[43] Break-up

2K 39 2
                                    

Kahit na alam na ni Haru na iniiwasan ko siya, hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iwas. Ang totoo niyan, mas lalo akong umiwas sa kanya. Nagdadahilan pa rin ako minsan pero madalas diretso ko na lang siyang tinatanggihan.

Alam kong nasasaktan ko na siya dahil sa ginagawa ko. Alam ko namang mali ito, eh. Pero gusto ko lang namang makita niya ang rason ko. Gusto kong makita niya kung bakit ko ‘to ginagawa. This isn’t for me. It’s for him and his dreams.

Madalas ko na rin kasama si Jake. Sa totoo lang, mas madalas ko pang kasama si Jake kaysa kay Yanna. May mga oras kasi na busy si Yanna dahil sumali siya ng dance troupe. Pero may mga oras naman na pareho silang kasama ko. May mga panahon man na kasama ko si Haru, hindi ko naman siya masyadong pinapansin.

Katulad na lang ngayon. Magkakasama kaming apat dito sa rooftop ng school. Madalas dito na kami tumatambay. Nakasalampak lang kami sa sahig na nilatagan namin ng tela na nakita namin sa bodega dito sa taas. May maliit kasi na room dito sa gilid na nagsisilbing bodega ng iba’t ibang gamit.

Katabi ko si Haru at Yanna habang kumakain kami. Nasa tapat ko naman si Jake. Kahit na hindi ako nakatingin kay Haru, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa’kin. Hindi siya masyadong kumakain. Tahimik lang kaming apat at walang nagsasalita. Tanging tunog lang ng pagnguya ng pagkain at ang ihip ng hangin ang naririnig.

“This is kinda awkward,” dinig kong sabi ni Jake ng pabulong pero alam kong dinig naming tatlo. Bigla kong narinig na umubo si Yanna sa gilid ko kaya inabutan ko siya ng tubig.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Haru at naramdaman ko ang pagtayo niya. Lumingon ako sa kanya.

“I’m out of here,” sabi niya at umalis ng hindi man lang ako o kami nililingon. Napabuntong-hininga ako at napayuko.

I miss him. Kahit na katabi ko lang siya, I miss him so much.

Naramdaman ko ang tingin sa’kin nina Jake at Yanna. Biglang tinapik ni Yanna ang balikat ko.

“Talaga bang paninindigan mo na ‘to?” tanong niya.

“Sabi ko naman sa’yo, ayoko sa plano mo. Tingnan mo nga, pareho lang kayong nasasaktan,” sabi ni Jake.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. “Alam ko naman ‘yon, eh. Kaya lang kasi...”

“C’mon, Jhea! Siguro naman hindi na kailangang umabot sa ganito, ‘di ba? Bakit ‘di mo na lang siya kausapin ng maayos?” tanong ni Yanna.

Umiling ako. “Ilang beses ko ng sinubukan ‘yan pero ayaw niya. Alam niyo naman ‘yon, ‘di ba?”

“Then, I’ll talk to him,” sabi ni Jake.

Nanlaki ang mata ko. “No! Hindi mo gagawin ‘yan! Hayaan na natin siya!”

“Pero walang mangyayari kung hihintayin mo lang na ma-realize niya ang ginagawa mo. Dapat kausapin mo na siya.”

“Tama si Jake. Kausapin mo na siya. Huwag ‘yong ganito, Jhea. Parehas kayong nasasaktan, eh. Kaibigan niyo kami. Ano sa tingin mo ang nararamdaman namin ngayong nakikita namin kayong ganyan? Kung nasasaktan kami at nasasaktan ka, mas nasasaktan si Haru sa ginagawa mo,” sabi ni Yanna.

Umiling ako ng umiling. “No, please no. Hayaan niyo na lang. Please? Let’s wait. Please? Pakinggan niyo naman ako, oh.”

Napahagulgol ako ng iyak. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Yanna. Si Jake naman ay biglang tumayo.

“Fine. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kinakailangan mong gawin ‘yan sa sarili mo. Alam mo, iniisip ko na rin kung bakit nga ba hindi ka na lang pumayag sa gusto ni Haru. Bakit mo nga ba siya pinagtatabuyan? Para sa pangarap niya? Bullshit! Kung tutuusin tama naman si Haru, eh. Marami pang opportunities diyan. Darating naman ‘yon sa tamang panahon. Kailangan lang maghintay,” sabi niya.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now