♦ FAB: Chapter 9

3.6K 131 28
                                    

======

Chapter Nine

======

NAGHIKAB ako ng mahabang-mahaba sabay ng pag-unat ko pagdilat na pagdilat ng mata ko mula sa aking pagkakahimbing.

Ito na yata ang pinakamasarap kong gising sa buong buhay ko.

Ang lambot at ang lawak naman kasi ng kamang hinigaan ko. Ang lamig at parang naka-aircon ang pakiramdam. Ang payapa sa paningin ng paligid. Basta ang tahimik. Ang sarap talaga!

Ayoko pa tumayo sa kama, nakaupo ako na parang nakahiga pa rin. Para ngang gusto ko pa ulit matulog kahit pakiramdam ko sapat na sapat na yung tulog na nagawa ko.

Buti na lang talaga ayos tong gising ko dahil bigla kong naalala yung panaginip ko. Ang sama! Totoong-totoo eh.

Nakita ko raw ang sarili ko na nawalan ng malay. Tapos dinala raw ako ng mga kaibigan ko sa ospital. Tapos dumating raw si ate Mavz. Tapos nawalan raw ako ng pulso sabi ng doktor. Tapos...

Tapos..

namatay raw ako!!!

Weeeww!

Grabe yun ah.

Buti na lang hindi naging bangungot. Buti na lang hindi totoong nangyari!

At heto nga ang sarap at buhay na buhay ang pakiramdam!

Parang ang gaan-gaan. Gusto ko pa ngang sumipol.

Maka-bangon na nga sa kama at makapag-suklay. Syempre, ito kaya una kong ginagawa pagkabangon. Magsuklay. Masyado kong maayos sa buhok ko. Ewan, trip ko lang. Parang dito kasi ko lalo nagpi-feeling gwapo. Guluhin na lahat pati buhay ko, wag lang tong ayos ng buhok ko.

Ang ganda ng salamin. Pang-mayaman. Hinarap ko na yung sarili ko sa salamin na kita ang kalahati ng katawan ko.

Astig ng buhok ko ah, parang may kulay. Huwaw!

Teka, oo nga noh bakit parang may ibang kulay buhok ko...blonde? Kelan pa?

Hinawakan ko yung buhok ko.

Parang numipis ata yung hibla pero sobrang malambot at bagsak. Ang alam ko itim na itim at makakapal ang hibla ng buhok ko.

Nanlalabo na ba mata ko? At yung kamay ko namamanhid na ba?

Kinusot ko yung dalawang mata ko ng maigi at tinitigan ng mabuti yung kabuuan ng mukha ko sa salamin.

Hindi naman nanlalabo yung mata ko. Malinaw naman. Ayos nga eh, kitang kita ko yung blue eyes ko. Tapos yung kutis ko na ang puti-puti. Na para kong lumunok ng isang trak ng glutathione.

Kaya ayun, sigurado kong hindi nanlalabo ang mata ko. Siguradong hindi ako namamalikmata...

Sandali...

Teka...

....

Parang may mali ah?

Ako si Bonbon..


blue eyes?

maputi? na parang nag-glutathione!?

at blonde ang buhok?

Tsaka oo nga pala! Nasan ba ako?

Hindi ko to kwarto. Mali, hindi pala ito ang kwarto namin!

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now