[54] Bumalik

2.3K 60 1
                                    

Featured song: Far Away – Nickelback

**

“So, what do you feel after he said that?” tanong ni Yanna sa’kin.

Nandito kami sa office ngayon. Kanina ay ikinuwento ko kay Yanna ang napag-usapan namin ni Haru. Tulad ko ay nagulat din siya dahil sa nalaman niyang mahal pa ako ni Haru.

Dalawang araw na ang nakalipas mula nang pumunta si Haru sa bahay. Pagkatapos ‘non ay hindi ko na siya nakita ulit. Ayos lang naman sa’kin iyon. Mas okay na hindi na kami magkita ulit. Tulad ng sinabi niya, paliwanag ko lang naman ang hinihintay niya para maka-move-on siya. And he got it. Siguradong ngayon, nagsisimula na siyang mag-move-on. I should do that, too.

I sighed. “Of course, I was hurt. Pero sa ngayon, pinipilit ko na lang na kalimutan ang mga napag-usapan namin.”

“Kaya lang, girl, wala pa rin kayong matinong closure. Tingin mo makaka-move-on kayo pareho niyan?”

Umiling ako. “I don’t know. Bahala na,” sagot ko at itinuon na lang ang pansin sa computer ko.

Hindi na sumagot si Yanna. Tinapik na lang niya ang balikat ko. Napabuntong-hininga ako.

I’ll try. Susubukan ko pa ring mag-move-on. Para rin naman sa’kin ito. Besides, gusto ko na ring maging maayos ang buhay ko. At kapag hindi ako nag-move-on, baka hindi na ako makahanap ng taong magmamahal sa’kin. Baka hindi na ‘ko magka-lovelife.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pinapagawa sa akin ng boss ko. I need to keep myself busy.

May kumatok sa office namin. Hindi ko na pinansin iyon dahil siguradong ang lalapit doon ay ang officemate namin na malapit sa pinto. Pero naririnig ko ang conversation nila.

“Yes? Ano pong kailangan nila?”

“Nandito po ba si Ms. Jeanina Ramirez?”

Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Napatingin sa’kin si Yanna. Inangat ko ang tingin ko at tumingin sa may pinto. Tumayo ako.

“Jhea!” tawag sa’kin ng officemate namin at saka bumalik sa upuan niya.

Naglakad ako papunta sa pinto at kinausap ang medyo maliit na lalaking mukhang may edad na.

“Ako po si Jeanina Ramirez. Ano pong kailangan nila?”

May iniabot siya sa’king isang malaking box na nakabalot ng pink na wrapper. Para itong regalo. Napakunot-noo ako.

“Delivery po para sa inyo. Pakipirmahan na lang po ito,” sabi niya at may iniabot sa’king papel.

Pumirma naman ako. “Uhh… manong, kanino po galing ‘to?”

“Pakitingnan na lang po ang card, Ma’am. Thank you po.”

“Ah, sige po. Salamat din.”

Pagkaalis niya ay bumalik na ako sa cubicle ko habang hawak ang box. Inilapag ko ito sa mesa ko.

“Wow! Ang laki namang gift niyan. Kanino galing? May secret admirer ka?” nakangiting tanong ni Yanna.

Nagkibit-balikat ako. “I don’t know. Teka, babasahin ko ‘yong card.”

Kinuha ko ang card at binasa iyon.

You’ll go with me at the awards night. You don’t have the right to say ‘no’ because you hurted me three years ago. You want me to forgive you? Then, come with me. This is the last time. I’ll text you on the exact day.
-Haru

P.S. This is a gift. I hope you like it.

“Haru?”

“Huh? Haru? Si Haru ang nagbigay niyan?” tanong ni Yanna.

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon