[11] Weakness

2.6K 58 0
                                    

Jhea’s POV

After ng kadramahang nangyari sa’min ni Haru, tumahan na rin ako. Hindi na namin natapos ng maayos ‘yong pinapanood namin kaya pinatay ko na lang. Tapos, naisipan naming lumabas muna para magpahangin sa garden.

Nadatnan namin si Kuya doon. At nang makita niya kami, ngumiti lang siya tapos pumasok na sa bahay. Anong nangyari doon? Ang weird niya, ha.

Umupo kami sa upuan doon. Tahimik lang kami doon hanggang sa maisipan kong basagin na ang katahimikan.

“Thank you nga pala.”

Tumingin siya sa'kin. “For what?”

“For being there. For comforting me.”

“No need to say thanks. I just don’t want to see girls crying. It’s my weakness.”

Napatingin ako sa kanya. At hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa. What the?! Si Haru? May weakness?

“What’s funny?” tanong niya.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.

“Hey, I’m asking you. What’s funny?”

“Ikaw? May weakness? Patawa ka!”

Napakunot-noo naman siya. “I’m serious. Lahat naman ng tao may weakness, ah? I’m sure ikaw mismo meron ‘non.”

Natigil ako sa pagtawa. Oo nga naman. May weakness nga rin pala ako.

Tumikhim ako. “Oo nga pala. Hindi lang kasi halata na may weakness ka. Pero kahit na, thank you pa rin. Dati si Kuya ang laging nag-co-comfort sa’kin. Teka, bakit mo nga ba ako kino-comfort?” tanong ko.

Come to think of it. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako kino-comfort, eh. Baka naman tama talaga ang iniisip ko. Baka naman may gusto nga talaga siya sa’kin?

“Nothing. As I’ve said, I don’t want to see girls crying.”

“Hmm, iyon lang talaga? Baka naman may gusto ka sa’kin,” sabi ko at bahagya akong natawa.

He chuckled. “Wala akong gusto sa’yo. Bakit ba ‘yan na lang ang lagi mong iniisip? Baka naman ikaw ‘tong may gusto sa’kin.”

Umiling ako. “Wala, ‘no! Bakit naman ako magkakagusto sa’yo? Mas gwapo pa si Yonghwa sa’yo!”

“Tss! Defensive.” Pagkasabi niya ‘non, tumayo siya at nagdiretso palabas ng bahay. Sumunod ako sa kanya.

“Hoy! Hindi ako defensive! Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Oo na. Oo na. Ang ingay mo. Makauwi na nga lang.” At tuluyan na siyang nakalabas ng bahay namin.

Ako, may gusto sa kanya? Asa! Hinding-hindi mangyayari ‘yon.

**

Monday. First day of school festival.

Nagpunta na kami sa gym kung saan gaganapin ang opening ng school festival. May short program doon na gagawin kung saan magpe-perform ang mga graduating students.

“Yanna, camera mo?” tanong ko kay Yanna.

“Heto na,” sabi niya at ipinakita sa’kin ang camera niya.

“Full charge ba ‘yan? Baka naman mamaya, iisa pa lang ang napi-picture-an natin, lowbat na ‘yan.”

“Don’t worry, girl. Nag-charge ako kanina. Saka kung ma-lowbat man ‘to, may dala naman akong extrang battery.”

“Okay. Tara na.”

Ngayon na rin ang start ng paggawa namin ni Yanna ng school paper para sa project namin kaya pinagdala ko siya ng camera. Hindi na ako nagdala kasi pampabigat lang sa bag. Tutulong na lang ako sa pagkuha ng picture.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now