[8] Smile

3.4K 64 0
                                    

Jhea’s POV

“Bye, Mommy. Bye, Daddy. Bye, Kuya.”

“Bye, ingat ka,” sabi nina Kuya.

Lumabas na ako ng bahay habang hawak ang bike ko. At kung mamalasin ka nga naman, kasabay ko na naman ang lalaking ito.

“Bad morning,” bulong ko habang nakasimangot at hindi tumitingin sa kanya.

“Ang panget mo.”

Napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakasakay na siya sa bike niya at agad na umalis.

Seriously? Bakit ba iyon nalang ang naririnig ko sa kanya? Kahapon pa niya sinasabi ‘yon, ah? Maganda naman ako.

Sumakay na ako sa bike ko at humabol sa kanya. At nang maabutan ko siya…

“Hoy! Anong panget ang pinagsasasabi mo diyan? Maganda ako, ‘no. Maganda ako! Kung hindi mo naiintindihan ‘yon, ita-translate ko sa english. I’m pretty! Kung hindi mo pa rin naiintindihan, ita-translate ko na rin sa Korean. Nan neomu yeppeoyo!”

Hindi niya ako pinansin. Nagdire-diretso lang siya sa pag-pidal. At dahil hindi niya ako pinansin, nagsalita ulit ako.

“Hoy! Ano ba? Tumigil ka nga. Kinakausap kita.”

Napasimangot naman siya. “Pwede ba tumigil ka? Ang ingay ingay mo. Mamaya mabunggo ka pa diyan eh,” sabi niya.

“Duh! As if you care. Bawiin mo ‘yong sinabi mong panget ako.”

Pero hindi pa rin niya ako pinansin. Kaya ang ginawa ko, nag-ingay ako ng nag-ingay at hindi siya tinigilan hanggang sa makarating kami sa school. Ni hindi ko na nga alam ang mga pinagsasasabi ko, eh. Mukha na nga akong tanga dahil bawat taong nadadaanan namin ay tinitingnan ako. Basta hindi ko siya titigilan!

Nang makarating kami sa school, hindi ko pa rin siya tinigilan. Hindi rin naman niya ‘ko pinipigilan, eh. Akala siguro niya titigil na lang ako hanggang sa mapagod ako. Pwes, hindi!

“Ano na? Ha? Bawiin mo na kasi ‘yong sinabi mo. Hindi ako panget. Hindi. Hindi. Hindi!” sigaw ko sa kanya.

Dahil hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko, hindi ko napansin na may kotse pala na parating. Nasa parking lot pa nga pala kami. Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Haru. Napapikit ako sa gulat. Ramdam ko ang bilis ng tibok puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba muntik na akong masagasaan o dahil nakayakap ako ngayon kay Haru. Gosh! Ano ba ‘tong nararamdaman ko?

“Hoy! Huwag nga kayong maglandian sa daan!”

Natauhan ako dahil sa sigaw na iyon. Napatingin ako sa lalaking muntik ng makabangga sa’kin.

“Pasensya na,” sabi ni Haru sa lalaki. Umalis na lang ‘yong lalaki at hindi na pinansin si Haru.

Humarap naman ako kay Haru. At mas lalo akong nagulat nang paglingon ko ay nakatingin siya sa’kin. At ang lapit ng mukha niya!

Hindi ako makagalaw. Ano bang nangyayari sa’kin?

“Sa susunod nga mag-ingat ka.”

Bigla akong natauhan nang magsalita siya. Agad akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili ko.

“Ang ingay-ingay mo kasi. Muntik ka na tuloy masagasaan,” sabi niya.

“Ikaw kasi! Bawiin mo na kasi ‘yong sinabi mong panget ako. Hindi naman ako panget, eh,” sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

“Panget ka—“

Ayan na naman siya. “Hindi nga sabi ako panget, eh.”

Tiningnan niya ako. “Panget ka… kapag nakasimangot ka. Mas bagay sa’yo ang nakangiti. Tulad ng ngiting ipinakita mo nang nalaman mong dumating ang kuya mo. Minsan ko lang nakita ‘yon, pero bagay na bagay sa’yo.”

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon