[56] Long distance

2.4K 59 0
                                    

“So, anong sinabi mo? Nagkabalikan na ba kayo?” tanong ni Yanna matapos kong i-kwento sa kanila ni Jake ang nangyari sa awards night.

I sighed. Umiling ako.

“Huh? Bakit hindi? ‘Di ba mahal mo pa naman siya? Bakit hindi pa kayo nagkakabalikan?” tanong niya.

“Dapat ba balikan ko siya agad?” I asked.

“Jhea, kung nagdadalawang-isip ka pa, huwag muna,” sabi ni Jake.

Linggo ngayon at naisipan naming mag-Skype. Kung tutuusin pwede naman kaming magkita-kita na lang kaso dahil ito lang ang araw na makakapagpahinga kami, hindi na kami lumabas.

“Bakit naman siya magda-dalawang-isip kung mahal pa nga niya si Haru?” tanong ni Yanna kay Jake.

“Kasi Yanna, naisip kong hindi niya ako deserve, eh. Nasaktan ko siya ng sobra dati. Tapos ngayon siya pa ang sumusuyo sa’kin. ‘Di ba dapat ako ang gumawa ‘non? ‘Di ba dapat ako ang magmakaawa sa kanyang bumalik siya sa’kin?”

“Ano naman? Okay lang ‘yan, girl! Siya naman ang lalaki, eh,” sabi ni Yanna.

“Teka, teka! Hindi naman pwedeng laging lalaki na lang ang manuyo sa mga babae,” sabi ni Jake.

Napataas ako ng kilay. “See? Kung tutuusin, tama si Jake. Kaya nga nagda-dalawang-isip ako kung papayag ako sa gusto niya. Nakaka-guilty kasi na ako na nga ang nanakit, siya pa ‘tong nagmamakaawang bumalik ako sa kanya.”

Pumangalumbaba si Yanna. “So, anong gusto mo? Ikaw ang manuyo? Ikaw ang manligaw? Tingin mo papayagan ka ni Haru na gawin ‘yon?”

Umiling ako. “Hindi.”

“Well, pwede naman, eh,” sabi ni Jake.

Napakunot-noo kami ni Yanna. “What do you mean?”

“Pwede namang i-surprise mo na lang siya. One time surprise lang. Parang nakakasakit kasi sa ego naming mga lalaki kapag babae ang nanligaw sa’min. Kaya okay na ‘yong isang beses lang,” sabi niya.

“Paanong one time surprise?” I asked.

“A simple dinner will do. Dance with him. Then, at the end of the night, ask him to be your boyfriend.”

“Hindi ba ‘yan ang kadalasang ginagawa ng lalaki sa babae?” tanong ko.

Napakamot siya sa ulo. “Wala naman akong ibang maisip. Alam mo namang wala pa akong nililigawan, eh.”

“Bakit ba kasi wala ka pang nililigawan? Tingnan mo kami ni Jhea. Ang ganda ng takbo ng lovelife namin. Ako may boyfriend, siya malapit na,” sabi ni Yanna.

“Hindi ko pa naman kasi nakikita ‘yong babaeng para sa’kin. Teka nga. Bakit sa’kin napunta ang usapan? Ikaw nga diyan, hindi pa nagpo-propose ang boyfriend mo sa’yo,” sabi ni Jake kay Yanna.

Bigla namang napangiti ng malawak si Yanna. Napakunot-noo ako.

“About that. Actually, nag-propose na siya kagabi!” masayang saabi niya at saka ipinakita ang engagement ring niya.

Napatakip ako sa bibig. “Oh my gosh, Yanna! Congratulations! I’m so happy for you. Ang tagal niyo na tapos ngayon ikakasal na kayo.”

“I know, right? Ano ka ngayon, Jake?” sabi niya kay Jake. Natawa na lang ako.

He sighed. “Oo na. Nag-propose na ang boyfriend mo sa’yo. Congratulations! Anyway, balik tayo kay Jhea.”

Nawala ang ngiti sa labi ko. “Tutulungan niyo ba ‘ko?”

Pareho silang tumango. “Actually, masyadong common ang sinabing surprise ni Jake pero I admit, exciting naman na ikaw ang gagawa ‘non kay Haru kaya sige go! Tutulungan ka namin,” sabi ni Yanna.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now