[24] Rainbow

2.1K 62 1
                                    

Nang matapos kaming kumain ay naglakad-lakad na muna kami. Ngayong nagpunta kami dito ay bigla kong naalala ang araw na first time kong nakita ang CNBlue. Napangiti ako nang maalala iyon.

“Why are you smiling?” Napansin marahil ni Haru ang pagngiti ko kaya tinanong niya ako.

“Wala. May naalala lang,” sagot ko.

“Mind sharing it with me?”

Ikinuwento ko sa kanya ang unang beses na nasilayan ko ng personal ang favorite K-pop boy band kong CNBlue. First day of school pa lang noong araw na iyon kaya naisipan kong huwag na munang pumasok. Niyaya ko si Yanna na samahan ako pero tinatamad daw siya nang araw na iyon kaya mag-isa na lang akong nagpunta. Sobrang daming tao noon dahil libre lang ang event na ‘yon. Alas diyes ng umaga ako nagpunta doon at naghintay. Hindi na nga ako kumain ng lunch noon dahil excited akong makita sila. Hindi naman ako nabigo dahil nang pagdating ng alas kwatro ng hapon ay lumabas na sila.

Todo ang sigaw ko nang mga oras na iyon dahil sa wakas ay nakita ko na ang bias kong si Kang Minhyuk at ang leader na si Jung Yonghwa. Wala na akong pakialam kahit na natatapakan na nila ang paa ko at sobrang siksikan na. Worth it pa dahil nahawakan ko ang kamay ni Minhyuk.

Hindi ko talaga makakalimutan ang experience na ‘yon. Kaya nga sa tuwing nagpupunta ako dito ay naaalala ko iyon.

“They’re lucky,” sabi ni Haru pagkatapos kong magkwento.

Nagtaka ako. “Bakit naman?”

“They have a fan like you. Sana artista din akong tulad nila para naroon ka rin para puntahan at panoorin ako. At naroon ka rin para hawakan ang kamay ko.”

Nag-init ang pisngi ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako.

Bigla naman akong napahinto sa paglalakad nang makita ko ang Tony Moly. Bigla rin akong napangiti at tumakbo papunta doon.

“Jhea, where are you going?” tanong ni Haru nang makita akong tumakbo.

Dumiretso ako sa standee ng Tony Moly at nilabas ang cellphone ko. Nag-selfie ako kasama ang standee nina Eunhyuk, Henry at Donghae. Tapos ay nag-selfie rin ako na kaming dalawa lang ng bias kong si Donghae.

“Buti pa ang standee, kahit hindi totoo, nakakapagpa-picture ka at ngumingiti ka sa tuwing nakikita mo.”

Nagulat ako sa sinabi ni Haru. Parang kanina pa siya nagpaparinig, ah?

Lumapit ako sa kanya at saka inakbayan siya. Napatingin naman siya sa’kin dahil sa ginawa ko. Itinaas ko ang cellphone ko at ngumiti sa camera. Pagkatapos ay tiningnan ko ang kinuha kong picture at napasimangot nang makita ko ito.

“Anong ginawa mo?” tanong ni Haru.

Pinakita ko sa kanya ang picture. “Ano ba ‘yan? Bakit sa’kin ka nakatingin? Ako lang tuloy ang nakangiti sa picture.”

“Bakit ka kumuha ng picture kasama ako?” tanong niya.

“Napansin ko lang kasing kanina ka pa nagpaparinig diyan. Kasama mo na nga ako, nagseselos ka pa,” sabi ko.

“I’m not jealous.”

“Not jealous daw. Halata kaya. Huwag ka ng magkaila,” sabi ko.

Napasimangot siya. “Alright, I'm jealous. Kasama nga kita pero nakakaselos pa rin. Buti pa sila na wala dito ay naaalala mo, napapangiti ka nila, minamahal mo sila kahit hindi ka nila kilala, tapos kahit standee lang ang nandito, tatakbo ka agad at magpapa-picture. Paano pa kung sila na mismo ang nandito, eh di kinalimutan mo na ‘ko?”

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon