[10] Invisible

2.8K 71 4
                                    

Featured song: Invisible – Taylor Swift

**

Jhea’s POV

Three days na ang nakakalipas after ng nangyaring pambabastos sa’kin sa mall. After mangyari ‘yon, na-feel ko ang pagbabago ni Haru. Hindi na niya ako inaasar. Well, inaasar pa rin niya ‘ko, pero hindi na masyado. May times na lang kapag ginusto niya, gagawin niya.

In a way, thankful naman ako dahil sa ginawa niyang pag-comfort sa akin noong may bumastos sa’kin. At kahit papaano naman, medyo nag-iba na ang tingin ko sa kanya. Kahit papaano pala, may puso rin siya. Medyo naging close naman kami ng kaunti. Kaunti lang naman. Sabihin na nating nasa 10% pa lang.

Right now, nandito ako sa garden ng school at nakatambay. Sa kasamaang palad, hindi pumasok si Yanna. Monthsary kasi nila ng boyfriend niya kaya hindi siya pumasok. Kaya heto, alone ang peg ko ngayon. So, pahangin-pahangin na lang muna ako dito, nang biglang may dumating.

“Jhea!”

I glanced at the person coming towards me. He was smiling, a smile that makes me like him even more.

I smiled at him. “Hi, Jake.”

He sat beside me then looked at me. “Bakit nandito ka?” tanong niya.

“Vacant time lang namin. Ikaw?”

“Break time. Katatapos ko lang mag-practice ng kakantahin ko para sa school festival.”

“Ah. Oo nga pala. Ano nga bang gagawin mo doon?” tanong ko.

“I will sing a ballad song.”

“Solo?”

Tumango siya.

“That’s nice. Good luck,” I said then smiled at him.

“Thanks. By the way, I often see you with Haru. Do you know each other?”

“Our parents are best friends. We’re neighbors. Kaya ko siya madalas kasama ay dahil ako ang inutusan ng Mom niya na turuan siya dito. Kumbaga, ako ang mag-a-assist sa kanya sa kahit saan siya pumunta. Two years old lang kasi siya noong umalis sila dito sa Philippines para pumunta sa ibang bansa. At kailan lang sila nakabalik so wala talagang alam si Haru na kahit anong lugar dito. Kaya kahit sa mga mall, nagpapasama siya kapag may kailangan siyang bilhin.”

“So, that’s why,” sabi niya.

“Uhh, alam mo ba kung anong gagawin ni Haru sa school festival?” tanong ko.

Nahalata ko ang pagtataka sa mukha niya. “Why? Wala ba siyang sinabi sa’yo?”

“Wala, eh. Ayaw niyang sabihin. Sabi niya, hintayin ko na lang daw ang school festival. Naku! Kung alam ko lang, baka wala namang talent ‘yon kaya ayaw niyang sabihin,” sabi ko at natawa.

Totoo naman, eh. Kapag tinatanong ko siya kung anong gagawin niya sa school festival, ayaw niyang sabihin. Sus! Baka mamaya wala naman palang talent ‘yon kaya ayaw niyang sabihin, eh.

“Walang talent?”

“Yup. Ni minsan hindi ko pa nga nakitang sumayaw o kumanta ‘yon, eh. Well, kapag pumapasok kami, lagi ko siyang nakikitang may dalang gitara pero ni minsan hindi ko pa siya nakitang tumugtog ‘non. Naisip ko nga, baka display lang niya ‘yon para maisip ng mga tao na may talent siya,” sabi ko at tumawa na naman. Teka, bakit parang ang sama ko yata?

“Ganoon? Well, I think you’re wrong. Baka kainin mo ang sinabi mo.”

Napatingin ako sa kanya. “Huh?”

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now