♦ FAB: Chapter 43

1.2K 53 5
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Forty Three

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

TATLONG araw na rin simula nung pasukan at pauwi na kami ni Lorraine ngayon nang naisipan kong puntahan ang gym ng Carson High School. Wala lang, excited lang akong makita ang itsura nito. At siguro gusto ko lang makinood saglit kung may mga naglalaro dun.

Ayaw pa sana ko samahan ni Lorraine pero napilit ko rin siya. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gym na yun, kakaibang saya na ang naramdaman ko. Pakiramdam ko nasa court ako ng NBA e. Bigla kong nangarap na naglalaro ako sa court na ito suot ang magandang jersey habang nasa audience si Claire at nagchi-cheer sakin.

Blag! Natauhan ako sa tama ng bola sa ulo ko. At dun ko napagtanto na nasa gitna na pala ako ng court nakatayo. Napapikit pala ako kanina. Nilibot ko ng tingin ang buong gym at napakaraming tao.

Saka ko nalaman na kasalukuyan palang may ginaganap na try-out o audition para sa gustong maging new members ng school varsity team.

“What are you doing in the middle of the court!? Go away, little ass!” sigaw ng isang may edad na lalaki na parang pinakapinuno ng nagpapatry-out. Baka iyon ang coach. Hindi agad ako tumalima kahit ramdam ko naman ang mensahe ng coach na pinapaalis niya ko sa gitna ng court.

Nakatingin kasi ako sa ring ng basketball. Nahinto talaga ako sa bigla kong naalala. Ganitong ganito ang pwesto ko nun bago ako mapunta sa ibang katawan. Dito sa katawan ni Osmond. Mabuti na lang nung nabato ako ngayon ng bola ay hindi naman ako bumalik sa dati kong katawan.

“Sir Osmond! Come over here! You’re not supposed to be there! They are having a basketball try-out!” sigaw sakin ni Lorraine na nasa may gilid lang kasama ng ilang estudyanteng nakikinuod sa try-out.

Doon na akong tumakbo papunta sa pwesto ni Lorraine at may sinabi sa kanya. “Lorraine, gusto ko sumali sa try-out.”

“Ha? Sure-“ pinutol ko ang sasabihin ni Lorraine.

“Sure ako. Yan ka na naman, wala ka na naman tiwala sakin. Di ba nakita mo na kong maglaro ng basketball kasama yung kuya mo at mga kaibigan niya. Kaya dapat magtiwala ka naman sakin.”

“May tiwala na naman ako sayo. Ang iniisip ko lang baka mapabayaan mo yung academics mo dahil dyan. Demanding kaya ang oras ng practice ng basketball.”

“Kaya ka nga nandyan di ba, tutulungan mo ko?” nginitian ko ng matamis si Lorraine.

“Hmmm.. Oo naman.. Sige ikaw bahala… Sabi mo e! Nasan na yung ID mo?” sang-ayon niya rin.

“Nandito sa bag ko, bakit?”

“Kunin mo at yan lang ang ipapakita mo para makapag-tryout. Pumila ka na dun! Go!” at mabilis akong kumilos para makapila sa mga nagtatry-out.

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon