[12] Dedicate

2.7K 68 0
                                    

Featured song: My Love Is Here – Erik Santos

**

Second day ng school festival ngayon. Since wala naman kaming klase, okay lang kahit hindi pumasok on time kaya alas diyes na lang ako umalis ng bahay.

Kukuhanin ko na sana ang bike ko para sana pumasok nang makita kong wala ito sa garahe namin. Bumalik ako sa loob ng bahay at tinanong si Mommy kung nasaan iyon.

“Mom, nasaan po ang bike ko?” tanong ko kay Mommy habang naghuhugas siya ng pinggan.

“Dala ng Kuya mo. Sabi niya, gusto daw niyang maglibot kaya ginamit na muna niya,” sabi ni Mommy.

Kaya pala paggising ko wala si Kuya. So, ano pala ang gagamitin ko ngayon? No choice kundi ang maglakad. Napasimangot ako. Tinatamad pa naman akong maglakad.

“Okay. Bye, Mom,” sabi ko tapos lumabas na ako ng bahay.

Paglabas ko ng bahay, muntik na akong mapatalon sa gulat dahil pagbukas ko ng gate ay naroon si Haru.

“What the?! Papatayin mo ba ‘ko?!” sigaw ko sa kanya.

Napakunot naman siya ng noo. “Why would I kill you?”

“I mean, bakit ka nandiyan? Papatayin mo ba ‘ko sa gulat?” sabi ko tapos lumabas na ng gate at sinarado iyon.

“Pinapunta ako dito ng Kuya mo. Sabi niya isabay daw kita,” sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ito.

“At pumayag ka naman?” tanong ko.

“Why not?” he asked.

“Pwede naman kasing hindi ka pumayag sa gusto niya, ‘di ba? Pwede naman kasing pumasok na lang ako ng mag-isa at mauna ka na, ‘di ba?”

“I know,” sabi niya.

“So bakit ka pumayag na isabay ako sa’yo? Unless you—“

“Kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka. Natalo ako ng Kuya mo sa pustahan kagabi kaya pinakiusapan niya ako ngayon,” sabi niya.

Napakunot naman ako ng noo. “Pustahan?”

“Naglaro kami ng dota kagabi.”

“Wow! Marunong ka palang mag-dota?”

Napakunot-noo siya. “Anong tingin mo sa’kin? Ignorante? Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan. Ano? Sakay na,” sabi niya.

Napatingin ako sa dala niyang bike. “Uhh… saan ako sa sasakay?”

“Try mo sa gulong,” sarcastic na sabi niya.

“Ha-ha! What a joke,” sarcastic ko ring sabi.

“Tch! Sumakay ka na nga lang,” naiiritang sabi niya at tinuro ‘yong angkasan sa bike niya.

“Seriously? You expect me to ride on that in this outfit?”

Kasi naman po, naka-uniform kaya ako. Palda siya na above the knee. May cycling naman ako pero duh! Palibhasa pants ang uniform niya, eh. Di bale na lang kung magpapalda siya. Oh gosh! Ano bang naiisip ko? Si Haru, nakapalda?

“Bakit ka tumatawa? Baliw ka?” tanong niya.

Oh my gosh! Tumatawa na pala ako nang hindi ko alam. Kasi naman, eh. Ang aga-aga kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Tumikhim ako para pakalmahin ang sarili ko.

“Never mind. Sakay na. Bilisan mo,” sabi niya.

Sumakay na lang ako kaysa makipagtalo pa. Humawak ako sa gitara niya na nakasabit sa likod niya para hindi naman ako mahulog. Tapos, nag-start na siyang mag-pidal.

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon