♦ FAB: Chapter 27

1.8K 94 18
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Twenty Seven

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

 

PILIPINAS.

HINDI na tuluyan nakapasok sa first day ng klase yung tatlong mayabang na umaaway kay LL dahil sa mga pasa sa mukha na gawa nila George, Jaypee at Kevin. Masyado ng sanay ang boys at the back sa mga suntukan para mapatumba ng mga bagito. Pinakamagaling sa ganitong away si Bonbon pero mula nung naging magkakaibigan sila, hindi na rin sila napapaaway, ngayon lang ulit na kinailangan nilang ipagtanggol si LL.

Dumiretso na rin si LL sa kanyang klase na wala ng takot sa wakas. Samantala, sabay-sabay naman na pumunta sila George, Jaypee at Kevin kasama si Osmond sa kanila ring klase.

NAPABILIB ni Osmond na nasa katawan ni Bonbon ang mga kaklase niya at mga bagong teacher niya ngayong first day ng pagiging 3rd year highschool. Siya kasi ang naging usapan ng halos lahat ng teachers nila. Wala naman masyadong pinagawa sa kanila ngayon.

“Totoo pala ang balita at ang sinabi rin ng guidance counselor, si Mr. Bonifacio Dela Cruz ay English-speaking na. At napakahusay magsalita.” pahayag ni Mrs. Matabang na bagong adviser sa lowest section na class kung saan kabilang si Osmond at ang boys at the back. “Mr. Dela Cruz, hindi ka na ba talaga nakakaintindi ng tagalog?”

Si Osmond walang reaksyon sa baling na tanong sa kanya ng guro.

“Ma’am hindi na nga sya nakakaintindi ng tagalog! Hindi niya po kayo pinansin e.” sabat ni Kevin. Sabay tawanan ng buong klase.

Parang napahiya tuloy ang adviser. “Mr. Pagtakhan, baka gusto mong ipakausap rin kita sa guidance counselor!” pananakot nito kay Kevin at saka biglang napatiklop si Kevin.

“Mr. Dela Cruz!” tawag uli ni Mrs. Matabang kay Osmond.

Siniko ni George si Osmond na katabi nito sa huling row kasama sila Jaypee at Kevin.

“What?” tanong ni Osmond sa paniniko ni George.

“Ah.. Ma’am speaking to you.” Sagot ni George na naghalungkat ng inggles sa kasuluk-sulukan ng utak niya.

Dun napag-isip isip ni Osmond na Dela Cruz pala ang apelyido ng katawan na kinalalagyan niya. At siya ang kinakausap ng nasa harap na guro. Tumayo siya at nagsalita. “I’m sorry, ma’am. What is your question again? I would appreciate if you speak to me in just English.”

Filipino teacher talaga ang adviser nilang si Mrs. Matabang pero napilitan pa rin itong magpaliwanang sa English sa mga sinasabi niya. Kahit taking-taka, binilinan niya ang tatlong kaibigan ni Bonbon na sina George, Jaypee at Kevin na turuan si Osmond sa pagtatagalog.

RECESS time. Nakaupo ang boys at the back sa dati na nilang pwesto sa canteen na hindi na sinusubukan upuan ng ibang estudyante. Yung mga bagong students, nabibigyan na ng tip na hindi pwedeng upuan yun. Nang malaman naman ng mga first year student na mga babaeng umiidolo na kay Osmond na doon siya nakaupo, marami ang nag-abang sa kanya at nakapalibot ngayon sa lamesa ng apat. 

“Mga preks, pasensya na pala kayo kung hindi niyo ko nakasama nung bakasyon. At kung napasama ko sa gang. Magulo lang ang utak ko nun. Naghiwalay yung nanay at tatay tapos kinuha nila tig-isa yung dalawang kapatid ko. Ako iniwan. Tapos naisip ko, hindi ako magaling magbasketball kaya bakit ako sasama sa inyo Kevin nung sumali kayo sa isang laro. Hindi rin ako marunong sumayaw kaya bakit ako sasama sa inyo ni George nung contest. Pakiramdam ko tuloy nun napag-iiwanan ako sa lahat ng bagay. Pasensya na kayo. Lalo na sa’yo boss kasi dahil sa mga pinaggagawa ko nadamay ka ng di ko sinasadya.” Mahaba at mangiyak-ngiyak na paliwang ni Jaypee sa kanila.

“ULOL! Tama na yung drama mo! Ang daming babaeng nanunuod satin para tayong artista nyan tapos makikita nila yung mukha mong umiiyak na lalong pumanget!” pagbibiro ni Kevin sabay tawa.

“Hahaha! Oo nga! Tsaka bakit samin ka nagpapaliwanag e kay boss ka may atraso di ba!?” sabat naman ni George.

“Sige ikaw na lang George magpaliwanag ng lahat ng sinabi ko kay boss sa English!” sabi ni Jaypee.

“Gago ka pahirapan mo pa ko! Yaan mo na nga lang! Wag ka na magpaliwanag kasi wala na naman naaalala si boss sa lahat ng bagay e. Kaya wala na rin kwenta yung paliwanag mo!” sagot ni George.

“Ang sabihin mo ayaw mo lang rin mag-english!” sabi naman ni Kevin na tumatawa at nagpatawa rin sa dalawa. Si Osmond na kanina pa walang pakialam sa mga pinagsasabi nila ay malayo ang tingin.

“Naku ang layo ng tingin ni boss. Ang hirap naman kasi niya kausapin eh! Bakit kasi English pa yung naging salita nya!?” pansin ni George kay Osmond.

“Kesa naman intsik maging salita nya! Mas mahirap ata yun!” sabat ni Kevin na nagpahalakhak ulit sa kanila. Pwera pa rin kay Osmond.

NATAPOS ang klase at nagkita-kita sa harap ng gate sina Osmond, ang boys at the back at si LL.

“LL, totoo bang bakla ka?” walang anu-anong tanong ni Jaypee.

“Ha? Eh..”

“Ikaw ba si Lala?” sunod na tanong naman ni George.

“Ah..eh…ano eh..”

“E sino si Tinky Winky, Dipsy at Po?” sabay pang-gagong dagdag na tanong naman ni Kevin sabay tawanan nilang tatlo.

“Ano ba yan mga kuya! Binibiro nyo naman ako e!” sa wakas nakasagot na ng maayos si LL. “Ano kasi, oo, ako nga si Lala! Oo, bakla ako!” pag-amin na ni LL.

“Ahhhh…” sabay-sabay na sagot ng tatlo pagkatapos tumawa.

“Sikreto lang yun ah! Buti nga hindi tayo naiintindihan ni Kuya. Sabagay, hindi naman sumbungero si kuya Bonbon. Pero mga kuya, please lang wag niyo na sasabihin sa mga kapatid ko. Dahil patay ako pag nalaman ni Papa!”

“Walang problema. Maaasahan mo kami para kay boss.” Sabi ni Jaypee na ikinatango rin nila George at Kevin.

“Maraming thank you po talaga mga kuya! Salamat talaga sa pagtatanggol sakin ha at sa pagsikreto nito! Swear ang popogi niyo po! Hihihi!”

“Bakla ka nga talaga. Ini-echos mo kami eh!” sabi ni George na ikinatawa na naman nila.

“Hehe! Sige bilang kapalit ako ang tutulong sa inyo makipag-usap kay kuya Bon!” sagot ni LL na ikinatuwa naman ng tatlo.

Ganito lagi ang boys at the back. Nagbibiruan, nagbabarahan at nagtatawanan na parang mga walang problema. Mas masaya na ngayon sila George, Jaypee at Kevin na nagkasama sama ulit sila kasama ang inaakala nilang si Bonbon.

“Shall we go home?” naiinip na biglang singit ni Osmond sa kanilang lahat. At nagpaalam na sila sa isa't isa.

#FirstDay

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now