[59] Bad news

2.4K 51 0
                                    

“Haru…”

“Hmm?”

Nandito pa rin kami ngayon sa garden. Tapos na kaming kumain at kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench. Nakaakbay siya sa’kin habang nakasandal naman ang ulo ko sa balikat niya. Nakatingin lang kami sa langit at pinapanood ang stars.

Paminsan-minsan ay bigla na lang niyang hinahalikan ang ulo ko. Napapangiti ako kapag ginagawa niya ‘yon.

“Nag-usap na ba kayo ng agency niyo?” I asked.

Kanina pa kasi talaga ako nacu-curious kung anong mangyayari sa 4Sync pati na rin sa kanya ngayong naisipan niyang mag-quit na sa banda.

“Yes. Nag-usap na kami kasama ang president kanina through Skype,” sabi niya.

“Pwede ko bang malaman kung anong pinag-usapan niyo?” I asked.

He chuckled. “Of course. Bakit naman hindi ko sasabihin sa’yo? I know you’re worried kaya gusto mong malaman. You don’t have to. Naging maayos naman ang pag-uusap namin. They understand. Well, they’re really disappointed but they can’t do anything about it.”

“Ano ng mangyayari sa’yo? Sa 4Sync?”

He sighed. “I have bad news for you, Jhea.”

Napakunot-noo ako. Bad news?

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa’kin na parang ayaw niyang sabihin sa’kin kung ano ‘yon. Siguro pakiramdam niya masasaktan ako kapag sinabi niya.

“Ano ‘yon?”

Hinaplos niya ang buhok ko. “Member pa rin ako ng 4Sync hanggang sa matapos ang contract ko.”

Napangiti ako. “Oh, anong bad news doon? ‘Di ba dapat maging masaya ka pa kasi part ka pa rin ng band?”

“The bad news is... I still have a year before my contract expires. That means, isang taon ko pang makakasama ang 4Sync. Okay lang naman sa’kin ‘yon. Of course, mga kaibigan ko pa rin naman sila. And I treasure the band. Pero Jhea, ibig sabihin lang din ‘non, isang taon pa bago tayo tuluyang magsama.”

Napawi ang ngiti ko. Ganoon katagal? Kaya ba namin? Kaya ko ba?

“Kung ganoon, babalik ka pa sa Korea para sumama sa activities and schedules ng 4Sync for one year?” I asked.

Tumango siya. “Pero Jhea, okay lang naman kung hindi ko na tapusin ‘yong contract, eh. Pwede namang bayaran ko na lang ‘yong breach of contract.”

Nanlaki ang mata ko. “No! Huwag mong gagawin ‘yon. Paano kung hindi pwedeng bayaran? Baka mamaya umabot pa sa korte.”

“But Jhea, one year without you is already too long for me.”

Hindi ako nakapagsalita. I know. It’s too long for me, too. Pero tingin ko saglit lang naman iyon. Tingin ko kaya naman namin ‘yon.

I sighed. “It’s too long for me, too. Pero okay lang. Willing naman akong maghintay, eh. Besides, pwede naman kitang bisitahin doon kapag may libreng oras ako. Saka pwede naman tayong mag-usap through Skype. We can still see each other.”

Pinilit kong ngumiti para hindi na siya mag-alala. Para sa’kin, kakayanin ko namang maghintay basta siya ang hihintayin ko.

Matagal niya akong tinitigan habang hinahaplos ang buhok ko. Napabuntong-hininga siya.

“Okay. If that’s what you want. I’ll miss you but I’m also willing to wait. Basta masigurado ko lang na sa’kin ka pa rin hanggang sa matapos ang contract ko, willing akong maghintay,” he said.

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon