♦ FAB: Chapter 25

2K 111 31
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Twenty Five

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

KAHAPON lang lahat nangyari nung nanuod o natulog ako sa sinehan kasama si Lorraine at nung natulungan namin si Leroy na hindi tuluyang magulpi ng anim na kano sa isang eskinita. Ilang araw pa lang ako sa Amerika pero parang ang dami dami ko ng naranasan.

Nandito ko ngayon sa kwarto at katatapos ko lang kumain ng tanghalian sa baba. Nakahiga lang ako sa kama at ini-enjoy ang pagpapahinga ko nang may kumatok sa pinto. Kung di si Aling Lisa, malamang si Lorraine lang ito.

“Hi.” Si Lorraine ang kumatok. Nakangiti. Ngiting-ngiti pala. Pati mga mata niya ngumingiti. Nagpapa-cute ba to? Bakit kaya? Na-miss na naman ata ko. Na-miss si Osmond.

 “Bakit?” tanong ko sa kanya. Nasa may pintuan pa rin kami.

“Ah… Eh…” sabi niya na parang tanga.

“Ayusin mo sinasabi mo di ko maintindihan.”

“Ano kasi.. ah.. ano.. ah.. niyayaya ka ni kuya Leroy! Tama! Niyayaya ka niya maglaro raw kayo ng basketball dun sa pinaglalaruan niya! Tuturuan ka raw niya kung gusto mo!”

“Ayos yan ah! Sige sige! Sabihin mo lang kung kelan! Salamat!” Isasara ko na sana yung pinto.

 Pero pinigil niya ko. “Sandali!”

“O bakit? May sasabihin ka pa ba?” Grabe talaga tong si Lorena. Patay na patay nga talaga kay Osmond. Gusto lang talaga niya kong nakikita.

“Miss mo na agad ako? Kaka-date lang naten kahapon ah.” asar ko sa kanya.

“H-ha? Hindi ah! Baka nga ako yung namiss mo eh!?” biglang ganti niya.

“Ako? Namiss ka? E sino ba satin yung pumunta sa kwarto ng may kwarto at parang tangang di makapagsalita?”

“A-ako? Parang tanga!? Ang yabang mo! Bakit di mo pa kasi aminin sakin na gusto mo rin ako ha!” medyo malakas niyang sinabi na ikinagulat ko. Si Osmond may gusto sa kanya? Akala ko ba hindi siya pinapansin nito.

“Pinagsasabi mo?”

“Ayan oh!” tapos inabot nya sakin yung isang sulat na kanina pa pala hawak ng isa niyang kamay at nakatago sa likod nya.

 Binasa ko kung ano yung nakalagay:

 To the ONLY GIRL I fell in love with,

The first time I saw you, there was magic. Ever since I looked into your eyes, I know that I love you. I know this sounds crazy but yes, I’m confessing now my feelings towards you…

Sincerely,

Osmond

Mahaba pa yung sulat pero di ko na tinapos basahin. Basta naiintindihan ko na isa itong love letter para sa isang babae. Aba gumawa rin ako ng love letter hindi nga lang English gaya nito. Nakalagay sa sulat ang pangalan ni Osmond sa huli.

“Kaninang umaga nung nasa bathroom ka at naglilinis ako ng kwarto mo, nakita ko yang sulat na yan sa ilalim ng kama mo.” Paliwanag ni Lorraine.

“Ah... Wala akong naaalalang ganitong letter na ginawa ko eh. Ge.” Dahil si Osmond ang tiyak na gumawa niyan. Ibinalik ko rin agad sa kanya yung letter.

“Alam ko sasabihin mo na naman yan. Wala kang maaalala. Di mo alam to, di mo na alam yan…Pero… pero di naman utak ang makakaalala pagdating sa love ah? Di ba?” Ano raw? Ang korni! Okay, naging korni rin ako pero kasi, nakakatawa pala pag naririnig mo mismo sa iba. Di ko tuloy napigilang tumawa ng konti. Konti lang naman.

“Hoy bat ka tumatawa! Hindi mo ba naiintindihan ang ibig sabihin ng love letter na yan!” nagagalit na sabi niya.

Pinilit ko ulit na sumeryoso kunwari. “O ano ba ibig sabihin?”

Huminga muna siyang malalim saka nagsalita. “Ang ibig sabihin may gusto ka rin sakin! Mahal mo rin ako! At di mo lang masabi-sabi sakin nun pa kaya ka gumawa ng letter na yan! Hindi mo lang mabigay-bigay sakin! Mahal mo ko Sir Osmond!” 

Mabilis akong nakasagot. “Oo nakasulat dyan pangalan ko. Pero may nakalagay bang pangalan mo?”

Napanguso siya. “For your information, kaklase mo ko sa lahat ng subjects mo since grade school! Bukod sakin, wala ka ng ibang kilalang babae pa! Wala nga kong kilalang kaibigan mo eh! Bukod sa school, dito ka lang lagi sa bahay at hindi ka lumalabas! Never! Nagkukulong ka nga madalas sa kwarto mo! Ako lang ata buong buhay mo ang babaeng kasama mo ng madalas! Nababantayan ko lahat ng kilos mo dahil pag gantong summer naman nandito nga ko sa inyo at tinutulungan si mama! Ngayon sabihin mo sakin, sino pang ibang babae ang sasabihan mo ng TO THE ONLY GIRL I FELL IN LOVE WITH ha?!” malakas na dire-diretso niyang sinabi.

Napaisip muna ako. “Baka si…”

“Sino?!” tanong niya.

“Baka si…”

“Sino nga!?”

“Baka si Aling Lisa!” tapos humalakhak ako sa kakatawa.

“Sige lang! Biruin mo lang ako at pagtawanan ngayon! Pag dumating yung oras na maalala mo lahat! Tignan natin kung kanino ang huling halakhak! Porket ba alam mo ng mahal kita ayaw mo ng aminin na mahal mo rin ako? Ang hirap naman pala pag nawawalang memory ng isang tao ang kalaban mo!” mahaba pa niyang sabi sakin at sa sarili niya.

Pagkatapos kong tumawa at pagkatapos mag-dayalog ng mahaba ni Lorraine umalis na rin agad siya na parang nabwisit. Pero napaisip rin ako bigla. Pambihira, mahal ni Lorraine si Osmond. Tapos si Osmond mahal rin pala itong si Lorraine? Naku! Baka mamaya umasa tong Lorenang to na gusto ko nga siya! Eh hindi nga ako yung totoong Osmond! Nasa katawan niya lang ako. Pambihira naman tong si Osmond, napaka-torpe! Nag-iwan pa tuloy sakin ng problema dito. Ako? Medyo torpe lang. Gumawa rin ako ng love letter para kay Claire kasi baka makalimutan ko lang lahat ng gusto kong sabihin nun. Pero wala rin naman. Hindi na niya malalaman lahat ng nakalagay sa sulat na yun. Siguro alam naman niya na may gusto ako sa kanya. Pero yung dahil sa kanya kaya ako nagsumikap mag-aral nun, hindi na niya malalaman. At bakit pa kailangan nyang malaman e may Aldo na nga siya.

Nasaan na rin kaya yung sulat kong yun? Di ko na maalala.

#OsmondLoveLetter

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon