[26] Cutting

1.9K 48 0
                                    

After a few weeks…

Nag-start na ang first semester sa school namin. Ilang araw na rin ang nakaraan simula nang magsimula ang klase.

Pagkatapos ng naging paghaharap namin ng Lola ni Haru noon, mas lalo kaming napalapit ni Haru. Sa tuwing magkasama kami ay pinipilit niyang huwag mapag-usapan ang bagay na iyon. Pero kahit na ipinagtanggol niya ako noon sa Lola niya ay pansin kong palagi siyang malungkot. Hindi man halata dahil lagi siyang nakangiti, pero mahahalata sa kanyang mga mata na malungkot siya. Alam ko namang mahal niya ang Lola niya.

Somehow, I feel bad. Feeling ko kasi, kasalanan ko kung bakit sila nag-away. Kung hindi sana ako nakilala ng Lola niya nang araw na iyon, hindi sana sila mag-aaway.

Maliban pa doon, habang nagiging malapit kami ni Haru sa isa't isa, mas lalo ring nahuhulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam, pero masarap sa pakiramdam.

Ngayong araw na ‘to, hindi ko nakita si Haru sa labas ng bahay namin. Kadalasan kasi ay sabay kaming pumapasok kaya nagtaka ako kung bakit wala siya ngayon. Hindi kaya siya papasok? Ano kayang nangyari sa kanya?

Balak ko sanang puntahan muna siya sa bahay nila dahil nag-aalala ako pero napatigil ako nang makita ko ang oras. Male-late na ‘ko. Siguro ay ite-text ko na lang siya at itatanong kung nasaan siya.

To: Haru Haru <3
I’m on my way to school. Where are you?

Pagka-send ko ‘non ay nag-bike na ako papuntang school. Baka naman nauna lang siyang pumasok ngayon o baka late na nagising.

Pagdating ko sa school ay dumiretso na ‘ko agad sa first class ko. Mabuti na lang at wala pa ang instructor namin kaya hindi ako late. Habang papunta ako sa upuan ko ay tiningnan ko ang cellphone ko para makita kung nag-reply si Haru. Pero walang reply.

“Girl, nandyan ka na pala. Teka, hindi ka yata hinatid ni Haru dito?” tanong ni Yanna nang makaupo na ‘ko sa tabi niya. Oo, magkaklase pa rin kami. Kinuha talaga namin ang same schedule para hindi kami maghiwalay.

“Huh? Hindi pa ba siya pumapasok? Hindi ko siya nakita kanina sa harap ng bahay namin, eh,” sabi ko at kinuha ang cellphone ko para tingnan kung nag-reply na siya.

Pero wala pa ring kahit isang reply doon. Bakit kaya? Wala ba siyang load? Pero ang alam ko naka-plan siya.

“Wow, kakaiba ‘yan, ah. Hindi ka niya sinundo? Baka naman nag-away kayo?”

Umiling ako. “Hindi, ah. Ayos pa nga kami noong nagkita kami kahapon, eh.”

Napatango-tango si Yanna. “Hmm, eh bakit wala pa siya?”

“Hindi ko rin alam. Baka naman may sakit at natutulog pa ngayon. O baka na-late lang. Pupuntahan ko na lang siya sa classroom niya mamaya,” sabi ko.

“Sige. Ikaw bahala.”

Pero nang pumunta ako sa classroom niya pagkatapos ng unang klase ko ay absent daw siya. Ano na nga kaya ang nangyari sa kanya? Baka naman may sakit nga siya? Sinubukan ko ring tawagan siya pero laging operator ang sumasagot. Pupuntahan ko na lang siya sa kanila mamaya.

“Ano, girl? Tara na?” yaya sa’kin ni Yanna.

Lumingon ako kay Yanna at tumango. “Sige.”

Naglakad na kami paalis ng room ni Haru para pumunta sa canteen. Pero habang naglalakad kami, hindi ko inaasahan ang taong makakasalubong namin. Oo nga pala. Parehas nga pala sila ng course ni Haru. Nang makita niya kami ay lumapit siya sa amin.

“Jhea...”

“Jake.”

“Anong kailangan mo?” inis na tanong ni Yanna.

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon