Epilogue

5.2K 89 6
                                    

Rainbow After The Rain
Written by: jglaiza

•••••

Epilogue

Featured song: On This Day - David Pomeranz

**

Kanina pa tingin ng tingin si Haru sa relo niya. Kanina pa rin siya naghihintay sa harap ng simbahan. Kinakabahan siya. Paano kung hindi siya dumating?

Kanina pa iyon napapansin ni Jake kaya nilapitan niya si Haru.

"Dude, ayos ka lang ba?" tanong nito.

"Kinakabahan ako. Bakit wala pa siya?" tanong ni Haru.

Tumawa si Jake. "Ano ka ba? Alas diyes pa ang start ng kasal. 9:00 AM pa lang. Huwag kang atat. Darating 'yon."

Napabuntong-hininga na lang si Haru.

Right. She loves me. She's gonna come, sabi niya sa isip.

Walong buwan na ang nakalipas mula nang mag-propose siya kay Jhea. Two months ago, he officially left the band. Pero hindi pa rin siya tuluyang umalis sa agency dahil ginawa siyang official songwriter ng 4Sync. Ang tanging gagawin niya lang ay gumawa ng kanta para sa 4Sync habang nandito siya sa Pilipinas.

Nang makabalik siya sa Pilipinas ay isinama niya ang Mommy niya para tulungan silang mag-plano ng kasal. At ngayon nga ay ang araw na matagal na niyang hinihintay.

Nilapitan ni Haru ang Daddy at Kuya ni Jhea na kasalukuyang nag-uusap sa isang gilid. Balak niyang tanungin kung nasaan na si Jhea dahil hindi talaga siya mapakali.

"Oh, Haru. Ayos ka lang ba? Bakit mukha kang constipated?" natatawang tanong ni Jared.

Tumikhim ang Daddy ni Jhea at tinapik ang balikat ni Haru. "Mukha kang kinakabahan, hijo. Natural lang 'yan dahil ganyan din ang naramdaman ko noong ikinasal ako sa Mommy ni Jhea."

Haru sighed. "Nasaan na po ba siya? Tumawag po ba sa inyo?"

Tumawa si Jared. "Bakit? Iniisip mo bang hindi siya darating? Huwag kang mag-alala. Patay na patay sa'yo ang kapatid ko kaya siguradong darating 'yon."

"Tumawag kanina ang Mommy niya at sinabing papunta na daw sila. Siguradong malapit na iyon," sabi naman ng Daddy ni Jhea.

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Nagpasalamat siya sa mga ito at umalis. Mga ilang sandali lang ay ang Daddy at Mommy naman niya ang lumapit sa kanya.

"Anak, kanina ko pa napapansing wala ka sa sarili mo. Huminahon ka nga muna. Alam kong kinakabahan ka pero huwag mo naman masyadong ipahalata," sabi ng Mommy niya.

Tumawa ang Daddy niya. "Son, alisin mo kung ano man ang ikinakatakot mo ngayon dahil baka mas lalo kang kabahan."

"I can't help it, Dad."

"Hey, dude! Congratulations!"

Napalingon si Haru sa tumawag sa kanya. Napangiti siya nang makita ang 4Sync. Nagpapasalamat siya dahil nakarating ang mga ito. Dumating sila kahapon galing sa South Korea. Ang akala nga niya ay hindi sila makakapunta dahil sa schedules ng mga ito pero mukhang isinama na talaga nila sa schedule nila ang araw na ito.

Tinapik ng 4Sync ang balikat niya. "Congratulations, dude," sabi ni Rui.

"Thanks. Wait, where's Janica?" tanong niya nang mapansing hindi kasama ni Rui ang pinsan niyang girlfriend naman nito.

"She's at Jhea's house. She said she wants to see her. Don't worry. I called her earlier and she said they're on their way here."

Mas lalo siyang nakahinga ng maluwag dahil doon.

Rainbow After The RainΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα