♦ FAB: Chapter 15

2.9K 116 19
  • Dedicated kay Angie Ocampo
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Fifteen

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

"Ang sabi ko-" lalakasan pa sana ni Lorraine magsalita sa pangungulit nya sakin sa kung anong nakikita ko sa eskinita pero mabilis kong tinakpan yung bibig nya. Ang totoo, napayakap pa ako sa kanya para lang mapigilan rin syang makakilos at masilip yung eskinita.

Dapat ko nga ba syang pigilan sa nakita ko? E kapatid nya yun. Ito na pala yung sinasabi ng kuya nya nun na baka mapatay raw sya sa bugbog pag hindi nakuha yung microwave oven. Ibebenta nya siguro at ipambabayad sa mga mokong. Kaso dahil nga pinigilan ko ang masamang plano nilang pagkuha sa microwave oven, andun yung kapatid nya na si Leroy at mukhang magkakatotoo yung kinakatakutan.

Pero dapat ba kong maawa? E mali yun. Mali ang naisip nilang paraan. Kahit anong dahilan pa meron sila hindi yun katanggap-tanggap. Hindi ata maatim ng kunsensya ko na may makitang nanlalamang ng kapwa. Ayoko ng may naagrabyado. Naiinis ako sa mga di patas. Sa mga nananakit. 

Si Leroy? Sasaktan sya. Anim laban sa isa? Hindi patas yun ah. Maagrabyado siya. TSK. Kailangan ko nga yatang tumulong? Ay hindi, hindi pala. Bakit ba ko makikiaalam pa sa problema ni Leroy. Dapat matutunan ko na ang wag pumasok sa kahit na anong gulo ng kahit na sino na wala akong kinalaman. Kasi minsan, nadadamay na ko at napapasama pa. Mas mabuting umiwas ako at hayaan na lang sila. At isa pa, kamuntikan pa kong masaktan nyang Leroy na yan. Yung nanay nga lang niya yung napuruhan. Kaya mas lalong wala dapat akong pakialam.

"Psst... wag kang maingay, tara balik tayo doon...wag na tayo magpatuloy sa pupuntahan natin." Halos pabulong kong sabi sa tenga ni Lorraine sabay ng pagturo ko sa basketball court na pinanggalingan namin.

Tapos pinilit nyang alisin yung mga kamay ko sa bibig nya at pinilit rin magsalita ng dahan-dahan at tahimik pero parang naggagalit-galitan ang tono. "Bakit? Ano meron? At bakit mo ba ko niyayakap ha?"

"PSSTT.. sabing wag maingay! bakit ba ang kulit mo? at  hindi kita niyayakap...pinipigilan lang kita.." gusto ko sanang lakasan rin ang boses ko pero pinilit ko pa rin babaan ito para hindi kami marinig nung mga mambubugbog sa kuya ni Lorraine. Akala nya naman gusto ko rin na mapayakap sa kanya.

"Pinipigilan? Bakit? Ano ba kasi yang nakita mo? Bakit mo ko kailangang pigilan? Gusto ko rin ma-"

Tinakpan ko uli yung bibig nya nang maramdaman kong parang lalakas na naman ang boses nya. "Ano ka ba! Delikado! May mga mukhang mag-aaway dun sa eskinita! Ano? gusto mo bang madamay pa tayo? Kaya tara na alis na tayo!"

Tinanggal nya uli yung kamay ko.

"Ha? E bakit ngayon mo lang sinabi! Tara na! Bilis!" sigaw na pabulong nyang sinabi. Parang tanga rin minsan kumilos to e.

"Ahhhh!!!!" aalis na sana kami nang isang napakalakas na iyak ang narinig namin. Parang iyak na galing sa isang taong nasaktan ng sobra dahil sa kung ano. Sigurado ko dun galing yun sa kinaroroonan ni Leroy.  

"Wait, ano yun?" natigilan si Lorraine. 

"Wag mo ng pansinin." 

"Hindi eh parang familiar yung boses na yun!"

"Ah...yung mga tao sa eskinita lang yun, yung mga mag-aaway, dali na umalis na tayo baka madamay pa tayo!" giit ko.

Pero mabilis na nakatakbo at nakasilip si Lorraine sa eskinita at nanlaki ang mata nya at akma syang tatakbo papunta sa kinatatayuan ng anim na mukhang gugulpi sa kuya niya. Nakaluhod na ang kuya ni Lorraine habang nakabilog sa kanya ang mga mokong. Nakahawak ito sa tyan nya na siguradong binigyan ng malakas na suntok kaya marahil ito napaiyak ng pasigaw. Binabandera pa ng dalawa sa kanila yung dos por dos nilang hawak habang ang iba'y pinapatunog ang mga kamao na siguradong ipapadapo sa mukha at katawan ni Leroy. May mga sinasabi sila pero hindi na namin masyado marinig lalo na't nasa bandang dulo sila ng makipot na daan. 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon