♦ FAB: Chapter 45

1K 43 3
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Forty Five

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=



"HEY, did you guys have your selfie photoshopped or something?"


"There's no way that would be Osmond Smith in that pic?!"


 "What?! The shirtless hot guy with Lorraine was Osmond? You must be kiddin' me!?!"


"Lorraine was one lucky girl!!"


"I didn't see it comin'! Osmond is now a hottie??!"


Ganito ang mga usapan sa bawat class na pinuntahan namin ni Lorraine. Nag-trending pala sa school ang selfie picture naming dalawa ng pinost niya ito sa kanyang facebook account. Kaya pala humingi si Lorraine sakin ng copy. Tinag niya raw ako pero syempre hindi ko yun malalaman dahil siguradong sa totoong Osmond niya iyon nai-tag.



Ngayon nga ito na ang pinag-uusapan. Hindi sila makapaniwala. Bagong Osmond na talaga ang nakikita nila ngayon. Hindi na yung itsurang lalampa-lampa. Hindi na mukhang mahina. Hindi na pwedeng ma-bully. Malakas. Matikas. Maganda Marunong na magdala ng sarili. Wag na wag lang akong pagsasalitain at siguradong parang pang Hollywood teen heartthrob na ako.


"Bilib na bilib sila sa'yo, Sir Osmond," natutuwang sabi ni Lorraine sakin. Magkatabing nakaupo sa History class. "Hindi sila makapaniwala sa naging pagbabago mo."


"Change — is the only constant thing in the world," seryoso kong sagot sa sinabi niya.


Biglang napatigil si Lorraine sa narinig niya sakin. Halos hindi siya makapagsalita. "W-wow, gumaganyan ka na ngayon Sir Osmond."


"Sabi mo di ba mag-english lang ako ng mag-english para praktis," nagpipigil ako ng tawa.


"Very good," buong papuri at pagmamalaking sabi ni Lorraine. At dun na ko humalakhak. Di ko na napigilan ang tawa ko.


"Anong nakakatawa?"


Tinuro ko yung board sa harap habang tumatawa pa rin. Doon kasi nakasulat yung sinabi kong English sa kanya. Binasa ko lang talaga yun dun.


Kung pwede lang siguro kong batukan nitong si Lorraine ginawa na niya. Kitang-kita na parang napikon na naman siya sa mga kalokohan ko. Parang binibiro ko lang naman siya.


Nginusuan na lang niya ako at medyo tinignan ng masama. Saktong saktong ay dumating na ang history teacher namin. Nangingiti pa rin ako. Tuwang tuwa lang kasi ako na pinagti-tripan si Lorraine. Wala naman kasi akong ibang makakabiruan dito. Sana sanay na siya sakin.


"Class, today we're gonna have a debate," bungad ng teacher namin na babaeng nasa edad trenta siguro. Istrikta ang itsura nito lalo na at nakasalamin pa.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now