♦ FAB: Chapter 10

3.5K 121 34
                                    

======

Chapter Ten

======

SUSUBO na sana ako ng pancake dahil natakam ako sa itsura nito na sobrang sarap pero hindi ko naituloy dahil sa huling sinabi ng babae na pumwesto pa sa harap ko at nakatitig sakin.

MAHAL NA MAHAL RAW NIYA AKO.

Este, mahal na mahal niya pala yung Osmond.

"Don't mind me, Sir Osmond! Just eat! I'm really sorry if I keep talking with my other language most of the time."

"You know, I just kinda' miss my country a lot."

Isa ngiti lang ulit ang sinagot ko sa kanya. Pilipinas yung tinutukoy nya sigurado ako.

"Hmm, I have noticed that you're just smiling back at me all the time, is there something wrong?"

Tama ba? Nagtataka sya kung bakit ngiti lang ako ng ngiti. Teka, kailangan ko na sigurong sumagot.

"NO."

Hay salamat nakapagsalita na rin sa wakas.

"Ahh okay, are you sure?"

"YES."

Buti na lang may yes at no.

Sana hindi nya mahalatang ibang tao ako. Na hindi ako yung taong dapat sinasabihan nya ng mga pinagsasabi nya kanina pa. Na hindi ako yung Osmond. Nasa katawan lang niya ko.

"Hahaha!" tumawa siya. May pagkamalakas syang tumawa ah.

"You actually act so weird today! But anyway, just continue taking your meal, I just need to do something at the kitchen." saka sya umalis papuntang kusina.

Nilantakan ko na agad yung pancake na kanina pa ko pinaglalaway. Inubos ko lahat ng nakalagay na pancake sa harapan ko. Siguro mga lima lahat itong naubos ko. Medyo nabitin pa nga ako sa dalawa lang na sausage. At isang tunggaan lang na ininom yung orange juice.

Maya-maya bumalik rin yung babae.

"Would you like to...hey, you have finished eating all of those pancakes? Wow! Just Amazing. I mean, this is the first time I see you eating like everything in your plate." gulat na gulat yung itsura ng babae. Tapos nagsalita uli sya sa tagalog.

"Sabi ko na eh espesyal talaga pagkakatimpla ko sa pancake na yan ngayon eh! Sarap na sarap sya! Ahihhihi!"

"Ngayon lang ata to kumain ng ganito karami at kabilis! Sige na kahit walang natira sakin ayos lang basta sya naman ang umubos!" Nilagyan nya uli ako ng juice sa baso ko at syempre ininom at inubos ko rin agad ito.

Masarap talaga ang pancake na niluto nya. Bihira lang rin ako makatikim nito. At kahit gutom ako o hindi, malakas talaga ako kumain.

Gusto ko tanungin yung pangalan nya. Kahit na maganda sya, hindi ko maipagkakailang mas nagagandahan pa rin ako kay Claire. O dahil mahal ko si Claire kaya para sakin sya ang pinakamaganda. Hay, mahal ko pa rin si Claire.

Malayo na naman ako sa kanya siguro ngayon. Siguro naman mas madali ko na sya makakalimutan nito. Anong lugar kaya to? Ibang bansa nga kaya?

Teka, tanungin ko kaya tong babaeng to. Pero dapat english. Para hindi ako mahalata. At dapat tanungin ko muna pangalan nya. Sino ba kasi tong babae na to. Isipin ko nga muna ano sa english yung anong pangalan mo.

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon