[2] Korean

6.8K 136 0
                                    

Monday.

Nasa school na ‘ko ngayon at kasalukuyang hinihintay si Yanna dito sa room.

I’m currently studying at Mini University. Weird name but who cares? Baka weird din ang nakaisip ng pangalan ng school na ‘to. I’m a first year college student taking up Journalism. I’ve always wanted to be a writer that’s why I took this course. We are currently on second semester this year.

“Hoy!”

“Ay butiki!” Nagulat ako sa pagdating ni Yanna. Napasimangot naman siya.

“Ouch naman, friend. Sa ganda kong ‘to, butiki ang tingin mo sa’kin?”

“Sorry naman. Nanggugulat ka kasi, eh.”

Magkukuwentuhan pa sana kami pero biglang dumating ang instructor namin kaya nag-aral na muna kami.

**

Nang matapos ang lahat ng klase ko sa araw na ito ay agad kong inayos ang gamit ko. Sumakit kasi ang ulo ko lalo na at mainit pa ang panahon.

“Jhea, uuwi ka na?” tanong ni Yanna.

“Yup. Sasabay ka?”

“Nope. Susunduin ako ng boyfie ko, eh. Una ka na. Basta balitaan mo na lang ako, ha?” sabi niya na ipinagtaka ko.

“Balitaan saan?”

Napatingin naman siya sa’kin at napataas ng kilay. “Don’t tell me nakalimutan mo?”

“Huh? Ano bang nakalimutan ko?”

“Di ba ngayon darating ang Tita Lena mo?”

Nang sabihin niya iyon ay agad akong napangiti at nagbeso-beso sa kanya. “Oo nga pala. Sige, girl. Alis na ‘ko. See you!”

“Sige, girl. Ingat!” sigaw niya at patakbo na akong lumabas ng room.

I’m so excited! And I just can’t hide it! But at the same time, kinakabahan rin ako. Ano kayang klaseng tao ‘yong anak ni Tita Lena? Sabi ni Mommy, mabait daw si Tita Lena kaya siguro naman mabait din ‘yon.

Habang tumatakbo ako ay hindi ko napansin na may makakabunggo pala ako kaya naman natumba kami pareho.

“Ouch!”

“Ay sorry, hindi ko sinasadya,” sabi ko doon sa girl.

“Ha! Sorry?! Hindi ka lang talaga tumitingin sa dinaraanan mo!” sigaw niya sa’kin. Pamilyar ang boses niya sa’kin kaya naman napatingin ako sa kanya.

Oh, great! At ngayon minamalas ako. Of all people, why her? And why is she here? I didn’t know na dito pala siya nag-aaral. Hindi ko naman kasi siya nakita noong first sem.

“What are you staring at? Wait a minute. I know you,” sabi niya.

She is Leslie Roxas. I think Tourism ang course na kinuha niya base na rin sa suot niyang uniform. She was my high school classmate so siguro naman magka-year level lang kami. Hindi kami magkasundo dahil sa pagiging maldita niya sa’kin kahit na hindi ko naman alam kung anong nagawa kong kasalanan sa kanya.

“You’re Jhea, right? Jeanina Ramirez?” tanong niya.

Akala ko ay nakalimutan na niya ako dahil inis na inis siya sa’kin pero hindi pa pala. “Yup, ako nga.”

“Naalala ko, ikaw ‘yong babaeng patay na patay sa kuya ko. Don’t tell me nandito ka dahil sinundan mo siya? You’re really desperate, huh?”

What? So nandito ang kuya niya? Dito rin nag-aaral ang kuya niya?

Crush ko kasi ang kuya niya. Pero hindi naman ako patay na patay sa kanya masyado, ‘no. Slight lang. Ang gwapo kasi, eh. Mabait din siya at matalino. Pero hindi alam ng kuya niya na may gusto ako sa kanya. At mukhang wala din namang balak si Leslie na sabihin sa kuya niya na crush ko siya dahil nga ayaw sa’kin nitong si Leslie. Siguro kaya galit sa’kin si Leslie ay dahil nalaman niyang may gusto ako sa kuya niya. Paano niya nalaman? Nakita kasi niyang may picture ako ng kuya niya sa notebook ko noon.

Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon