[63] Wish

3.1K 73 0
                                    

Featured song: Rainbow – South Border

**

After six months...

Tumingin ako sa labas at inaliw ang sarili ko sa mga nadadaanan namin. Napangiti ako. Ang ganda pala talaga dito. Akala ko sa picture ko na lang ‘to makikita. Ngayon, nakikita ko na talaga.

Maya-maya ay nakarating na ako sa lugar na dapat kong puntahan. Lumingon ako kay Kuya at ngumiti.

“Oh, baby girl, dito na ang destination mo. Alam mo na ba kung saan mo siya hihintayin?” tanong ni Kuya Jared.

Tumango ako at tinanggal ang seatbelt ko. “Yes, Kuya. Thank you sa paghatid. Didiretso ka na ba sa trabaho?”

“Oo. Mag-ingat kayo,” sabi niya.

Bumaba na ako at nagpaalam na sa kanya. Nang makaalis siya ay naglakad na ako habang tinitingnan ang buong paligid.

Nandito ako sa Gwanghwamun Plaza ngayon. Dumating ako kahapon dito sa South Korea para bisitahin sina Daddy at Kuya. Actually, kasama ko rin si Mommy pero kasama naman niya si Daddy ngayon sa company kung saan sumunod naman si Kuya Jared doon ngayon.

Pero siyempre, hindi lang naman sina Daddy at Kuya ang ipinunta ko dito. Gusto ko ring bisitahin si Haru.

It’s been six months since we last saw each other. Nagkikita naman kami pero sa Skype na lang. Araw-araw, walang palya, lagi siyang nag-o-online kahit saglit lang para kamustahin at kausapin ako. Minsan lang siya tumawag dahil mas madalas, sa Skype kami nag-uusap.

Kahapon, gusto niya akong sunduin sa aiport pero dahil may schedule siyang filming ng isang commercial, hindi siya nakapunta. Ayos lang naman dahil sinundo kami ni Kuya kahapon na kasama si Tita Lena. Oo, nagkita na ulit kahapon sina Mommy at Tita Lena. Masayang-masaya sila.

Kaya ako nandito ngayon sa Gwanghwamun Plaza ay dahil dito ang napag-usapan namin ni Haru na magkikita.

Naglalakad ako nang biglang may humarang sa’kin na grupo ng mga estudyante. Dalawang babae at tatlong lalaki sila. Napahinto ako sa paglalakad.

Napakunot-noo ako nang mag-usap-usap sila sa harap ko. Hindi ko sila maintindihan dahil nagko-korean sila. Ang alam ko lang, itinutulak ng dalawang babae ang tatlong lalaki palapit sa’kin pero mukhang nahihiya ang tatlo.

Oh-kay? Anong problema ng mga ‘to?

Maya-maya ay lumapit sa’kin ang isang babae. Nagulat ako nang kausapin niya ako.

“Excuse me. I’m sorry for disturbing you. You’re Jhea, right? Haru oppa’s girlfriend?” tanong niya.

Nahihiya akong tumango. Bakit niya tinatanong? “Uhh… yes.”

“Oh! Sorry. I’m the only one who can speak English among us. Uhh… you see, my three guy friends want to take a picture with you. Well, if that’s okay with you?” sabi niya.

Bahagya akong namula. Seriously? Magpapa-picture talaga sila sa’kin?

“Are you sure?” I asked.

“Yes, they’re sure.”

“Hmm, okay then.”

Pagkasabi ko ‘non ay agad namang tinawag ng babae ang tatlo niyang kaibigang lalaki. Lumapit sila sa’kin at isa-isang nag-bow. Nag-bow din ako sa kanila. Pagkatapos ay lumapit sila sa’kin at pumuwesto para magpa-picture.

Kinuhanan kami ng picture ng babae. Ang isang babaeng kasama nila ay sumama na rin sa picture.

Natigil kami sa pagpi-picture nang may tumikhim sa likod namin. Napalingon kami at nakita ko ang isang lalaking naka-cap at naka-shades. Napataas ang isang kilay ko. Alam na alam ko kung sino siya.

Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now