[36] The Way I Loved You

1.6K 41 0
                                    

Featured song: The Way I Loved You – Taylor Swift

**

Two weeks after the acquaintance party…

Naging busy na naman ang buong school matapos ang midterm exams dahil paparating na ang celebration ng anniversary ng school.

Para sa three-day celebration na iyon, may mga naka-set na schedules para sa mga magaganap. Mayroon ring mga contests na pwedeng salihan tulad ng Battle of the Bands, Mr. & Ms. Mini University, Clash Dance, Singing Competition, at marami pang iba. As for me, I’m planning to join the singing competition.

Nasa field ako ngayon kasama sina Haru, Yanna at Jake. Kasalukuyan kaming nakaupo sa ilalim ng puno habang may nakalatag na mat na para kaming nagpi-picnic. Pinag-uusapan namin kung ano ang mga sasalihan namin sa anniversary.

“So, sasali si Jhea sa singing competition at ako naman, sasali sa clash dance. Kayong dalawa? Anong balak niyo?” tanong ni Yanna kina Haru at Jake.

“None. Wala akong balak salihan ngayong taon na ‘to,” sagot ni Jake.

“How about you, Haru?” tanong ko.

“I’m planning on joining the Battle of the Bands,” sabi niya.

Napakunot-noo ako. “Sino namang kasama mo?”

“Hindi ko pa alam. Maghahanap pa ‘ko.”

Napatango-tango ako. It’s a good thing. At least, may sarili kaming pagkakaabalahan. Maliban lang kay Jake na sa tingin ko ay patuloy na susundan ang babaeng mahal niya.

“I heard na ang isa sa mga judges ng battle of the bands ay isang sikat na vocalist ng banda,” sabi ni Jake.

“Oh? That’s nice! Malay mo, ma-discover ka?” sabi ni Yanna kay Haru.

Napangiti si Haru. Napaisip naman ako. Kung sakaling ma-discover ang talent ni Haru, ibig sabihin, magsisimula na siyang tuparin ang mga pangarap niya. That’s a good thing, right?

Anyway, susuportahan ko pa rin naman siya kahit na anong mangyari.

**

Mini University Anniversary…

Ngayon ang first day ng anniversary. Kasalukuyan kaming nasa gym ngayon para sa opening ceremony. Nakaupo ang lahat according to their respective departments kaya hindi namin kasama ni Yanna si Haru at Jake. Pero nakikita ko sila di-kalayuan sa pwesto namin.

Nagsimula ang program sa pangunguna ng Student Council President. Nagsimula ang pagdarasal at ang pagkanta ng National Anthem. Pagkatapos ay tinawag ang principal para sa opening remarks.

“Ang tagal naman!” reklamo ni Yanna nang umabot na ng kalahating oras ang opening remarks ng principal. Ito lang talaga ang panget dito. Nakakainip talaga makinig sa ganyan.

Nang sa wakas ay natapos na ang opening remarks, ipinagpatuloy na ng Student Council ang program. In-announce din nila ang mga mangyayari sa tatlong araw na selebrasyon ng anniversary.

Ngayong first day na ito ang Singing Competition pati na rin ang iba pang contests. Bukas naman ang Battle of the Bands at Clash Dance. Sa last day naman ang Mr. & Ms. Mini University pati na rin ang overall awarding ng mga nanalo sa bawat competition.

Nang matapos ang opening ceremony ay pinag-lunch na ang lahat at pinaghanda ang mga kasali sa Singing Competition. Bigla akong kinabahan. Pangatlo ako sa mga magpe-perform.

Nagpunta na kami sa canteen para kumain bago ako ayusan ni Yanna. Kasama na namin sina Haru at Jake.

“Just keep calm. Isipin mo nasa kwarto ka lang. Be yourself,” sabi ni Haru habang kumakain kami.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now