[48] Haru's Jhea

2.3K 68 0
                                    

Matapos ang insidenteng iyon, hinatid na ako nina Yanna at Jake sa bahay. Wala ni isang umimik habang nasa biyahe kami pauwi. Nanatili lamang akong tahimik. Alam kong naiintindihan iyon nina Yanna kaya hinayaan nila ako.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng opisina. Alam kong wala na akong tatapusin dahil natapos ko na kahapon ang article ko pero maaga pa rin akong pumasok. Ayoko kasing mahalata ni Mommy ang nararamdaman ko. Hihintayin ko na lang ang ipapagawa sa’kin ni Ms. D, ang editor-in-chief namin. Isa pa, hindi ko pa sigurado kung okay na ba sa kanya ang nagawa kong article.

Makalipas ang ilang oras ay unti-unting dumami ang mga empleyado. Namataan ko si Yanna na padating.

“Oh, ang aga mo yata ngayon?” tanong ni Yanna. Inilapag niya ang bag niya sa ibabaw ng table at agad na binuksan ang computer.

Pumangalumbaba ako at tumingin sa kanya. “Wala naman. Feel ko lang.”

“Okay. Tatapusin ko na muna ‘tong article ko. Kumusta pala? Nasabi na ba ni Ms. D ang ipapagawa niya sa'yo?” tanong niya habang hinihintay na mag-open ang computer.

“Hindi pa. Baka binabasa pa niya ‘yong article na ginawa ko kahapon. Baka magkaproblema pa doon kapag hindi niya nagustuhan kaya heto, hinihintay ko na lang kung anong desisyon niya.”

Biglang tumunog ang telepono sa floor namin. Sinagot ito ng co-employee namin na malapit sa telepono at agad ding ibinaba iyon nang matapos. Nagulat na lang ako nang tawagin niya ako.

“Jhea, pinapatawag ka ni Ms. D,” sabi ni Mark, ang co-employee namin.

“Speaking,” sabi ni Yanna at bumaling na sa computer.

Tumayo na ako at agad na lumabas ng office. Nagpunta ako sa office ni Ms. D. Pagkarating ko doon ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.

“Yes... yes... Thank you...”

Bumaling siya sa’kin pagkatapos niyang makipag-usap.

“Good morning, Ms. D,” bati ko ng nakangiti.

“Good morning. Please have a seat,” sabi niya at inilahad ang upuang nasa harap niya.

Umupo ako sa upuang inilahad niya. “So, may problema po ba sa article na sinulat ko?”

Umiling siya. “No, no. Wala naman. Pinapunta kita dito para sa next article na ipapagawa ko sa’yo. May kailangan kang interview-hin.”

“Sure, Ma’am. Sino po bang celebrity ang iinterview-hin ko ngayon?” I asked.

“Do you know 4Sync?”

Bigla akong kinabahan nang banggitin niya ang banda ni Haru. “Uhh… y-yes, Ms. D.”

“Good. Sila ang next na iinterview-hin mo.”

Nanlaki ang mata ko sa narinig. “Po?”

Napakunot-noo siya. “Oh, bakit? May problema ba?”

Shit! Ito pa yata ang magiging dahilan ng pagkawala ko ng trabaho. Hindi ko pwedeng tanggihan ‘to.

“Uhh… w-wala naman po. Nagtataka lang po kasi ako kung bakit sila ang naisipan niyong interview-hin ko.”

“Ah. Isa kasi sila sa sikat na banda worldwide. Magiging maganda ang kalalabasan ng next magazine issue natin kapag ifineature natin sila doon lalo na at Pinoy ang main vocalist nila. Besides, balita ko magtatagal pa sila dito sa Pilipinas ng tatlong linggo dahil isa sila sa mga bandang magpe-perform sa upcoming PH Music Awards.”

Tatlong linggo? Magtatagal pa sila dito? Well, it’s fine. Kapag in-interview ko siya, iyon lang ang araw na makikita ko siya. Isang araw lang ‘yon! After that, wala na.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now