[28] Say It

2K 49 0
                                    

Featured Song: Sa’yo – Silent Sanctuary

**

Jhea’s POV

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. Gosh! Hangover!

Naalala ko ang panaginip ko kagabi. Pero nagdadalawang-isip ako kung panaginip nga ba ‘yon o hindi. Sinabi ko daw kay Haru na mahal ko siya. I think it’s a dream. Hindi naman alam ni Haru kung nasaan ako kagabi.

Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa paligid. Nandito ako sa kwarto ko. Naalala kong nasa kwarto ako ni Yanna nang uminom kami. Paano ako napunta dito? Siguro ay hinatid niya ako pauwi. Naku, patay ako kay Mommy nito lalo na at uminom ako.

Pagkatapos kong maghilamos at mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako. Dumiretso ako sa kusina kung saan nakita ko si Mommy na naghahain kasama ang maid namin. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili ko para sa sermon niya.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. “G-good morning, Mom.”

Lumingon siya sa’kin at nagulat ako dahil nakangiti siya. “Good morning, baby. Tamang-tama ang gising mo. The food is ready. Kumain na tayo. Pinagluto kita ng soup na effective for hangover.”

Kahit na nagtataka ako dahil hindi siya galit ay umupo na lang ako. “Uhh… sige po. Mom, hindi po kayo galit? Hindi ka po galit na uminom ako?”

“Bakit naman ako magagalit? Ang sabi sa’kin ni Haru, um-attend daw kayo kahapon sa isang biglaang party kaya ka napainom at hindi na nakapagpaalam. Okay lang naman sa’kin since first time mo lang uminom at kasama mo naman si Haru. Basta sa susunod, magpapaalam ka at huwag ka ng masyadong iinom,” sabi ni Mommy habang nakangiti.

Napakunot-noo ako. “Si Haru? Si Haru po ang naghatid sa’kin dito?”

“Oo. Hindi mo ba alam? Ah, siguro dahil sa kalasingan mo hindi mo na matandaan. Ang mabuti pa kumain ka na para makainom ka na rin ng gamot para umayos na ang pakiramdam mo.”

“Sige po.”

Kumain na muna ako habang hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit si Haru ang naghatid sa’kin. Paano niya nalamang uminom ako? Si Yanna! Malamang ay tinawagan niya si Haru para sunduin ako.

Ayos lang. Alam ko namang hindi alam ni Yanna na nakita ko si Haru kahapon. O alam niya? Nasabi ko ba sa kanya? Hindi ko na matandaan. Kakausapin ko na lang siguro siya mamaya.

Kung ganoon, totoo ba ang panaginip ko o hindi? Si Haru ang naghatid sa’kin, so may possibility na totoo nga ‘yon. OMG! Kailangan ko talagang makausap si Yanna mamaya.

**

Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa kwarto ko at tinawagan si Yanna. After ilang rings ay sinagot na niya.

“Girl! Ano?! Kumusta ka?!” bungad ni Yanna pagkasagot niya. Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya.

“Yanna naman, huwag kang sumigaw. Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang.”

“Ikaw naman kasi, eh. Sabing huwag ng uminom, sige ka pa rin. Kung wala ka lang problema, hindi kita hahayaang gawin ‘yon, eh.”

“About that. Nasabi ko ba sa’yo kung anong problema ko kahapon?”

“Why? ‘Di mo naaalala? Oo, nasabi mo nga pero magulo. Sobrang gulo. Pwede bang linawin mo?”

Napakunot-noo ako. “Paanong magulo? Wait. Magkita tayo. Ite-text ko na lang sa’yo kung saan.”

“Okay.”

Pagkatapos ng tawag na iyon, agad kong tinext sa kanya kung saan kami magkikita. After ‘non ay naligo na ako at nag-ayos.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now