[18] Just Friends

2.3K 59 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo, kahit papaano naman ay natapos na rin ang usap-usapan sa school tungkol sa nangyaring gulo noon. Ako naman, unti-unti ko na ring kinalimutan ang nararamdaman ko para kay Jake. Medyo mabilis ko lang 'yon nakalimutan dahil tulad nga ng sinabi ko noong una ay hindi naman ako nahulog ng sobra sa kanya. Alam ko naman kasing may iba talaga siyang gusto. At may isa pang dahilan kung bakit agad kong nakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa tulong na rin ng best friend kong si Yanna at siyempre, sa tulong na rin ni Haru.

Habang tumatagal ay nagiging mas close kami ni Haru. Mas madalas na rin siyang sumasabay sa'min ni Yanna kapag nagla-lunch at sabay din kaming papasok at uuwi. May times pa rin talaga na aasarin niya ako pero kahit ganoon ay nasanay na rin ako dahil alam kong hindi siya si Haru kung hindi siya mang-aasar. Minsan nga lang ay nakakapanibago dahil may mga sinasabi siya na makakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na nga rin maintindihan ang sarili ko dahil doon pero hinayaan ko na lang.

Today is Friday. Plano sana naming magsaya bukas ni Yanna dahil walang pasok bukas at hindi na rin kami halos nakakapaggala dahil lagi niyang kasama ang boyfriend niya pero mukhang hindi muna matutuloy dahil may mahalagang mangyayari next week. Pre-final exams na namin kaya kailangan naming mag-aral.

"Okay, class. You all know that next week is our pre-final exams, right? Kailangan ninyong mag-aral lalo na sa mga bagsak noong midterm exams. You need to pass my subject kung ayaw niyong bumalik next sem at magkita ulit tayo. I prepared a reviewer for all of you. Kindly pass," sabi ng instructor namin at saka inabot sa harapan ang reviewer na ipinasa din naman papunta sa likod.

Nang makuha na namin ang reviewer namin ay pinauwi na rin kami.

"That's all for today. Good luck in your exams. Goodbye," pagkasabi ng instructor namin 'non ay umalis na rin ito.

Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Napansin ko naman ang nakasimangot na mukha ni Yanna habang nag-aayos ng gamit kaya naman kinalabit ko siya.

"Hoy! Anyare sa'yo?" tanong ko.

"Girl, help me," sabi niya na parang paiyak na.

Napakunot-noo ako. "Ha? Bakit? Anong nangyari?"

"Wala naman. Nag-aalala lang kasi ako sa exams natin, eh. Alam mo naman 'yong result ng midterm exams ko, 'di ba?"

Oo nga pala. Ang bababa kasi ng nakuha niyang scores sa lahat ng subject noong midterm exams namin. Paano ba naman kasi, sabi niya noon, kaya niya kahit 'di siya mag-aral. Sabi niya, stock knowledge na lang daw 'yon. Iyon naman pala, walang stock. Ayan tuloy ang napala. Nagpapetiks-petiks lang siya noon.

"Kasi naman ikaw, eh. Anong gagawin mo ngayon?" tanong ko.

"Tulungan mo 'ko, friend. Please. Sabay naman tayong mag-aral para matuto ako."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "At bakit? Hindi ka ba matututo kung mag-isa ka lang?"

"Eh... tingin ko, hindi. Lalo na at laging nagte-text sa'kin 'yong boyfie ko."

Napa-facepalm ako. Kaya naman pala, eh. "Eh di sabihin mo sa boyfriend mo, mag-aaral ka muna dahil exams."

"Sinasabi ko naman. Kaya lang, hindi ko mapigilang i-text siya, eh. Sige na, please?" sabi niya at saka nag-puppy eyes.

Dios mio! Naman oh!

"Sige na nga. Para namang matitiis kita," sabi ko.

Ngumiti siya ng malawak at saka niyakap ako. "Yey! Thank you, girl!"

**

Kinabukasan, naisipan kong maglinis ng kwarto ko dahil balak ni Yanna na mag-sleepover mamayang gabi dito para sabay kaming makapag-aral. Actually, okay lang namang huwag na akong maglinis dahil si Yanna lang naman 'yon. Alam naman niyang hindi ako mahilig maglinis. Pero dahil wala akong magawa ay naglinis na lang ako.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now