala? Hawak-hawak ko lang sya kanina ah?! Hindi mo ba kinuha sakin?!”

“Paano ko kukunin dala-dala ko tong mga bitbit natin!” sagot naman ni Zaldy na tumataas na talaga ang boses.

“Naku kuya, baka naiwan niyo sa tricycle!” sabay singit ni LL.

Sabay tinignan ng masama ng mag-asawa si LL.

“JOKE lang po!” bawi nito.

#ZaldyAndFamily

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon