[27] Gulo

1.8K 55 0
                                    

Yanna’s POV

“Girl, ano bang nangyayari sa’yo? Bakit bigla-bigla ka na lang nagyayang mag-cutting classes samantalang hindi ka naman nagcu-cutting? Ano bang pinag-usapan niyo ni Jake? May ginawa ba siya sa’yo?” tanong ko kay Jhea.

Nandito kami sa bahay ngayon at umiinom. Actually, hindi ako umiinom. Siya lang. After kasi nilang mag-usap ni Jake kanina, bigla na lang niya ‘kong hinila palabas ng canteen at napansin kong umiiyak siya. Nagulat pa ako nang bigla siyang magyayang mag-cut ng class. Kahit naguguluhan ako kung bakit, pumayag na rin ako at dumiretso kami sa bahay. Akala ko ay pag-uusapan namin ang problema niya pero nagulat ako nang bigla niyang hilingin na uminom kami. Hindi sana ako papayag pero nagpumilit siya kaya pumayag na rin ako.

Kanina pa kami nandito at kanina pa rin siya umiinom pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sinasabi tungkol sa problema niya.

Ibinaba niya ang shot glass na pinag-inuman niya at nagsalita. “Nakakainis siya! Nakakainis talaga siya!”

Nakakainis? Ano kayang pinag-usapan nila ni Jake at inis na inis siya? Ano kayang pinag-usapan nila na nakapagpaiyak sa kanya?

“Ano ba kasing problema? Ano ba kasing pinag-usapan niyo? At bakit ka ba umiiyak?” tanong ko.

Imbes na sagutin ako ay uminom pa ulit siya. Kinuha ko ang basong iniinuman niya at inilayo sa kanya iyon.

“Itigil mo na nga ‘yan! Lasing ka na, eh. Sabihin mo sa’kin kung anong problema mo,” pagpupumilit ko.

“Nakita ko siya. May kasama siyang… babae. Nakakainis! I hate him!”

Si Jake? May kasamang babae? At bakit naman siya naiinis? Hanggang ngayon ba ay may gusto pa rin siya sa lalaking ‘yon?

“Ano naman kung may kasama siyang babae? Akala ko ba sabi mo wala ka ng gusto sa kanya? Kung ganoon, bakit ka nagagalit diyan? Nagpapakalasing ka pa dahil sa kanya,” sabi ko.

“Kasi... kasi... sabi niya, ako lang mahal niya. Eh bakit may iba siyang kasama?” tanong niya at bigla na lang siyang napahagulgol ng iyak.

Napakunot-noo ako. Sinabi ni Jake na mahal niya si Jhea? Tapos may kasama siyang ibang babae? Teka, bakit parang ang gulo? At bakit naman sasabihin ni Jake na mahal niya si Jhea tapos may kasama pala siyang ibang babae? Ang gulo!

Baka naman ‘yong babae ang sinabihan ni Jake at hindi siya?

“Ang gulo naman! Hindi kita ma-gets, Jhea. Umayos ka nga kasi,” sabi ko.

Bigla siyang tumayo at nagpunta sa kama ko. Akala ko ay matutulog siya dahil humiga siya doon. Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang umiyak na parang bata. As in ngumawa siya!

“Ayoko na sa kanya! Ayoko na talaga!”

Tumabi ako sa kanya at pinatahan siya. “Ngayon mo lang ba na-realize na ayaw mo na sa kanya? Sabi mo dati, naka-move on ka na. Tapos ngayon malalaman ko na hindi naman pala. Tama na, Jhea. Hindi naman siya worth it mahalin, eh.”

“Pero Yanna, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya,” sabi niya bago siya nakatulog na may luha sa mga mata.

Akala ko simpleng crush lang ang pagkagusto niya kay Jake tulad ng sinabi niya noon. Mahal naman pala niya.

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nakita kong tumatawag si Haru. Sinagot ko ito agad.

“Hello, Haru?”

“Yanna, kasama mo ba si Jhea?”

“Oo. Bakit?”

“Hindi ko kasi kayo nakita sa school, eh. Nasaan ba kayo?”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now