[32] Wedding

2.4K 55 1
                                    

Matapos ang nakakakilig na moment namin ni Haru, umalis na rin kami agad at nag-swimming. Nag-try din kaming mag-surfing kahit na hindi kami marunong. Nang mapagod kami ay bumalik na rin kami sa mini villa at nagbihis.

Alas singko ng hapon nang napagpasyahan naming maglakad-lakad ulit. Habang naglalakad ay may nadaanan kaming nagtitinda ng ice cream. Bumili si Haru ng dalawa at kinain namin ito habang naglalakad.

“Date ulit tayo next time,” sabi niya habang kinakain ang ice cream.

Napatingin ako sa kanya. “Hmm, saan naman?”

“Saan mo ba gusto?”

Hmm, saan nga ba? Ang ideal date ko talaga ay sa isang amusement park. Naiinggit kasi ako sa mga couples na nakikita ko sa amusement park kapag nagpupunta kami ni Yanna. Sasakay kami sa mga rides, magkahawak-kamay na naglalakad habang ang iba naman ang maiinggit sa’min. Tapos sa gabi, sasakay kami sa ferris wheel at titingin sa mga stars, at kukuha ng napakaraming pictures.

Pero ngayong may boyfriend na ako, naisip kong okay lang kahit saan as long as kasama ko siya. Iyon naman talaga ang mahalaga doon.

“Kahit saan basta kasama kita,” sabi ko at inubos ang ice cream na hawak ko.

Tumingin siya sa’kin at ngumiti. Tumigil siya sa paglalakad at umakyat sa isang malaking bato. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako paakyat. Umupo kami doon habang nakatingin sa papalubog na araw.

“My dream is to watch the sunset with you. And I’m glad it came true,” he said.

I smiled. This feels good. It feels good to be with him, holding my hand as we watch the sunset. Next time, I want to watch how the sun rises every morning with him, too.

“Happy birthday, Jhea.”

“Happy birthday, Haru.”

Hindi man magkasabay ang birthday namin, natutuwa ako dahil nai-celebrate namin ito ng sabay. June 22 ang birthday niya at June 28 naman ang birthday ko. Noong birthday ko, kaming tatlo lang nina Mommy at Yanna ang nag-celebrate sa bahay. Hindi nakapunta si Haru dahil sa problema sa Lola niya pero tinawagan niya ako nang araw na iyon at binati ako. Medyo nakonsensya pa nga ako noon dahil nakalimutan ko ang birthday niya pero ang sabi niya, okay lang daw. Medyo complicated pa kasi ang sitwasyon nang mga oras na iyon.

I’m happy I have this day with him. Kahit na isang araw lang ito, I’ll treasure it.

**

Day of the wedding…

“Jhea, bilisan mo na. Nandito na si Yanna. Kailangan na nating umalis,” sigaw ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.

Ngayon ang kasal nina Haru at Ashley. Ngayon na rin namin isasagawa ang plano para hindi matuloy ang kasal. Ako, si Yanna, Haru, Ashley at Renz lang ang nakakaalam nito. Maski si Mommy at Tita Lena ay walang alam sa gagawin namin.

“Sige po,” sabi ko.

Sa totoo lang, kinakabahan ako. Paano kung pumalpak ang plano? Anong gagawin namin? Matutuloy pa rin ba ang kasal nila?

Hindi pwedeng mangyari ‘yon.

“Kaya niyo ‘yan, Jhea. Think positive. Fighting!” Pag-e-encourage ko sa sarili ko.

Lalabas na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Kuya Jared. Sinagot ko agad ito.

“Hello, Kuya!”

“Hello, baby girl. How are you?”

“Ayos naman. Ikaw? Bakit ka nga pala napatawag?”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now