[44] Let Go

1.8K 45 4
                                    

Featured song: Let Go – Lawson

**

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Haru nang araw na iyon, madalas na siyang sumama sa’kin kahit na kasama ko sina Yanna at Jake. Hindi ko alam kung paano niya nalalaman kung nasaan ako pero hinayaan ko na lang.

Napansin ko rin ang madalas niyang pag-o-open ng topic para lang may mapag-usapan kami. Sinasagot ko naman pero sa tuwing naiinis na ako sa ginagawa niya, hindi na ako sumasagot. Madalas ko namang marinig na bumuntong-hininga siya pero hinahayaan na lang niya ako.

Kapag kasama namin si Yanna at Jake, hindi ko siya kinakausap. Si Jake naman, tingin ko inis pa rin siya pero kinakausap naman niya ako. Alam na rin niya ang nangyari sa’min ni Haru at nainis pa siya lalo sa ginawa ko.

Pero nitong mga nakaraang araw, napansin kong hindi na masyadong sumasama si Haru sa amin. Nanibago tuloy ako. Kapag lunch time, siya agad ang una kong hinahanap. Pero lagi lang akong nadidismaya dahil lagi siyang wala. Nakikita ko na lang siya kapag uwian dahil tulad ng dati, sumasabay siya sa’king umuwi kahit na pinipilit kong huwag na.

Natapos na ang pangalawang klase ko sa araw na ‘to at lunch break na. As usual, nauna akong lumabas ng room para tingnan kung naroon ba si Haru pero wala.

Napabuntong-hininga ako. Bigla namang may tumapik sa likod ko. Napalingon ako at nakita si Yanna.

“Kapag wala, hinahanap. Pero kapag nandiyan, halos ipagtabuyan mo at hindi pansinin. Parang hindi mo siya nakikita,” sabi niya.

Hindi ako sumagot. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen.

“Alam ko namang mahal mo siya kaya ka ganyan. I’m sure nami-miss mo na siya, ‘di ba?”

Tumango ako. “Siyempre naman. Pero sa ngayon, ayos na ‘ko kahit hindi ko siya kausapin basta nasa tabi ko siya at lagi kong nakikita. Kaya lang, mukhang wala siya na naman siya ngayon.”

Nang makarating kami sa canteen ay nakahanap agad kami ng mauupuan.

“Oh, ako na ang bibili ng pagkain. Anong gusto mo?” tanong ni Yanna.

“Hmm...”

Bago pa ako makasagot ay may lumapit na estudyante sa tapat namin. May dala siyang tray ng pagkain na nilapag niya sa mesa namin at inilagay sa tapat ko. Napakunot-noo ako.

“Uhh… sino ka? At para saan ‘to?” I asked.

“Classmate ako ni Haru. Pinapahatid lang. Sige. Alis na ‘ko,” sabi niya saka tumalikod. Gusto ko siyang pigilan para itanong kung nasaan si Haru pero naunahan na ako ni Yanna.

“Teka, Kuya! Nasaan ba si Haru?” tanong niya.

“Nasa room. Wala yatang balak kumain. Ewan ko doon. Hawak-hawak lang ‘yong gitara niya tapos parang nag-e-emote,” sabi niya at tuluyan ng umalis.

Napatunganga lang ako sa pagkaing nasa harap ko. So, wala talaga siyang balak magpakita? Siguro masyado ko na siyang binabalewala kaya ayaw na niyang magpakita sa’kin? Kasalanan ko rin naman, eh.

“Uy girl, may note oh,” sabi ni Yanna.

Kinuha ko ‘yong note na nasa ilalim ng plato. Binasa ko ang nakasulat.

Sorry. I love you. Iyon lang ang nakalagay sa note.

Napakunot-noo ako. Bakit siya nagso-sorry? Wala naman siyang ginagawang masama. Ako pa nga ang dapat mag-sorry dahil nasasaktan ko na siya.

“Ano daw sabi?” tanong ni Yanna.

Nagkibit-balikat ako. Ibinigay ko sa kanya ang note.

“Sorry? Bakit naman siya magso-sorry? Sorry dahil hindi na siya makakasamang mag-lunch?”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now