[62] Prince

2.7K 67 0
                                    

Featured song: Ordinary Song – Marc Velasco

**

“Gusto mo bang lumabas?” tanong ni Haru.

Tumango ako bilang sagot.

Nandito kami ngayon sa bahay at nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Pagkatapos ng press conference kahapon ay dito siya dumiretso samantalang bumalik naman si Janica sa hotel kung nasaan ang 4Sync.

Matapos i-reveal kahapon ni Haru ang tungkol sa relationship namin at sa mga plano niya, naisipan kong mag-open ng facebook account ko. Actually, binuksan ko iyon nang lumabas ang issue at nagpapasalamat ako na wala namang nang-bash sa akin. Pero alam kong dahil lang iyon sa hindi ako kilala ng mga tao. Mabuti na lang at hindi ako nag-a-accept ng friend requests kapag hindi ko kilala kaya puro kakilala ko lang ang friends ko. Nag-message sila sa’kin about sa issue at nagpapasalamat ako dahil wala naman silang masamang sinabi.

Nang i-open ko ang facebook account ko pagkatapos ng press conference ay nagulat ako nang tumambad ang napakaraming friend requests at mga posts na kailangan ng approval. Mabuti na lang at private ang account ko kaya hindi sila makakapag-message sa’kin hangga’t hindi ko sila ina-accept.

Nang tiningnan ko naman ang mga posts na kailangan ng approval ay hindi ko maiwasang maiyak. May mga posts doon na sinusuportahan kami ni Haru, may mga posts din na pinipilit kaming suportahan, at siyempre, may mga nangba-bash din at hindi ako matanggap. Still, nagpapasalamat ako dahil may mga taong kayang suportahan kami.

Kagabi ay dito ulit natulog si Haru. At tingin ko ay dito pa rin siya mag-i-stay hanggang sa makabalik siya sa Korea. At bukas na ang alis nila.

Tumayo kami pareho at dumiretso sa kwarto para maligo at magbihis. Kumuha siya ng damit niya at sinabing sa baba na siya maliligo. Tumango ako at nagpunta na sa banyo para maligo.

Matapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto ko para bumaba. Pagbaba ko ay naroon na si Haru habang nakaupo sa sofa at hinihintay ako. Tumayo siya nang makalapit ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “Nagpaalam na ‘ko kay Tita Jen. Sabi niya okay lang daw na lumabas tayo basta hindi kita pababayaan. Of course, hindi naman kita pababayaan.”

Napailing ako. “Si Mommy talaga. Tara na?”

Tumango siya at lumabas na kami. Sumakay kami sa kotseng dala niya at umalis na.

Habang nasa biyahe ay naisip ko kung saan kami pupunta kaya tinanong ko siya. “Saan pala tayo pupunta?”

Ngumisi siya. “Just... somewhere.”

Napakunot-noo ako. Naalala kong hindi pa niya kabisado dito kahit noong panahong nag-aaral pa siya dito.

“Alam mo ba kung saan? Baka mamaya maligaw tayo,” sabi ko.

Saglit siyang sumulyap sa’kin at mahinang tumawa. “Don’t worry. Hindi tayo maliligaw. Nakapunta na ako doon ng isang beses kaya alam ko kung saan.”

“Isang beses? Kailan ‘yon? Three years ago?”

Umiling siya. “Nope. Natatandaan mo noong unang beses akong bumisita sa inyo at kinausap kita? Pagkagaling ko sa inyo, naghanap ako ng lugar kung saan pwede akong mapag-isa para makapag-isip. At doon ako napadpad.”

“Ah.”

Tahimik na lang kami sa buong biyahe papunta roon. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga nadadaanan namin.

Mga ilang sandali lang ay iniliko niya ang sasakyan sa isang daan na medyo lubak. Napapaligiran ito ng mga puno pero mukha namang ligtas pumunta rito. Habang papalapit kami ay nawawala ang mga puno at napapalitan ng mga maliliit na damo. Maya-maya ay nakarating na kami sa dulo. At namangha ako sa nakita ko.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now