[22] Love Experts

2.3K 59 0
                                    

“Ano bang bagay? Itong blue o itong pink? Hmm,” tanong ni Yanna sa sarili habang hawak ang dalawang dress.

Katatapos lang ng klase namin ng araw na iyon. Nasa mall kami ngayon dahil gusto daw ni Yanna na mag-shopping. Sinamahan ko na lang siya dahil wala akong ganang mamili ngayon. Nasa isip ko pa rin kasi ‘yong about sa sinabi sa’kin ni Haru kahapon.

“Ano sa tingin mo, Jhea?”

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na in love sa’kin si Haru. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero nang sabihin niya iyon, bumilis ang tibok ng puso ko. Sa ngayon ay naguguluhan pa ako.

“Jhea?”

Kagabi nga ay hindi agad ako nakatulog dahil sa nalaman ko. Ang weird nga pero kinikilig ako. Mayroon namang mga nagkagusto sa’kin dati pero hindi ako nakakaramdam ng kilig sa tuwing sinasabihan nila akong mahal nila ako. Ang weird dahil kinilig ako kay Haru. Dahil ba sa close kami?

“Jhea!”

“Ay palaka!” gulat na sigaw ko. Napatingin ako kay Yanna.

“Ano bang nangyayari sa’yo? Bakit ba para kang wala sa sarili mo? Nitong mga huling araw napansin ko ng lagi kang ganyan. Naiinis na ko, ha? Lagi mo na lang nakakalimutan na kasama mo ‘ko,” sabi ni Yanna na bahagyang nagtatampo.

“Sorry na. May naisip lang.”

She sighed. “Kasi naman, girl, best friend mo ako. Bakit ba hindi mo sabihin sa’kin lahat ng nagpapagulo sa utak mo kaysa lagi akong nanghuhula kung bakit ka laging tulala? Minsan tuloy naiisip ko baka hindi naman best friend ang turing mo sa’kin, eh,” sabi niya saka humalukipkip.

Na-guilty naman ako. “Sorry na, Yanna. Promise. Simula ngayon, sasabihin ko na sa’yo lahat. Best friend pa rin naman kita, eh.”

Sumulyap siya sa’kin. “Promise?”

“Promise.”

Napabuntong-hininga siya. “Sige. Last na ‘to, ha? Everytime na may problema ka, sabihin mo agad sa’kin. Hindi ‘yong sasamahan mo ‘ko tapos lagi mong sasabihing wala kang problema pero halata namang meron. Saka girl, kapag may dumating na problema, sabihin mo agad sa’kin hindi ‘yong paaabutin mo pa ng isang araw bago mo sabihin sa’kin. Kapag may chika, gora na. Sabihin mo agad sa’kin,” sabi niya ng nakangiti.

Nanliit ang mata ko sa kanya. Minsan talaga hindi ko mapigilang isipin na tsismosa ‘tong si Yanna, eh. Pero okay lang. Love ko naman ‘yan dahil ganyan siya.

“Okay. Tama ka. Dapat hindi ko sinasarili ang problema ko. Mas gagaan ang loob ko kung may mapagsasabihan ako.”

“Ayan, very good. So ano? Ano bang problema mo?”

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita. “It’s not actually a problem. Hindi ko talaga sigurado kung masasabi ko bang problema ‘to.”

Napakunot-noo naman si Yanna. “Huh? Ang gulo mo naman. Ano ba ‘yan? Pwedeng paki-explain?”

Tumingin ako sa paligid at napansin kong medyo awkward naman kung dito kami mag-uusap. “Mamaya ko na lang sasabihin pagkatapos mong mag-shopping. Parang nakakahiya kasing sabihin habang nandito tayo.”

Nagulat ako nang bigla niyang isinauli sa lalagyan ang damit na hawak niya kanina tapos ay hinila niya ako palayo.

“Ayy naku, girl. Marami pang araw para mag-shopping. Ang mabuti pa, umuwi na tayo. Doon tayo sa bahay para may privacy. Don’t worry. Wala sila Mommy sa bahay,” sabi niya.

Napa-facepalm nalang ako. Oo na, tanggap ko na. Ganito nga talaga ang best friend ko. Sinasabi ko na nga ba, eh. Tsismosa talaga siya.

**

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon