[45] For good

1.8K 44 2
                                    

Ang sakit. Sobrang sakit.

Matapos ang nangyari, umuwi ako sa bahay at nagkulong sa kwarto ko. Hindi ako nakipag-usap kahit kanino. Hindi ko sinagot ang mga tawag ni Yanna at ni Jake. Maski si Mommy, hindi ko masyadong kinakausap.

Dalawang araw akong hindi pumasok sa school at nagkulong lang sa kwarto ko. Hindi ko pa nasasabi kay Mommy kung anong nangyari pero feeling ko, may naiisip na siya. Minsan ko rin kasing nakitang masinsinan silang nag-uusap ni Tita Lena. Sila Yanna naman, hindi ko pa rin nakakausap. Kung sakaling nakausap nila si Haru, siguro alam na nila.

Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Mas mabuti na ‘yon para manatili lang ako sa kwarto ko.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at tumayo na mula sa kama para maghilamos. Ganito ako. Iiyak bago matulog, at iiyak pagkagising. Hindi ko lang talaga maiwasan. Pagkatapos ng nangyari, feeling ko ako na ang pinakamasama sa lahat. Itinaboy ko siya palayo, at sa huli, ako rin ang nasaktan, dahil itinaboy niya rin ako.

Bumaba ako at dumiretso sa dining room. Naroon na si Mommy at kasalukuyang nagkakape. Nang makita niya ako ay tumayo siya at nilapitan ako. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala.

“Jhea, anak, ayos ka lang ba? Mabuti naman at bumaba ka para kumain ng breakfast ngayon,” sabi niya.

Dahil dalawang araw na akong nagkukulong sa kwarto, hindi na ‘ko nakakakain ng breakfast. Minsan lunch na lang ang kinakain ko at minsan hindi na ako nagdi-dinner. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng lakas na lumabas para kumain ng maayos.

Naisip ko lang kasi, hindi naman babalik sa’kin si Haru kahit na anong gawin ko. Kahit na gutumin ko ang sarili ko ngayon, hinding-hindi na niya ako babalikan.

Pilit akong ngumiti kay Mommy. “Sorry, Mom. I’m fine. You don’t have to worry.”

Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. “I know, Jhea. I know. Nakausap ko ang Tita Lena mo at sinabi niya sa’kin ang nangyari sa inyo ni Haru. Nai-kwento sa kanya ni Haru ang... ang nangyari sa inyo.”

Nang marinig ko ‘yon, hindi ko na napigilang mapahagulgol. Iba ang iyak ko na ‘to sa iyak ko nitong nakalipas na mga araw. Parang sa iyak kong ito inilalabas lahat ng kinikimkim kong sakit sa dibdib.

“Cry, Jhea. Just cry,” sabi ni Mommy.

Napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Tama. Dapat kong iiyak ang lahat. Mabuti na lang at nandito si Mommy. Mailalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

“Mom, ang sakit. Sobrang sakit. Bakit? Bakit ko ba ginawa ‘yon? Bakit ganoon? Bakit ganito ako? Bakit ko siya sinaktan?”

“Shhh, everything’s gonna be fine. Siguradong may rason ang lahat ng ito. Huwag mong sisihin ang sarili mo,” sabi ni Mommy habang hinahaplos ang likod ko.

Patuloy lang akong umiyak ng umiyak sa bisig niya. Unti-unting gumagaan kahit kaunti ang pakiramdam ko habang inilalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nang humupa na ang pag-iyak ko ay kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinunasan ang mukha ko.

“Thank you, Mom.”

Ngumiti si Mommy. “It’s going to be okay, Jhea. I know. Malalagpasan mo rin ito.”

Pilit akong ngumiti. Sana nga. Kung sana ganoon kadaling kalimutan ang sakit.

**

Nanatili lang ako sa kwarto ko pagkatapos kong mag-breakfast. Kanina pa ako palakad-lakad sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit kanina pa ako kinakabahan. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko na para bang may kakaibang mangyayari sa araw na ito.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now