[9] Protect

2.9K 64 0
                                    

Jhea’s POV

Isang linggo na ang nakalipas. Grabe, ang bilis ng mga araw.

Wala namang mga kakaibang nangyari sa’kin nang nakaraang linggo. Si Haru, ayun, slave pa rin ang turing sa’kin at lagi pa rin akong inaasar. Pero may nagbago lang ng kaunti. Hindi na niya ako masyadong nauutusan kasi mas madalas siyang may klase. Busy yata since malapit na ang school festival. Since Performing Arts ang course niya, kasama siya sa mga magpe-perform sa last day ng school festival.

Ganoon din si Jake tutal magkaparehas sila ng course. Minsan na lang kami nagkikita at kung magkakakuwentuhan naman kami, nasa garden lang kami. Pero nag-iba na ngayon dahil after niyang sabihin sa’kin ‘yong tungkol sa babaeng nagugustuhan niya, puro iyon na lang ang bukambibig niya. Kesyo nakita daw niya na nakangiti kasama ‘yong mga kaibigan nito, o kaya naman ay nakita niyang namamasyal ito mag-isa sa mall. Wala naman akong magawa kundi ang makinig since kaibigan niya ako, kahit na deep inside, nasasaktan na ‘ko.

Kami naman ni Yanna, wala naman kaming participation para sa school festival. Teka, paano nga ba ginaganap ang school festival sa’min?

Ganito kasi ‘yan. Five days ang school festival. Sa first day, doon ginaganap ang opening ng school festival. Kumbaga, may opening program para doon. Ang mga magpeperform ay mga graduating students lang. Half day lang iyon kaya maagang umuuwi ang mga estudyante. On the second day hanggang fourth day, doon na nagkakaroon ng iba’t ibang participation ang different clubs/organizations sa school. Pwedeng hunted house, marriage booth, cafe, nagbebenta ng K-Pop merchs, etc. At sa last day naman, gabi na iyon sine-celebrate dahil iyon na ang closing program. Nagsisimula siya ng 5:00 PM at matatapos ng 12:00 midnight. Mga freshmen naman ang magpe-perform sa gabing iyon at pagkatapos ‘non, bibigyan ng award ang isang club/organization sa school na nakakuha ng pinakamalaking sales. Tapos after ‘non, magkakaroon ng sayawan at pagsapit ng 11:30 ng gabi, mag-a-announce sila kung sino ang best couple ng gabing iyon.

Right now, nandito kami ni Yanna sa room at hinihintay na dumating ang prof namin. Maya-maya, dumating na rin siya.

“Class, I will announce something important.”

“Ano po ‘yon, Sir?” tanong ng isang classmate namin.

“You all know that two weeks from now will be our school festival, right? Since wala naman kayong participation sa araw na iyon, may ipapagawa na lang ako sa inyo.”

“What? Sir naman, eh!” At nagsimula na ngang magreklamo ang ibang classmates namin.

“Quiet! You need to do this in order to pass my subject. Now, I want all of you to find your partner for this project.”

Naghanap na kami ng kanya-kanya naming partners. At siyempre, sino pa nga ba ang magiging partner ko, ‘di ba? Walang iba kundi si Yanna.

“Ang gagawin niyo ay gagawa kayo ng sarili niyong school paper. Lahat ng mangyayari sa school festival ay kailangang nakalagay sa gagawin niyong school paper. And of course, you need to include some pictures. At siyempre, kailangan lahat ng details ay maayos, naiintindihan at ang pinakamahalaga sa lahat, no wrong spellings and no wrong grammars. That means you need to type it in English. Now here’s the deal. Kung sino ang may pinakamagandang gawa ay mae-excempted sa final exam. Now, if you have any questions, you can approach me at my office. Good day and good luck!” Pagkasabi niya ‘non, umalis na siya.

Nagsimula ng mag-usap usap ang mga classmates ko. At syempre, pati kami ni Yanna. Grabe! Excempted sa final exam? Kailangan ko ‘yon.

“Yanna, kailangan nating gawin ang lahat para sa project na ‘to,” sabi ko.

“I know, girl. So, paano ang gagawin natin?” tanong niya.

“Of course we need to combine our strength and brain in order to do this. Kaya natin ‘to, girl. Fighting!” sabi ko.

Rainbow After The RainOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz