[29] Explain

2K 46 0
                                    

“I guess natatandaan mo na. Now, say it, Jhea. I want to hear it from you. Look into my eyes and say it to me,” sabi niya.

Teka nga! Di ba galit ako? Bakit ko naman sasabihin sa kanya ‘yon eh ni hindi ko pa nga naririnig ang paliwanag niya? Ano siya, sinuswerte? Paano kung hindi naman talaga niya ‘ko mahal?

Tumikhim ako at humalukipkip. “No. I’m not going to say it. Magpaliwanag ka kaya muna. Hindi pwedeng ganoon na lang ‘yon.”

Napakamot naman siya sa ulo. “Ganoon? Okay. Here it goes.”

**

Haru’s POV (Flashback)

Tulad ng dati, nagising ako ng maaga nang araw na iyon. Naligo na ako agad at nag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para magpaalam. Susunduin ko pa si Jhea sa kanila. I can’t wait to see her.

Pagbaba ko sa living room, hindi ko inaasahang nandoon din pala si Lola. Babatiin ko na sana sila ni Mommy pero napansin kong hindi lang sila ang naroon. May kasama silang isang babae.

Nang makita ako ni Lola, napangiti siya. “Gising ka na pala. Halika. Umupo ka muna dito.”

Kahit na nagtataka ay umupo na rin ako. "Ano pong meron?”

“I’d like you to meet Ashley Smith. Siya ang sinasabi ko sa’yong apo ng kaibigan ko. At siya rin ang magiging fiancée mo,” sabi niya saka tumingin sa babae. Nginitian niya ito. “Ashley, meet my grandson, Haru.”

Napatayo ako dahil sa narinig ko. Hindi pwede ‘to! Hindi nila ako pwedeng pilitin sa isang babaeng hindi ko gusto! Si Jhea lang ang mahal ko at pakakasalan ko!

“Lola, hindi pa ba malinaw sa inyo ang sinabi ko? Sinabi ko ng hindi ako magpapakasal kung hindi lang din si Jhea! Bakit ba ayaw niyo ‘kong tigilan?!” sigaw ko.

“Haru!” sigaw sa’kin ni Mommy nang pagtaasan ko ng boses si Lola.

Nakita ko ang galit sa mukha ni Lola. “Iyan ba ang natutunan mo sa babaeng ‘yon? Ang pagtaasan ako ng boses? Nasaan na ang Haru na apo ko? Anong nangyari sa’yo? Anong ginawa niya sa’yo?!”

“Wala siyang ginagawang masama sa’kin, Lola. Kayo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.”

“Haru, tumigil ka na!” sigaw sa’kin ni Mommy na ikinagulat ko.

“Mom, pati ba naman ikaw? Akala ko ba gusto mo si Jhea? Bakit parang kinakampihan mo pa si Lola?” tanong ko.

“Wala akong kinakampihan, Haru. At gusto ko rin si Jhea para sa’yo. Alam ko ring mahal mo siya at gusto mo siyang ipaglaban. Pero hindi ito sapat na dahilan para sigawan mo ang Lola mo,” sagot ni Mommy.

My Mom is right. She’s still my grandmother. Napabuntong-hininga ako at tumingin kay Lola.

“Alright, I’m sorry. But you still can’t force me to marry someone I don’t even know and don’t love. You know who I love and she’s the only one I’m going to marry. And even if she’s not, you still don’t have the right to choose someone for me,” sabi ko.

Napataas ng kilay si Lola. “Ganoon? Kung ganoon, wala na akong magagawa. I need to do this para sumunod ka.”

Napakunot-noo ako sa sinabi ni Lola. “What do you mean?”

Nagulat na lang kami nang biglang may pumasok na limang lalaking naka-itim. Hula ko ay mga bodyguards ito ni Lola. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito pero may kutob akong mayroon silang gagawin na hindi ko magugustuhan. At tama nga ang hinala ko nang lumapit sila sa’kin at agad akong hinawakan sa magkabilang braso.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now