[15] F.O.

2.5K 59 0
                                    

Pagkatapos kong umiyak ng umiyak kanina, naisipan naming umuwi ni Haru. Hindi na ako pumasok sa susunod ko na klase dahil sa lagay ko ngayon. Hindi na rin pumasok si Haru dahil ang sabi niya ay sasamahan na lang daw niya ako.

Naipaliwanag sa’kin ni Haru na kaya niya ako pinilit na sabihin kay Jake ang nararamdaman ko ay dahil paraan ‘yon para matapos na ang sakit na nararamdaman ko. Para madali na lang akong makapag-move-on. Alam kasi niya na hangga’t may mabigat na pakiramdam sa dibdib ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.

“Salamat, Haru. Hindi mo naman ako kailangang samahan, eh. Dapat pumasok ka na lang sa klase mo,” sabi ko.

“Nangako ako sa’yong sasamahan kita sa mga oras na kailangan mo ng kasama. Hindi ko naman pwedeng ipagsawalang-bahala ‘yon.”

“Pero pwede namang si Yanna na lang ang sumama sa’kin, eh. Naistorbo ka pa tuloy.”

“Mas okay naman na ako na ang maistorbo kaysa sa kaibigan mo. At kailangan niyang pumasok para ipaliwanag sa’yo ang mga mami-miss mong lessons.”

Ah, oo nga pala. Nang malaman ni Yanna ang nangyari, gusto niya akong samahan. Pero sinabi ni Haru na pumasok na lang siya at siya na ang bahala sa’kin. Nagpumilit si Yanna na samahan ako pero sabi ni Haru ay dapat na may pumasok na isa sa’min para malaman ang mga susunod na lessons. Wala ng nagawa si Yanna kundi ang sumunod. Pero nangako siya na tatawag sa’kin mamayang uwian.

“Are you okay now?”

Napalingon ako kay Haru nang tanungin niya ‘ko ‘non. I smiled a little. “Medyo okay na ‘ko. Thank you, ha?”

“Basta huwag ka ng iiyak ulit ng dahil sa kanya, ha? And I hope hindi mo na siya kakausapin. Sa’kin ka pa naman binilin ng Kuya mo. Sabi niya, kapag may umaway sa’yo, sapakin ko. Pero dahil alam kong gusto mo siya, hindi ko ‘yon gagawin.”

Napangiti naman ako. “Si Kuya talaga.”

Last week pa nga pala nakabalik ng South Korea sina Daddy at Kuya. Bago sila umalis, hinabilin ako ni Kuya kay Haru. Ang sabi niya, wala na daw siya para i-comfort ako. Pero natutuwa daw siya dahil may papalit na sa pwesto niya. At walang iba kundi si Haru. Pero ang bilin sa’kin ni Kuya, kapag inaway ako ni Haru, isumbong ko daw sa kanya at uuwi daw siya agad para sapakin si Haru. Natuwa ako nang maalala ko iyon.

“We’re here.”

Napahinto ako sa paglalakad nang sabihin ‘yon ni Haru. Oo nga. Hindi ko namamalayan na nandito na pala kami sa bahay. Bumaling ako kay Haru at nagpaalam na.

“Thank you ulit, Haru. Sige, pasok na ‘ko sa loob.”

“Okay. Just make sure that you won’t cry again,” sabi niya.

Tumango ako at saka kumaway sa kanya. Tapos, pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko, nakita ko si Mommy na kasalukuyang nanonood ng TV. Nang makita niya ako, ngumiti siya at tumayo. Lumapit naman ako.

“Hi, Mom,” sabi ko at saka hinalikan siya sa pisngi.

“Ang aga mo yata ngayon,” sabi niya.

“Uhh… nag-early dismissal po kasi lahat ng prof kaya umuwi na ‘ko,” pagsisinungaling ko.

Nakita kong napakunot ang noo niya. “May problema ka ba? Bakit parang iba yata ang itsura mo ngayon?”

Hindi dapat malaman ni Mommy na umiyak ako. Knowing her, alam kong ayaw niya akong nakikitang umiiyak dahil siguradong kukulitin niya ako ng kukulitin. At wala ako sa mood na makipag-usap pa.

“W-wala po. Napagod lang po ako dahil ang dami naming ginawa kanina.”

“Ganoon ba? Oh sige, ang mabuti pa pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga saglit. Tatawagin na lang kita kapag oras na ng hapunan.”

Rainbow After The RainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora