[13] Like

2.3K 61 0
                                    

Featured song: By Your Side – Faber Drive

**

“Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Pero ang tanging maiaalay ko lang ay ang hindi ka iwan sa oras na nasasaktan ka. Listen to my song, and you’ll know what I mean.” Pagkasabi niya ‘non, umalis na siya at dumiretso sa backstage.

Ano daw?

“I think I know what he means,” sabi ni Yanna. Napatingin naman ako sa kanya.

“Alam mo? Ano ‘yon?” tanong ko. Imbes na sumagot, nginitian niya lang ako. “Yanna, ano nga?”

“Hintayin mo na lang, girl. Sabi nga niya, ‘di ba? Listen to his song and you’ll know what he means,” sabi niya at tumingin sa harap.

Ano ba kasi ‘yon? Napabuntong-hininga ako. ‘Di bale na nga. Hihintayin ko na lang ang kanta niya, kung ano man ‘yon.

Maya-maya, after ng isang dance performance, nag-announce ulit ang emcee ng susunod na magpe-perform.

“Let us all give a round of applause for our next performers. Here are the students of Performing Arts.”

Pagkasabi ‘non ng emcee, nagpalakpakan ang mga estudyante at naghiyawan na naman ang mga babae.

“Oh my gosh! Haru, ang gwapo mo!”

“Nakaka-in love ka, Haru!”

“Date tayo, Haru!”

Gosh! Hindi ko alam na ang dami palang fans ni Haru. Well, sabagay, aaminin ko. Gwapo si Haru. Natural lang na may mga magkagusto sa kanya. But not me. Duh!

Bigla namang lumabas mula sa backstage ang tatlong naggagwapuhang lalaki at kinuha ang mga instruments nila. May drummer, pianist, at bassist. Pero teka, bakit wala si Haru? Hindi na ba siya tutugtog? Sabi na nga ba, eh. Wala siguro talaga siyang talent.

Bigla na lang akong natigil sa pagtawa. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaking lumabas mula sa backstage habang may dalang gitara. Is that Haru? Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang sasabihin ‘to.

Ang gwapo niya.

Bago siya magsimulang kumanta, tumingin muna siya sa’kin at nagsimulang magsalita sa mic.

“I’d like to dedicate this song to someone. You already know who you are,” sabi niya. Tapos, nagsimula na silang tumugtog.

I’ll turn off the lights
And let you sleep
Just close your eyes
Relax and breathe in slowly
No, don’t feel lonely cause
I’ll be right here, by your side
If you should awake into the night
Keep dreaming cause I’ll be keeping

Hindi ko akalaing ang galing pala niyang kumanta. Mukhang kinain ko ang sinabi kong wala siyang talent. This guy is… amazing.

Your heart in mine
Don’t you know I’ll always be near?
Even in the hardest time
Don’t you know I’m always right here?
When you’re feeling lost
Don’t give up because it’s alright
When you close your eyes
I’m by your side…

Tulad ng sinabi niya, pinakinggan ko ang kanta niya. Bawat lyrics na sinasabi niya, pinapakinggan ko. Tulad nga ng sabi niya, para sa’kin ang kantang ‘to.

Remember the days when
We would drive
Into the night we’d watch
The skies of summer
So full of colour and
Remember the days
When waves would roll
Up on the beach to touch our toes
On soft sand, my hand, in yours and your

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now