[58] Dreaming

2.2K 59 0
                                    

Featured song: Everyday I Love You – Boyzone

**

Nakahinga ako ng maluwag matapos naming maiayos ang one time surprise ko kay Haru. Sinunod ko ang payo ni Jake. Nag-ready ako ng dinner para sa aming dalawa ni Haru dito sa garden namin.

Kasama ko si Jake at Yanna ngayon na nag-aayos sa garden. Hindi naman masyadong bongga. Naglagay lang kami ng mesa at dalawang upuan. Nilagyan ko rin ng centerpiece na maliliit na kandila na nakalagay sa loob ng isang blue na glass bowl. Nag-ready din ako ng mga plato at kubyertos para sa pagkain namin mamaya. Naglagay din ako ng lights sa may gilid para naman hindi madilim dito mamaya. Hindi naman masyadong kailangan ng decorations dahil marami namang bulaklak sa paligid.

Alam kong masyado lang itong simple. Kaya mamaya, sasarapan ko na lang ang luto ko. Sana lang masarap nga ang kalabasan ‘non.

“Ayan, okay na ‘yan. Alam mo na ba ang sasabihin mo mamaya kay Haru? Alam mo na kung paano mo sasabihing gusto mo na kayong maging official?” tanong ni Yanna.

Napalunok ako. Grabe naman ‘to magtanong! Dire-diretso!

“Ano ka ba, Yanna? Huwag mo ngang itanong sa’kin ‘yan. Kinakabahan ako sa’yo, eh,” sabi ko.

Napataas siya ng kilay at lumapit sa’kin para bumulong. “Girl, napapansin mo ba si Jake? Parang kanina pa tahimik ‘yan, ah?”

Lumingon ako kay Jake. Pinupunasan niya ang mga plates sa mesa. Tulala siya at mukhang may malalim na iniisip.

“Oo nga, ‘no. Ano kayang problema niya? Teka, tanungin natin,” sabi ko at lumapit kami kay Jake.

“Jake,” tawag ko sa kanya.

Hindi siya natinag. Paulit-ulit lang niyang pinupunasan ang plato. Napakunot-noo ako.

“Uy, Jake!”

Napatalon siya sa gulat. Buti na lang at hindi niya nabitawan ang platong hawak niya.

“Huh? May sinasabi kayo?” tanong niya.

Nanliit ang mata ko. “May problema ka ba? Kanina ka pa kasi tahimik, eh.”

Tumikhim siya. “Wala,” sabi niya at patuloy na pinunasan ang platong hawak niya.

“Anong wala? Kanina pa namin napapansing paulit-ulit mong pinupunasan ‘yang platong ‘yan. Baka mamaya mabutas na ‘yan kakapunas mo,” sabi ni Yanna.

Natauhan siya kaya ibinaba na niya ang plato sa mesa. He sighed.

“Gusto mo bang pag-usapan? Tara. Mag-meryenda muna tayo sa loob. Okay naman na ‘to, eh,” sabi ko.

Pumasok kami sa loob. Dumiretso kami sa kusina. Naroon si Mommy at mukhang nag-aayos ng meryenda. Nang makita niya kami ay nagulat siya.

“Oh, lalabas na sana ako para bigyan kayo ng merienda, eh,” sabi niya.

Ngumiti ako. “Thanks, Mom. Kami na po ang magdadala niyan sa sala.”

“Thank you po, Tita,” sabay na sabi ni Yanna at Jake.

“Sige. Ayos na ba ang decoration niyo doon?” tanong ni Mommy.

Alam ni Mommy na magdi-dinner kami mamaya ni Haru pero hindi niya alam ang sasabihin ko kay Haru. Natuwa nga siya dahil ako ang mag-aayos ng dinner namin. Sabi niya ay mag-i-stay na lang daw muna siya sa loob ng bahay mamaya at hindi na daw siya mang-i-istorbo. Bahagya tuloy akong nahiya dahil sa sinabi niya.

“Ayos na po.”

Ngumiti si Mommy. Nagpunta na kami sa sala habang dala-dala ang mga pagkain. Habang kumakain kami ay bumaling ako kay Jake.

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon