[4] Magkaibigan

4.5K 79 3
                                    

Pinagsisisihan ko na pumayag ako sa gusto ni Haru na maging slave niya. Paano ba naman kasi, araw-araw niya akong inuutusan. Mabuti na nga lang at hindi naman ganoon kahirap. Naku, subukan lang niyang pahirapan ako kundi sasapakin ko talaga siya!

Pero sa totoo lang, nakakainis talaga ‘yong ginagawa niyang pag-uutos sa’kin. Oo nga at madali lang. Pero lagi na lang siyang nagmumukhang tamad dahil sa mga utos niya. May time kasi na pinakuha niya sa’kin ‘yong bag niya samantalang nasa tabi lang niya at aabutin niya na lang. Dahil sa inis ko, hinampas ko sa kanya iyon. At ayun, hindi ako tinantanan sa pag-uutos buong araw.

Nasa canteen ako ngayon kasama si Yanna. Mukha akong wala sa sarili dahil sa pagod na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga pinagawa sa'kin ni Haru kanina habang naglalakad kami papuntang school. Napansin naman iyon ni Yanna kaya naman hindi na siya nakatiis at kinausap ako.

“Hoy, babae! Ano bang nangyayari sa’yo? Ba’t mukha kang wala sa sarili at parang ang haggard mo yata? Kanina ko pa ‘yan napapansin habang nasa room tayo. May nangyari ba?” tanong niya.

“H-ha? Wala naman,” sabi ko ng walang gana.

“Anong wala? Mukha kang binagsakan ng langit at lupa sa itsura mo. Daig mo pa ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa itsura mo. Sila nga nakakangiti pa pagkatapos ng trahedyang nangyari sa kanila tapos ikaw mukhang wala ng pag-asa. Sabihin mo nga, ano ba talagang nangyari? May ginawa ba sa’yo si Haru?”

Napadukdok ako sa mesa at saka inis na inis na nag-kwento kay Yanna ng napag-usapan namin ni Haru. Nang matapos akong magkwento, wala siyang ibang nagawa kundi ang mapailing na lang.

“Tsk tsk tsk. Ikaw naman kasi, eh. Ba’t ka nagpahalata? Ayan tuloy at nalaman niya. Hawak ka tuloy niya ngayon sa leeg,” sabi ni Yanna.

“Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan. Naiinis lang ako. Uuwi na lang ako ng maaga mamaya. Sobrang pagod na ‘ko agad, eh,” nakasimangot kong sabi.

**

Nang mag-uwian na ng hapon, agad akong tumayo at inayos ang gamit ko. Lumapit din ako kay Yanna at saka nagbeso sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako agad.

“Sige na, Yanna. Bukas na lang. Bye,” sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na makapagpaalam at umalis na ‘ko agad.

Sa sobrang pagod ko, hindi na ‘ko halos makapaglakad ng mabilis para makarating agad sa bahay. Nangangamba pa naman ako dahil baka bigla akong maabutan ni Haru dito at utusan na naman ako. At hindi nga ako nagkamali dahil bigla kong narinig ang pagtawag niya sa’kin.

“Hoy, slave. May balak ka bang takasan ako?”

Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang ngisi sa mukha niya. Bigla naman siyang nagulat nang makita ang itsura ko.

“Bakit na naman?” tanong ko.

“Ano ba ‘yang itsura mo? Ang panget! Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa,” sabi niya na parang natatawa pa. Tawa-tawa siya diyan samantalang siya ang may kasalanan kung bakit ako ganito.

“Sino ba kasi sa tingin mo ang may kasalanan kung bakit ganito ang itsura ko? Ano pa bang kailangan mo? Huwag mong sabihing may iuutos ka na naman? Pwede bang hinay-hinay lang, Haru? Iisa lang ako. At hindi naman ako superhero para gawin lahat ng inuutos mo. Hello! Napapagod din ako, okay?” sabi ko.

Tumikhim naman siya. “Tss! Sige na nga. Balak pa sana kitang utusan pero sa nakikita ko, mukhang bibigay ka na nga. Mahirap na. Baka magsumbong ka pa sa Mommy mo na pinapahirapan kita,” sabi niya.

“Anong akala mo sa’kin? Sumbungera? Psh! Never mind. Bahala ka na nga diyan. Uuwi na ‘ko. Bahala ka kung sasabay ka ba o hindi,” sabi ko at saka tumalikod na.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa’kin kaya mukhang pauwi na nga rin siya. Hinayaan ko na lang siya dahil wala na akong lakas para makipag-asaran pa sa kanya. Mukha namang alam niyang wala ako sa mood kaya hindi na niya ako ginulo. Mabuti na ‘yon dahil kung hindi ay sisipain ko na talaga siya.

**

Pagdating ko sa bahay, nagbihis agad ako at saka kumain ng meryenda mag-isa. Hindi ko naabutan doon si Mommy. Nag-text na lamang ito na nasa mall daw siya para mag-grocery. Wala kasi ang katulong namin ngayon dahil naka-leave ito pansamantala.

Balak ko sanang matulog muna pero bigla akong tinamad. In-on ko na lamang ang TV at nanood sa Myx. Sakto namang paglipat ko ng channel ay pinapalabas nila ang replay ng Mnet Asian Music Awards 2013 na hindi ko napanood noong nakaraan. Napangiti ako dahil sa wakas ay mapapanood ko na at may subtitles pa.

Namangha ako sa galing ng mga performance ng iba’t ibang artists. Nang sa wakas ay performance na ng EXO, sinabayan ko ang pagkanta nila at sinabayan din ang bawat galaw ng sayaw nila kahit na konti lang ang alam ko. Nang mag-perform naman sila ng kanta nilang ‘Wolf’ ay hindi ko napigilang makisabay sa linya nila kung saan umaalulong sila na para talagang isang wolf.

Natigil naman ako sa pag-alulong nang marinig ang nagsalita.

“Hoy!”

“Ay gwapong nilalang!” Napalingon ako sa nanggulat sa’kin at nakita ko si Haru na nakangisi sa’kin.

“Alam kong gwapo ako. Anyway, bakit ka umaalulong diyan? Mukha kang tanga,” sabi niya at saka umupo sa tabi ko.

“Gwapo? Saan banda? Ayun ang gwapo oh, nasa TV. At saka hindi ako umaalulong!”

“Kung ganoon, anong tawag mo sa ginagawa mong pagsabay sa kanta nila na parang wolf? Hindi ba alulong ‘yon? At saka mali-mali pa ang lyrics mo. Mukha ka talagang tanga,” sabi niya.

“Pakialam mo ba? Palibhasa alam mo kung paano bigkasin ng maayos ‘yong lenggwahe nila, eh. Teka nga, bakit ka ba nandito?” tanong ko.

Tumingin siya sa TV bago nagsalita. “Pinapunta ako dito ng Mommy mo. Wala ka daw kasing kasama kaya sabi niya, samahan daw kita.”

Napakunot-noo ako. “Ano ako, bata? Si Mommy talaga.”

Nanood na lamang ako at hindi na pinansin si Haru. Bahala na siya kung gusto niyang manood o hindi. Basta ako, mag-e-enjoy lang ako sa panonood. Paminsan-minsan ay napapasabay ako sa kanta pero dahil nga minsan ay mali-mali ang lyrics ko, napapasulyap siya sa’kin at napapangisi. Hindi ko na lang pinapansin dahil alam kong nang-iinis na naman siya.

Nang ia-announce na kung sino ang nanalo sa best band performance, napansin kong napatutok ng mabuti si Haru sa TV. Wait a minute. Hindi kaya inaabangan din niya ito? Pinagmasdan ko kung anong magiging reaksyon niya kapag in-announce na ang winner. Nang manalo ang Busker Busker, bigla siyang napailing habang nakakunot ang noo. Napataas ang kilay ko dahil sa naging reaksyon niya.

“Sayang naman, di nanalo ang CNBlue,” sabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Fan ba siya ng CNBlue? CNBlue is one of the most popular boy band in South Korea. Idol ko rin sila at bias ko doon ang leader ng banda na si Jung Yong Hwa. Pero hindi ko akalain na kilala pala ni Haru ang CNBlue. Kunsabagay, galing siyang Korea kaya malamang ay kilala niya ang bandang ito. Hmm, mukhang magkakasundo kami sa hilig, ah. Pwede kaya kaming maging magkaibigan?

Kinalabit ko siya at agad naman siyang napatingin sa'kin.

“Fan ka ba ng CNBlue?” tanong ko.

“Oo, bakit?”

Umaliwalas ang mukha ko sa nalaman. “Talaga? Ako rin. Ang galing nila, ‘no. Alam mo, mukhang magkakasundo tayo sa bagay na ‘yan.”

Napataas naman ang kilay niya. “So? Hindi ko tinatanong.”

Napasimangot naman ako sa sagot niya. Akala ko naman pwedeng maging kaibigan. Sungit! Teka nga. Bakit ko ba iniisip na magiging kaibigan ko siya? Sa ugali pa lang, hindi na talaga kami magkakasundo. Asa pa!

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now