[31] Kiss

2.3K 59 0
                                    

Featured song: Thinking Out Loud – Ed Sheeran

**

Matapos ng naging pag-uusap namin tungkol sa plano para mapigilan ang kasal nina Ashley at Haru, paminsan-minsan na lang kaming nagkikita ni Haru. Madalas na may nakasunod sa kanya na dalawang lalaki na ayon sa kanya ay bodyguard niya. Ang Lola niya ang may gawa ‘non. Madalang na lang kaming magkita dahil hindi siya makahanap ng tiyempo para lapitan ako ng hindi nakikita ng bodyguards niya. Pero mabuti na lang ay natatakasan niya ito minsan. Tulad na lang ngayon.

Nandito kami sa rooftop ng school kung saan napag-usapan namin na magkita lagi. Tinakasan na naman niya ang mga bodyguards niya. Mabuti na nga lang ay hindi pa kinukuha ng Lola niya ang cellphone niya kaya kahit paano ay nakakapag-usap pa kami.

“I’m sick and tired of this. Napapagod na ako kakatakbo sa kanila,” frustrated niyang sabi.

Tinapik ko ang balikat niya. “Hindi mo naman kasi kailangang makipagkita sa’kin lagi, eh. Ayan tuloy, napapagod ka pa kakatakbo.”

Tumingin siya sa’kin. “Pero gusto kitang makita at makasama. Ayaw mo ba?”

Ngumiti ako. “Syempre gusto. Kaso ano bang magagawa natin? Kaysa mapagod ka ng mapagod kakatakbo at kakaisip ng paraan para matakasan sila, mas okay na hintayin na lang natin ang oras na malaya na tayo, ‘di ba? Tutal naman, tatlong araw na lang, kasal niyo na.”

That’s right. Three days left before the wedding. Tatlong araw na lang ang kailangan naming tiisin at siguro naman magiging malaya na kami. Sana lang, maayos naming maisagawa ang plano.

“Kahit na tatlong araw na lang ang natitira, ayokong sayangin ang mga araw na iyon na hindi kita nakikita. Kaya kahit na tumakbo ako ng tumakbo, wala akong pakialam,” sabi niya.

Napangiti ako. Gustuhin ko mang pigilan siya sa ginagawa niya, may parte rin sa akin na ayaw. Tulad niya, gusto ko pa rin siyang makita araw-araw.

Pagkatapos naming magkuwentuhan, bumalik na rin kami sa klase nang hindi napapansin ng bodyguards niya.

**

Kinabukasan, nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Tumingin ako sa orasan at nakitang 5:30 AM pa lang. Sino naman ang tatawag sa’kin ng ganito kaaga? Isa pa, walang pasok ngayon kaya masarap matulog.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ito ng hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.

“Hello?”

“Sorry to wake you up. But you need to get ready, princess.”

Napamulat ako. “Haru?”

“Yes, princess. Get up now and be ready. Bring any swimwear and some extra clothes,” sabi niya.

Napakunot-noo ako sa sinabi niyang iyon. Ano ba ‘to? Bakit biglaan? Hindi ko siya ma-gets. Bigla na lang niyang sinabi sa’kin ‘yan samantalang wala naman siyang sinabi kahapon na aalis kami ngayon.

“Huh? Bakit? Saan ba tayo pupunta ng ganito kaaga? Magsu-swimming ba tayo?”

He chuckled. “I’ll explain everything later. Basta dadaanan kita sa inyo, okay? Don’t worry. Nakapagpaalam na ako kagabi kay Tita Jen.”

Nagtataka man ay um-oo na lang ako. “Ah, okay.”

Kahit na nagtataka ay ginawa ko pa rin ang pinapagawa niya. Naligo na muna ako bago mabilisang inayos ang mga dadalhin ko. 6:30 AM na nang tawagin ako ni Mommy mula sa baba.

“Jhea, nandito na si Haru!”

“Opo, pababa na po!”

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at nang masigurong wala na akong nakalimutan ay bumaba na ako agad. Naabutan ko doon si Haru na malapit sa pintuan. Nginitian niya ako nang makita niya.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now