[38] Dean's office

1.6K 38 0
                                    

Nang matapos ang awarding ay nagpasya kaming umalis na doon at mag-celebrate sa bahay. Naglalakad na kami papunta sa gate nang biglang may tumatakbong isang lalaki papunta sa amin. Namukhaan kong isa siya sa mga kasama ni Haru kanina nang nag-perform sila.

“Haru!”

Napatingin si Haru sa kanya. “Jerry? Bakit?”

Tumingin muna ang lalaking nagngangalang ‘Jerry’ sa amin nina Yanna bago bumaling kay Haru.

“Pinapatawag ka sa Dean’s office,” sabi nito.

Nakita ko ang pagkunot-noo ni Haru. Hindi ko maiwasang magtaka. Bakit naman siya pinapatawag sa Dean’s office? May nagawa ba siyang kasalanan?

“Bakit daw?” tanong ni Haru.

Nagkibit-balikat ito. “Ewan. Pumunta ka na lang doon. Mukhang importante, eh,” pagkasabi niya ‘non ay nagpaalam na siya para umalis.

Pagkaalis ni Jerry ay humarap sa’kin si Haru. “Pupunta lang ako doon. Kayo? Gusto niyo bang sumama?”

Naisip kong baka matagalan siya kaya naisip kong sa gate na lang maghintay. “Hindi na. Sa gate ka na lang namin hihintayin. Tatawagan ko na rin si Mommy para makapag-ready sa bahay.”

Tumango siya. “Okay. I’ll go now.”

Tumango ako at umalis na siya papuntang Dean’s office. Nagsimula na rin kaming maglakad ni Yanna papuntang gate. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mag-alala. Bakit naman kaya siya ipapatawag sa Dean’s office? Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang ginawang kasalanan. At kung meron man ay sasabihin niya sa’kin iyon agad.

Binalewala ko na lang ang iniisip ko. Itatanong ko na lang sa kanya mamaya.

Nang makalabas kami ni Yanna ay umupo muna kami sa waiting area malapit sa guard house. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Mommy.

“Sinong tinatawagan mo?” tanong ni Yanna.

“Si Mommy.”

Nang matapos ang ilang ring ay sinagot na niya ito. “Hello?”

“Mommy.”

“Oh, ba’t napatawag ka? Hindi ka pa ba uuwi? Hindi pa ba tapos ang battle of the bands?” tanong ni Mommy.

“Tapos na po, Mom. Tumawag lang po ako dahil may gusto po sana akong hinging pabor.”

“Pabor?”

“Nanalo po kasi sina Haru. Naisip po naming diyan na lang sa bahay mag-celebrate. Kung okay lang po?”

“Talaga? Sige. Magandang balita iyan. Maghahanda na ako ng kakainin niyo. Papupuntahin ko na rin dito ang Mommy ni Haru,” sabi ni Mommy. Dinig ko ang masayang boses ni Mommy mula sa kabilang linya.

“Thanks, Mom.”

“Teka, sino pala ang kasama niyo? Kasama ba ang mga ka-banda ni Haru?”

Umiling ako kahit na alam kong hindi naman iyon nakikita ni Mommy. “Hindi po. Si Yanna lang po ang kasama namin.”

“Okay!”

Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy ay bumaling ako kay Yanna na kasalukuyang may ka-text sa cellphone. Nakakunot ang kanyang noo na para bang may nabasa siyang hindi niya nagustuhan.

“Yanna.”

Hindi niya ako pinansin. Nakatutok lang siya sa kanyang cellphone.

“Yanna!”

Hindi pa rin niya ako narinig. Ano bang problema nito?

“Alyanna Clemente!”

Bahagya siyang napatalon nang marinig ang sigaw ko. Muntik pa niyang mabitiwan ang cellphone niya. Tumingin siya sa’kin.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now