[7] Chips

3.4K 67 0
                                    

I woke up with a bright smile on my face. Good morning, blue world!

I’m happy. Dumating kasi sila Kuya at Daddy kahapon, ‘di ba? Siyempre, happy talaga ako. Excited na akong maka-bonding ulit si Kuya. Buti na lang weekend na ngayon.

Pagkatapos kong gawin ang mga ‘ritwal’ ko sa umaga, bumaba na ako ng may ngiti sa mga labi. Nadatnan ko sa dining room sina Kuya at Daddy na nagkakape. Binati ko sila.

“Good morning, Dad. Good morning, Kuya.”

Napalingon naman sila sa’kin at binati rin ako. “Good morning, princess.”

“Dumating lang ang Kuya at Daddy mo, mukhang nakalimutan mo na ‘ko,” sabi ni Mommy na mukhang kagagaling lang sa kusina. May himig ng pagtatampo sa boses niya.

“Naku, nagtampo na si Mommy. Siyempre hindi naman kita makakalimutan. Good morning, Mommy,” sabi ko tapos kiniss ko siya sa cheeks.

“Good morning, baby. Oh, sige na. Umupo ka na para makakain na tayo habang mainit pa ‘yong pagkain.”

“Okay po.”

Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain, nagsalita si Mommy.

“Kids, we have something to tell you.” Napalingon kaming lahat sa kanya.

“Ano po ‘yon?” tanong ko.

“Is it okay if we leave the both of you for today? Don't worry. Babalik din naman kami mamayang gabi. Medyo late nga lang,” sabi ni Mommy.

Napakunot-noo ako.

“Where are you going?” I asked pero bago pa man makasagot si Mommy, biglang sumingit si Kuya.

“It’s fine, Mom. Gagala na lang muna kami ni Jhea for today.”

Napatingin naman ako kay Kuya. “Talaga?”

He smiled. “Yup.”

Yes! Saan kaya kami pupunta ni Kuya? Excited na ‘ko.

**

“Ingat po,” paalam ko kila Mommy at Daddy.

“Kayo rin. Tumawag kayo pag kailangan niyo kami, okay?” sabi ni Daddy.

“Yes, we will.”

Pagkatapos ‘non ay umalis na sila Mommy at Daddy samantalang kami naman ni Kuya ay sumakay na sa kotse niya. Yes, may kotse si Kuya dito. Pero dahil matagal na silang nasa ibang bansa, naiwan dito 'yong car niya at hindi na nagagamit. Kaya nga excited siya na gamitin ito, eh.

Napahinto ako sa paglalagay ng seatbelt. Teka nga, saan nga pala pupunta sila Mommy?

“Kuya, saan pala pupunta sila Mommy at Daddy?” tanong ko.

“Akala ko naman alam mo na. Hindi pa pala. Slow ka pa rin?” sabi niya habang naglalagay ng seatbelt. Ngumisi pa siya.

Sumimangot ako. “Kuya naman, eh. Ano nga?”

“Matagal na magkahiwalay sila Mommy at Daddy. Tingin mo, ano nga bang gagawin nila ngayon?”

Napakunot-noo ako. Ano nga ba? Pa-mysterious effect pa ‘tong si Kuya, eh. Kung sabihin na lang kasi niya, ‘di ba?

“Ano nga, Kuya?”

“Tss! It’s obvious. They’re going to have a date.”

Napatango-tango ako. So, iyon pala ‘yon. They’re having a date. Hmm... teka lang, wait. Date?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya.

“Bakit ang laki ng mata mo? Ano naman ang nakakagulat doon?” tanong ni Kuya.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now