[41] Sulit

1.5K 37 0
                                    

Unti-unti kong naramdaman ang mabilis na paglipas ng mga araw pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Haru tungkol sa offer sa kanya. After that, hindi ko na nabanggit sa kanya ang tungkol doon dahil madalas ko siyang iwasan.

Oo, iniiwasan ko siya. Iyon ang plano ko. Gusto kong maramdaman niya na kaya kong mag-isa habang tinutupad niya ang pangarap niya… kahit na sa totoo lang ay nahihirapan ako. Pero may mga pagkakataong hindi ko siya maiwasan.

Hindi ko alam kung nakakahalata na siya sa ginagawa ko pero ipinagpapatuloy ko pa rin. May mga pagkakataon na hindi ko na kinakailangang magdahilan sa kanya para maiwasan ko siya dahil busy na rin kami sa school dahil sa paperworks at mga projects.

Isa pa, tinutulungan din ako ni Jake sa pag-iwas sa kanya at madalas akong sumama sa kanya kaysa kay Haru at Yanna. Hindi rin kasi alam ni Yanna ang plano ko at gustuhin ko mang sabihin sa kanya ay hindi naman ako makatiyempo.

Kung sakali mang makahalata si Haru sa ginagawa ko, itatanggi ko na lang pero itutuloy ko pa rin hanggang sa tuluyan na talaga niyang mapansin. Gusto ko lang talagang makita niya ang rason ko. Gusto kong tuparin niya ang pangarap niya dahil para rin ito sa kanya. Ang ikinakatakot ko lang, baka habang ginagawa ko ito, maramdaman niyang wala akong pakialam sa kanya at mawala ng tuluyan ang pagmamahal niya sa’kin. Ayokong mangyari ‘yon pero kung sakaling mangyari, kailangan ko na lang sigurong tanggapin kahit masakit.

Nandito ako ngayon sa garden ng school kung saan madalas naming tambayan ni Jake noon. Tulad ng dati, kasama ko siya ngayon dahil umiiwas ako kay Haru. Kakatapos lang ng klase nila at siguradong sa mga oras na ito ay hinahanap na ako ni Haru.

Nagbabasa ako ng fanfic sa cellphone ko nang biglang tumikhim si Jake. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya.

Umiling ako. “Mamaya na lang. Baka nandiyan pa si Haru.”

“Bakit hindi mo na lang siya sabihan na nakauwi ka na para hindi na siya maghintay? O di kaya sabihin mo na may pinuntahan ka pa?”

Ibinaba ko ang cellphone ko at tumingin sa kanya. “Kapag sinabi kong nasa bahay ako, pupunta siya doon at hahanapin ako kay Mommy. Kapag sinabi kong may iba akong pinuntahan, itatanong niya kung nasaan ako at kapag nalaman niya, pupuntahan niya ako.”

“Then, you’ll just ignore his calls and texts?”

Napatingin ako sa cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog dahil sa tawag at texts ni Haru. Tinadtad niya ako ng messages na nagtatanong kung nasaan ako. Wala akong nireply-an kahit isa.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Jake. “Alam mo bang wala siya sa sarili niya kanina habang nasa klase? Hindi lang kanina kundi nitong mga nakaraang araw. Sa tingin ko nakakahalata na siya sa ginagawa mong pag-iwas sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi niya nakikitang magkasama tayo lagi dahil baka ako ang tanungin niya tungkol sa’yo. Pero siguradong malalaman niya rin.”

May mga pagkakataon na nakikita ni Haru na magkasama kami ni Jake pero hindi madalas. Ang nasa isip lang siguro niya ay magkasama kami ni Jake dahil magkaibigan kami. Pero siguradong darating ang araw na mare-realize niya rin ang ginagawa ko.

Sasagot na sana ako nang biglang tumunog na naman ang cellphone ko. Napabuntong-hininga ako. Ika-labindalawang tawag na niya ito sa’kin na hindi ko sinasagot.

“Sagutin mo na ‘yan. Baka mamaya magduda pa ‘yan sa ginagawa mo,” sabi ni Jake.

Iyon nga ang gusto kong mangyari. Ang maramdaman niya na nagtatampo ako sa kanya. Ang maramdaman niya na para sa kanya ang ginagawa ko.

Sinagot ko ang tawag ni Haru. “Hello?”

“Jhea! Nasaan ka ba? Kanina pa ako tumatawag sa’yo. Nag-aalala na ‘ko sa’yo.”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now