[57] Quit

2.4K 53 0
                                    

Kinakabahan ako. I don’t know. Hindi ko kasi alam kung magiging maayos ba ang lahat pagkatapos namin silang kausapin.

Papunta kami ngayon ni Haru sa hotel kung saan nag-i-stay ang 4Sync. Pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon ay napagpasyahan naming kausapin namin sila ngayon.

Ang sabi niya sa’kin ay makikinig lang ako. Siya na daw ang bahalang kumausap sa kanila. Kinakabahan tuloy ako. Baka hindi nila magustuhan ang sasabihin ni Haru.

Naiisip ko rin ang magiging reaksyon ni Janica. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanila pero pakiramdam ko, masasaktan siya kapag sinabi na ni Haru ang balak niya.

Speaking of Janica, ano nga ba ang mayroon sa kanila ni Haru? Noong mga time na nakikita ko sila, lagi silang nagngingitian na parang close na close sila. Minsan nga, hindi siya iniiwan ni Haru. Kapag wala naman si Haru, hinahanap siya lagi ni Janica. Ganoon din si Haru kay Janica. Hinahanap niya ito kapag nakita niyang wala ito roon.

Tumingin ako kay Haru. Tahimik lang siyang nagda-drive. Kanina ay sinundo niya ako sa bahay. Akala ko magdadala siya ng driver pero nagulat ako nang siya lang mag-isa ang nagpunta sa bahay.

Ano kayang naiisip niya ngayon? Kinakabahan din ba siya tulad ko?

Sumulyap siya sa’kin saglit. Napangisi siya. “Why are you staring at me like that?”

“Huh?”

Hinawakan niya ang kamay ko. Napakunot-noo siya.

“Ang lamig ng kamay mo. Kinakabahan ka ba?” tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango.

He sighed. “To be honest, kinakabahan rin ako. But I’m sure magiging maayos ang lahat. Just trust me, okay?”

“Uhh, Haru...”

“Hmm?”

Napalunok ako. Dapat ko pa ba talagang tanungin ito?

“G-gusto ko lang itanong... Close ba kayo ni Janica?”

Saglit siyang sumulyap sa’kin bago ibinaling ang tingin sa kalsada. “Oo.”

Napakunot-noo ako. “Gaano ka-close?”

Huminto ang sasakyan dahil sa stop light. Sinamantala niya ang pagkakataon para tumingin sa’kin.

Napangisi siya nang makita ang nakakunot kong noo. “Bakit pakiramdam ko nagseselos ka?”

Umiwas ako ng tingin. Tumikhim ako. “Bakit naman ako magseselos?”

Tumawa siya ng mahina. “You don’t have to be jealous. Wala namang namamagitan sa’min. At kahit kailan, walang mamamagitan. Hindi pwede ‘yon. It’s against the law.”

Tumingin ulit ako sa kanya. “Huh? Bakit naman against the law?”

“She’s my cousin.”

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Totoo ba ‘tong sinasabi niya? Pero bakit naman siya magsisinungaling?

“Pinsan mo siya?” gulat kong tanong.

Nag-drive na ulit siya nang mag-go signal. Ngumisi siya.

“She’s Janica Ferrer. My mother’s maiden name is Elena Ferrer. In short, anak siya ng kapatid ni Mommy,” sabi niya.

“Tapos manager mo siya ngayon? Paano nangyari ‘yon?”

“Lumaki siya sa South Korea. Actually, Mommy niya ang nag-suggest na siya ang gawin naming manager. Noong una ayaw ko sana kasi baka mahirapan siya pero mismong si Janica na ang nagsabing gusto niyang maging manager namin. So, in the end, pumayag na ‘ko.”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now