[46] Forget

1.7K 43 0
                                    

Pagkatapos ng pag-iyak ko sa airport, napagpasyahan na naming umalis at umuwi. Hinatid ako nina Yanna at Jake sa bahay. Tahimik lang ako at tulala habang nasa biyahe.

“He’s gone now. At sigurado akong babalik na rin siya sa dati niyang buhay. Pasensya na kung sasabihin ko ‘to pero tingin ko, he’s going to fully forget you and move on. And I think you should, too,” sabi ni Jake.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Pilit kong ipinapasok sa isip ko ang sinasabi niya.

“Tama si Jake, Jhea. Hindi dahil umalis siya ay magbabago ang pananaw mo sa buhay. Kailangan mo ring mag-move-on. Kailangan mo ring ipagpatuloy ang mga nasimulan mo. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo, tuparin mo ang mga pangarap mo hindi lang para sa’yo kundi para sa Mommy mo,” sabi ni Yanna.

“Paano ko gagawin ‘yon, Alyanna? Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ulit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para hindi ko maisip si Haru sa lahat ng gagawin ko. Sabihin mo, paano?”

Hinawakan niya ang kamay ko. “Kakayanin mo, Jhea. Sa umpisa lang naman ‘yan. Nandito kami. Hindi ka namin iiwan. Tutulungan ka naming makabangon ulit.”

Niyakap niya ako ng mahigpit. Napapikit ako. Sana nga. Sana nga...

**

Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso na ako agad sa kwarto. Hinayaan ko na lang na sina Yanna at Jake ang kumausap kay Mommy sa mga nangyari.

Humiga ako sa kama at nanatiling nakatitig sa kisame. Hindi na ako umiiyak. Mukhang naubos na ang luha ko… kung nauubos man iyon.

Bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay narinig ko ang tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita kong tumatawag si Kuya Jared.

Sinagot ko iyon. “Hello, Kuya.”

“Jhea…”

Hinintay ko siyang magsalita. Naririnig ko lang ang paghinga niya. Hindi rin ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Nalaman ko ang nangyari.”

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung paano nalalaman ni Kuya ang mga bagay na tulad nito. Hindi ko alam kung sinabi ba sa kanya ni Mommy. Hindi ko rin alam kung nasabi niya rin ito kay Daddy.

Nanatili akong walang imik. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

“Are you okay, baby girl? Wait, who am I kidding? Of course, you’re not.”

No, I’m not. I’m not okay.

“Jhea, please. I want to hear your thoughts.”

I sighed. “I’m fine, Kuya. Thank you sa pagtawag. Hindi ko alam kung paano mo nalaman o kung sinabi ba sa’yo ni Mommy pero hindi mo na kailangang mag-alala. I’m fine. Nandito naman si Mommy para samahan ako.”

“Are you sure?”

Tumango ako kahit na hindi naman niya nakikita. “Yes, I’m trying. I’m trying to be okay.”

Hindi siya nagsalita mula sa kabilang linya. Iisipin kong ibinaba na niya ang tawag kung hindi ko lang naririnig ang paghinga niya mula sa kabilang linya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Gusto mo bang malaman kung kanino ko nalaman ang lahat ng ito? Ang lahat ng nangyayari sa inyo ni Haru?”

Napaisip ako. Sino nga ba ang main source ni Kuya? Matagal na akong curious kung sino iyon.

“Hindi ba si Mommy?” I asked.

“No. It’s not Mom.”

“Then, who?”

Hindi siya agad nakapagsalita. “Si... Haru.”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now